Aphrodite pov"te ves-" di ko na siya pinatapos sa sasabihin nya. Ayan na naman siya sa pagkakastila.
"Ikaw tigilan mo ako sa kakasabi ng mga wikang kastila kasi di ko naiinitindihan!" ines na sabi ko.
"Patawad binibining aphro."nakangiti nyang paumanhin.
Shit ang pogi nya talaga pag ngumingiti. Parang umaapoy ang init sa mukha ko.
"Masama ba ang iyong pakiramdam binibini?" usisa niya sa akin.
"Hindi naman, bakit?" agad akong nag-iwas ng tingin.
"Bakit namumula ang iyong mukha?" agad kong tinakpan ang buong mukha ko dahil sa kahihiyan.
Shit nakita nya pamumula ko. Tangina naman oh, nakakahiya na. Nakakadalawa na siya.
"Ayos ka lang ba talaga binibini?" tanong niya uli.
"Oo, halikana bumalik natayo sa kwarto mo." pagiiba ko ng usapan.
"Ngunit hindi mo pa nauubos ang iyong iniinom binibini"giit niya sabay turo sa kape ko.
"Haystt ays lang yan halika na!" sabi ko sabay hila sa kanya palabas ng cafeteria.
Hinayaan niya akong hilain siya papasok sa loob ng elevator. Para syang bata na ngayon lang naka kasakay ng ganito. Napaka ignorante nya, pero pogi naman. Hehehe.
Pagkabukas ng elevator ay agad ko siyang hinila pa pasok ng kwarto. Dinikitan yata ako ng kamalasan ngayong araw.
"Oh my god, aphro you okay? May masakit ba sayo?"pasigaw na tanong sa akin ni Ailyn kaibigan ko.
"Ayos lang ako, at walang masakit sa akin." sagot ko, nagulat ako ng makitang nanlaki ang mata nya habang nakatingin sa likuran ko.
"Si-sino sya?" utal nyang tanong.
"Siya si mateo, siya ang tumulong sa akin dun sa lalaking muntik na akong gahasain." paliwanag ko..
"Omg sis, ang pogi niya hehehe"tili nito. Napatakip nalang ako sa tenga. "Hi, im ailyn and you are?" malandi nitong sabi.
"Porque esta gritando?" bulong nya na narinig naman namin. "Ako si Mateo belmonte ikinagagalak kong makilala ka binibini." pakilala niya naman.
"Aphro i think, kailangan nating magusap." at agad akong hinila palabas ng silid.
"San mo na kilala ang lalaking yun?"seryoso niyang tanong.
"Siya ang naglitas sa akin lyn"
"Pano kung manloloko yan? Pano kung inutusan yan? Ha?! Aphro layuan mo sya." utos niya.
"Lyn utang ko buhay ko sa taong yan, tumatanaw lamang ako ng utang na loob." giit ko at sinilip sya sa loob.
"Haystt, aphro sinasabi ko sayo pag yan talaga, ewan ko nalang."alala niyang sabi sabay tampal sa noo.
"Wag kang mag alala, iiwan ko din siya." sabi ko.
Pagkatapos ng usapan namin ni ailyn ay umuwi na ito, at nasabi na din sa akin ng nurse na pwede na siyang lumabas. Kaya naman nagpabili na ako ng damit kay kaiser. (kaiser is my secretary bading)
"Ito ang suotin mong damit." sabi ko sabay abot sa kanya ng paper bag at kinuha niya naman.
Pagkapasok niya sa cr ay agad akong lumabas ng kwarto. Kasi alm kong susundan nya ako, at kukulitin nya na naman ako. Agad akong nagtungo sa parking lot.
"Sorry mateo"nakokonsensya kong usal.
Nakokonsensya ako, at nalulungkot na din, kasi iniwan ko sya magisa. Haystt, wake up aphro, baka manloloko at manggagamit yun. Hindi mo siya kilala.
YOU ARE READING
𝐓𝐇𝐄 𝐒𝐓𝐎𝐑𝐘 𝐎𝐅 𝐎𝐔𝐑 𝐏𝐀𝐒𝐓
RomanceClock is ticking, time is running and it's time for us to meet again.