MATEO POV
"Binibini napaka ganda naman ng mga-"hindi ko na natapos ang aking sasabihin. "Nasaan na kaya siya?"tanong ko.
Agad ko siyang hinanap sa buong silid ngunit hindi ko siya matagpuan. Hinanap ko na din siya sa buong pagamutan ngunit hindi ko siya matagpuan.
"Iniwan na niya ako"malungkot kong saad.
*knock*knock
Napalingon ako sa maypinto ng silid ng may kumatok.
"Ano ang maipaglilingkod ko sa iyo binibini?"tanong ko ng bumakas ang pinto at bumungad ang binibini.
"Sir pwede na po kayong lumabas ngayon ng hospital. Wag kayo mag alala bayad na po lahat ng bills niyo."wika niya.
Tumango naman ako, agad naman siyang lumabas. Nagtungo muna ako sa palikuran bago lumabas ng pagamotan.
"Saan kaya ako magtutungo?"tanong ko habang naglalakad sa isang makipot na daan.
"Tingnan mo bes napaka gwapong nilalang"napalingon ako sa aking tagiliran ng may biglang tumili.
"Hi po"bati sakin ng isang bata.
Ngumiti naman ako at tumango. Binilasan ko na lamang ang paglalakad. Dahil sa mga kakaibang kilos ng mga tao dito. Hindi ko maware bakit sila ganon, bigla bigla na lamang tumitili.
"Hold up toh! Taas mo kamay mo!"napatigil ako sa paglalakad ng may biglang humarang sa aking mga kalalakihan.
"Ilabas mo na pera mo!"galit na wika ng isa.
Magsasalita palang sana ako ng may biglang dumating.
"Hoy! Ayun! Hulihin niyo!"sigaw ng mga dumating.
Nagsitakbuhan naman ang mga kalalakihang humarang sakin. Biglang lumapit sakin ang isang binibini.
"Ayos ka lang? Magiingat ka sa susunod madaming ng gago dito."wika niya
"Wala iyon."wika ko. "Mag tatanong lang sana ako sa iyo binibini"
"Ano yun?"
"May kilala ka bang Aphrodite Harris?"tanong ko.
"Ahh si aphro? Yung anak ng chairman ng isang malakinh kompanya?"wika niya habang tumatango.
"Alam mo ba kung saan siya nakatira?"
"HAHAHAHA"tawa niya, napatigil lang siya sa pagtawa ng makita niyang di ako tumawa. "Hayst! Hindi ko alam san siya nakatira pero mahahanap mo siya sa toring yan!"wika niya at tinuro ang napakaling bahay na gawa sa salamin na ilang metro lang ang layo.
"Maraming salamat binibini."pasalamat ko at akoy agad na umalis.
"Hahaha baliw ba yun?"rinig kong tanong ng binibining pinagtanongan ko bago pa ako maka alis ng tuluyan.
Pagkarating ko sa toring sinasabi ng babae ay agad ako naglakad papasok ng harangin ako ng dalawang lalaki.
"Hindi po kayo pwede pumasok ng walang pahintulot!"wika ng lalaki.
"Naparito ako upang makipag usap kay binibining aphro."wika ko
"Pasensya na pero di kayo pwede pumasok."pigil sa akin ng lalaki.
"Hindi ako aalis dito hanggat hindi ko siya na kakausap!"giit ko.
Naglakad ako palayo sa mga lalaking yun at tinanaw ang isang bintana. Alam ko na siya iyong babaeng nakatulala.
"Aphro! Andito ako!"sigaw ko "HINDI AKO AALIS DITO HANGGAT HINDI MO AKO KINAKAUSAP!"
Nakatayo lang ako habang tinititigan siya na ngayon ay tinatanaw ako. Ngumiti ako sa kanya ngunit sumimangot naman siya sakin.
"Kung kinakailangan kong tumayo ng buong magdamag ay gagawin ko."wika ko sa sarili.
YOU ARE READING
𝐓𝐇𝐄 𝐒𝐓𝐎𝐑𝐘 𝐎𝐅 𝐎𝐔𝐑 𝐏𝐀𝐒𝐓
RomanceClock is ticking, time is running and it's time for us to meet again.