Chapter 1

24 6 0
                                    

[Present Time]

CHAPTER 1 

 Phone



"WHAT?!" i said in a very enthusiastic and eager manner voice.

"Oo nga, ang galing ko talaga hindi ba? HAHAHA" Ani Rinse

"Seriously?" Sabat ni Aera

Eh pano ba naman kase nahanap ko na yong cellphone kong nawala kanina lang, ay oo nga pala si Rinse yong nakahanap, lol.

"San mo ba nahanap, Ri?" Tanong ni Aera.

"Sa may lost and found lang naman malamang." She gave a 'duh' look.

Umiling si Aera at umirap sa hangin. Parang may dalaw ata to, well araw araw naman pala siyang masungit so, siguro araw araw ding may dalaw.

"Hindi ba ako yong nawalan?"

"Huh? Kaya nga. Sinasabi mo, gaga?" Aniya

Tumikim ako at, " Akala ko ba aalis tayo mamaya, you know gala there gala here gala today?"

"Kaya nga, san mo ba gusto, Seika? Wala pa akong alam na pupuntahan, hindi naman natin to pinag planuhan. Chrismast break naman to." Sabi ni Aera

Biglang pumalakpak si Rinse at niyakap si Aera sa leeg. "Uh, hello! Rinse Liah Riaz is here, the LAKWATSERA of this squad."

"Tss." Ani Aera

Humalakhak ako sabay, " Saan ba? G ako. Basta wag sa bar."

Balak talaga namin lumbas since yong test for second sem is now DONE!! Pero hindi namin na pag-planuhan since nag-rereview kame these past few days for second sem at iba iba yong course namin, pero nasa Medical Course pa din naman maliban kay Rinse. Si Rinse ay PT or Physical Therapist, kase passion niya raw. Si Aera naman ay sa Medical din katulad ko, Pharmacist yong kinuwa niyang course. Habang ako Medical Technologist yong ini-istrive kong matapos.

"Sa Night Market? O sa-"

"Sa may resto o basta mura na pagkain!" Aera shouted since paakyat na siya sa Dorm na katabi lang din nang room namin ni Rinse. Yung sa baba kase, kung nasan kame ngayon... parang living room na walang masyadong laman kase Sofa, table lang at yong glass door yong nandoon.

"Okay!" Rinse shouted back

"Imbitihan naten si Ray, Rinse. Magtatampo yon 'tas hindi tayo titigalan nung gagong yon." Napailing na lang ako.

Tumayo na kami sa sofa, "Sinabi mo pa, ang sarap sampalin nang lalaking yon." Aniya

Sabay kaming humalakhak habang naglalakad sa hagdanan.

"By the way, si kuya pala nag-karoon na ng sariling condo." Simangot niyang sabi.

"E ano naman ngayon? Ingit ka? HAHA" Panunudyo ko sa kanya, pano ba naman kase halos yong kuya niya laging may allowance raw tapos nag-papartime job o gig raw yon sabi ni Rinse kuno

Mas lalong sumimangot yong mukha niya, pero bago pa siya makapag-salita binuksan ko na yung pinto ng dorm ni Aera at sakin. Si Rinse lang ang wala laging kasama sa dorm niya kaya nakiki-dorm saamin, malungkot raw kase wala siyang kachikahan at kadaldalan ng mga poging nakikta niya kaya lagi siyang nasa dorm namin ni Aera.

"Sara niyo agad yong pinto lalabas yong lamig ng Aircon, sayang pambayad." Pambunga samin ni Aera.

Habang sinasara ko yong pinto nag-salita si Rinse Riaz the Pilosopo. "Hay nako, grabe naman yon kunting bukas lang ng pinto lalabas na yong lamig agad agad? Parang Jowa mong mahilig mag-labas ng lamig sayo, oooOoo! Wala ka pa lang ganon, lol." Ani Ri

Kumunot ang noo ni Aera at, "Dami mong alam."

Napahalakhak ako. Kahit ganyan yong dalawang yan pag may kinaka-inisan si Rinse susuportahan din yan ni Aera. Aera is quiet and weird was my first impression, but she's really nice and caring inside.

"Maya maya na tayo umalis mga 6 na, mag-mall na lang tayo, sa Ayala Malls." Sabi ko habang naglalakad patungo sa Bunk Bed namin ni Aera.

"Aright', hahanap muna ako ng damit at magpapalit. Bye-bye!" Ani Rinse sabay takbo papuntang pintuan.

Umiling ako at umkyat sa pang-unang bed which is the upper bed. Kinuha ko yong kumot at tinabon sa sarili ko.

I'm very relieved that my phone was found and as i sighed i looked at my phone and pressed the home button, '5:22PM' and one unread notification. Kumunot ang noo ko at pinindot ko iyon, tinype ko muna ang PIN ko. Bumukas ang Twitter ko at bumungad saakin ang convo namin ni Ray.

raynalùs_:

'Hoy, asan kayo nila wash off? Isama nio ko sa gagalaan nio this Christmas break😠'

Mahina akong humalakhak, alam talaga neto ang galawan namin ah HAHA parang bakla ang gago, pft.

"Yo, Aera. Isama raw natin si Ray sa Mall, nag-bigay ng angry face sa message sabi niya Asan raw tayo nila Rinse HAHA" Ani ko kay Aera.

Tuamawa siya ng mahina, "Kaya nga eh, nag-chat rin sakin."

"Ggg. Replyan ko na." I said

seikaaistraaa:

'Wala kaming balak isama ka, mang-chichics ka lang don sa mall, nakakahiya kang hayop ka.🤡'

I replied.

Nakita ko nang nag-rereply siya dahil may tatlo nang dots na lumabas pero bago ko makita yong reply niya tumawag si Mama.

In an instant bumaba ako sa bunk bed at lumabas sa room.

I answered the call.

"Mama."

"Seikatsu Aistra, come home this Friday, umuwi ka since Saturday kinabukasan 'non and bumalik ka na lang sa January 2 if you want to celebrate with your friends. We have a family dinner this Christmas and there's a surprise! Oh also we'll fetch you on your dorm, alright?" She said excitedly.

"E? Odoroki wa nanideshou ka?" 'E? What's the suprise?'  I said questioningly.

"Your Father is coming!"

E? Why so sudden? I wasn't informed. Like really.

———

Waited In A Cold Day (Medical Event Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon