Aphrodite pov."Omg, what i have done?"tanong ko sa sarili ko. Agad naman akong umalis sa ibabaw niya at dali daling kinuha ang mga nilagyan ng pagkain, at agad tumakbo palabas ng silid.
"Shit, nakakahiya yun. He was my first kiss."ines sa sabi ko habang hinahawakan ang labi ko.
"Aphro!"napatigil ako sa paglalakad ng marining kung may tumawag sa akin. "Saan ka pupunta? Maaari ba akong sumama sa iyo? Nakakalungkot sa loob ng silid." sabi nya, kaya naman nilingon ko siya.
"Hindi pwede, kaya bumalik kana don!"sigaw ko "At bakit mo tinanggal ang nakalagay sa kamay mo ha?"ng gigil na talaga ako sa taong ito.
"Nakaka sagabal ito sa akin. Kaya maaari ba akong sumama?"sabi niya.
"Haystt! Oo na!"ines na sabi ko. Wala naman akong choice kundi pasamahin ang alien na toh.
"Saan nagmumula ang ingay na iyon?" tanong niya na naman.
"Sa mga kotse"tipid kong sagot at inilagay sa basurahan ang mga nilagyan ng pagkain..
"Kotse pala ang tawag sa mga bagay na iyan"turo niya sa mga dumadaan.
"Para kang bata"bulong ko. "Halika samahan mo ako sa cafeteria, at wag ka ng magtanong kung ano ang cafeteria." deritso kong sabi kasi alam kung kukulitin na niya naman ako.
Papasok palang kami sa cafeteria ay tinititigan na kami. Ay mali yung kasama ko pala, di ko naman maitangging hindi siya pogi. Kakaiba ang kapogian niya. Halos lahat ng babae sa cafeteria ay tinititigan siya.
"Bakit ganon sila makatingin sa akin?"tanong niya ng makahanap kami ng pwesto.
"Hindi ko alam. Itanong mo sa kanila!"iritado kung sagot. "Dito kalang bibili lang ako ng kape." tumango naman siya.
"Ahh miss dalawang black coffee."sabi ko.
"Okay po, 196 pesos po." sabi nya at inabot ang dalawang daan. "Ma'am ang pogi naman ng boyfriend niyo. Hehehe tapos ang ganda pa ng kanyang mata mala ginto."tili ng babae kaya mas lalo akong nairita.
"Miss alam kung pogi boyfriend ko kaya huwag mo ng pagpantasyahan. Akin na rin ang kape!"ines kong sabi sa babae.
"Sorry po ma'am, and here's your coffee."pagka abot nya sa kape ay agad akong pumunta sa table namin.
"Oh kape!"abot ko sa kape.
"Maraming salamat binibini."ngiti niyang sabi, kaya mas lalo pa syang pomogi sa ngiti nya. Haystt bat ko ba sinabi na boyfriend ko ito?
"Alien ka ba?"wala sa sarili kong tanong habang tinititigan syang sumimsim ng kape.
"A-alien? Ano iyon?" naguguluhan niyang tanong.
Hayst sabi na nga ba pati yun di niya alam. Wala naman sigurong alien na marunong sa lingwahe ng mga tao. Baliw na talaga ako.
"Hayst"napapikit nalang ako sa ines.
"Yung kanina pala, yung sa halik pase-"di ko na sya pinatapos.
"Wag mo na ituloy ang sasabihin mo okay?"kinakabahan kong sabi. "Nakakahiya iyun"bulong ko.
"Nahihiya ka pala binibini."naka ngiti niyang tukso.
Haysst masasapak ko talaga ang lalaking toh.
YOU ARE READING
𝐓𝐇𝐄 𝐒𝐓𝐎𝐑𝐘 𝐎𝐅 𝐎𝐔𝐑 𝐏𝐀𝐒𝐓
RomanceClock is ticking, time is running and it's time for us to meet again.