MATEO POV.
"Ha? Ano yung sinabi mo?"nagtatakang tanong niya habang nakataas ang isang kilay.
"Ako'y nagugutom na, maaari na ba akong kumain?"wika ko at iniwas ang aking mga tingin sa kanya.
"Ahh, oo ito na. Ubusin mo lahat ng yan!"utos niya sa akin.
"Anong uri ng pagkain ito?" takang tanong ko habang pinagmamasdan ang karne na may kulay pula parang dugo. "Luto ba ang pagkaing ito?" tanong ko uli .
"Malamang! Alang naman kainin mo yan ng hilas diba? Duh, use your brain!"ines nyang sagot.
"Ngunit bakit ganito ang kulay ng karne?" usisa ko.
"Haystt!! Kainin mo nalang yan wag kana magtanong!"sa pagkawika niya ay alam kung galit na sya.
"Pasensya na kung madami akong tanong. At maraming salamat sa pagdala sa akin dito sa pagamutan."wika ko habang tinitigan ang kanyang bughaw na mata. "Maaari ko bang malaman kung ano ang iyung ngalan binibini?"
Napaka gandang pagmasdan ang kanyang mga bughaw na mata, kasing bughaw nito ang mapayapang karagatan.
"Aphrodite Harris, ikaw ano ang pangalan mo?"wika nya habang tinitigan ang pagkain.
"Nagugutom kana ba?"tanong ko sa kanya ngunit siya'y umiling sa akin bilang sagot. "Ako si Mateo Belmonte."
"Cge na kumain kana, baka lumamig ang pagkain." wika niya.
Napakasarap ng kanilang pagkain, lalo na ang karne na kulay pula. Naubos ko lahat ng pagkain na nasa aking harapan, hindi ko mapigilang ngumiti sa tuwing nalalasahan ko ang malambot na karne.
"Ang sarap ng inyong pagkain. Maraming salamat binibini"wika ko.
"Ang takaw mo hahaha"
"Maganda kang tingnan kong nakangiti binibini" biglang naglaho ang ngiti sa labi niya ng wikain ko iyun.
"Tssk! Akin na nga yan!"hiyaw niya sa akin.
Kukunin na nya sana ang mga pinaglagyan ng pagkain ng hawakan ko ang kamay nya. Nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya.
"Bitawan mo nga ako!"pilit siyang nagpupumiglas sa aking pagkakahawak. Ng bigla siyang nadulas.
"Mag iingat ka sasusunod, napaka ganda ng iyong bughaw na mga mata"wika ko habang siya ay naka higa sa aking kanang kamay.
"Psh!"tatayo na sana sya ng bigla na naman siyang nadulas at sa di inaasahang pangyayare ay naglapat ang aming mga labi.
YOU ARE READING
𝐓𝐇𝐄 𝐒𝐓𝐎𝐑𝐘 𝐎𝐅 𝐎𝐔𝐑 𝐏𝐀𝐒𝐓
RomanceClock is ticking, time is running and it's time for us to meet again.