CHAPTER I

12 4 3
                                    

MATEO POV

Nagising ako dahil sa isang tunog na sa tanang buhay ko ay ngayon ko lang narinig. Nang aking iminulat ang aking mga mata, tanging maputing dingding ang aking nakita. Sinubukan kong ihilig ang aking ulo ng sa gano'y makita ko kung sino ang taong nakahawak sa aking kamay.

"Nasan ako?"tanong ko sa babaeng nakatitig sa akin ngayon.

Kung hindi ako nagkakamali sya yung babaeng muntikan ng maalipusta sa daan.

"Nandito ka sa hospital"sagot naman niya.

"Hospital? Ano iyon? " naguguluhan kong tanong.

"Hindi mo alam kung ano ang hospital? Sang planeta ka galing kung di mo alam kung ano ang hospital"taka nyang tanong sa akin.

"Hindi naman kita tatanongin kong alam ko"pabalang kong wika.

"Aba, pilosopo ka din. Pagamotan ang hospital. Gets mo na?"may bahid ng pagkaines ang kanyang pagkasabi.

"Uhm, pagamotan pala ito, bakit may tutomunog? Para saan ang bagay na iyan?" turo ko sa bagay na parang kahon na nasa aking tabi.

"Saang planeta kaya toh ng galing ang lalaking toh."bulong na wika nya. "Monitor ang tawag dyan, yan ang tinitingnan ng doctor kong ayos ka lang ba"paliwanag niya.

"Kakaiba ang mga bagay ninyo, at halos lahat kayo ay marunong sa wikang engles." wika ko habang pinagmamasdan ang pag taas baba ng linya sa monitor na tinatawag niya.

"Bakit ikaw ba di marunong magsalita ng engles?"usisa nya.

"Marunong ako. Ngunit wikang kastila ang aking kinalikahang wika."saad ko

"Wow ang galing naman. Nga pala salamat sa pagligtas sa akin."nakangiti nyang wika.

"Walang ano man binibini"ngiti kong sabi.

Bigla siyang tumayo at nalakad palapit sa isang mesa. Kinuha niya ang lalagyan, kung di ako nagkakamali pakain ang dala niya, may inilagay siyang bagay sa harapan ko.

"Nagugutom kana ba? Kumain ka muna."wika nya habang inilalapag ang pagkain sa maliit na mesa.

"Eres tan angelical"wika ko ng makita ko siyang ngumiti.

𝐓𝐇𝐄 𝐒𝐓𝐎𝐑𝐘 𝐎𝐅 𝐎𝐔𝐑 𝐏𝐀𝐒𝐓Where stories live. Discover now