Napakalamig ng hanging dumadampi sa aking katawan. Tanging mga pagawit ng ibon at lagpatak ng ulan ang aking naririnig. Aking iminulat ang aking mga mata, isang malawak na kakahayon ang bumungad sa akin. Hindi ko mawari kung papano ako nakarating sa liblib na lugar ito. Sinubukan kung igalaw ang aking katawan, ngunit kumirot lang ang aking buong katawan. Parang puno ng bogbog ang mga ito. Napahawak ako sa aking noo ng makaramdam ako ng pagkahilo. Kahit nahihilo ako ay pinilit ko paring maglakad palabas sa kagubatan.
“Bakit ganito ang daan dito?”takang tanong ko sa aking sarili.
Sinundan ko ang daang gawa sa bato. Nagbaba kasaling makarating ako sa pagamutan. Ngunit mas lalo akong nagulat ng makarating ako sa lugar na kung saan may nagtataasang salamin.
“Bahay ba ito? Kung ganon nasan ako?”
*beep!!!* nagulat ako sa tunog na iyon na nagmumula sa aking likuran.
“Hey you! Magpapakamatay ka ba ha?!”galit na wika nito sa akin.
Marunong siya sa wikang engles. “Bingi ka ba?! Umalis ka sa daan!” wika uli ng estranghero. Napatingin ako sa aking paligid. Napakalaki ng pagkakaiba sa aking pinagmulan.
May mga naglalakihang salamin, at sasakyan na gawa sa metal. Napapitlaga ako sa biglang dumaan sa akin, parang hangin na biglang naglaho sa aking paningin. “Anong lugar ito? Ang kanilang pananalita at pananamit ay kakaiba.” tanong ko sa aking sarili.
Habang hinahanap ko ang daan patungo sa pagamutan ay napadpad ako sa eskenitang madilim.
“Miss wag kana ng magtaka pang sumigaw walang makakarinig sayo, wag kang mag alala masasarapan ka sa gagawin ko.”wika ng isang lalake.
Tila di nya ako napansin, “Kuya wag po”takot na wika ng babae.
Mukhang inaaliposta sya ng lalake, kaya na isipan kong magsalita.“Huwag mong hawakan ang babaeng iyan, kung nais mo pang mabuhay”ma oteridad na wika ko.
“Sino ka naman?!”wika ng lalake habang inilingo lingo nya ang kanyang ulo.
“Ako ang pupugot ng ulo mo hangal!”galit kong wika.
Natakot siya sa aking sinabi dahil agad itong tumakbo. Lumabas ako sa lugar na aking pinagtaguan.
“Ayos ka lang ba binibini?”tanong ko sa dilag na muntik ng maalipusta ng lalaking iyon.
“O-o” takot na wika nito. Hahakbang sana ako palapit sa kanya ng biglang nagdilim ang paningin ko. Bago ko ipikit ang aking mga mata ay nakita ko ang maamo mukha ng dilag.
YOU ARE READING
𝐓𝐇𝐄 𝐒𝐓𝐎𝐑𝐘 𝐎𝐅 𝐎𝐔𝐑 𝐏𝐀𝐒𝐓
RomanceClock is ticking, time is running and it's time for us to meet again.