Chapter 4: Project Runway

51 3 0
                                        

Toper

Nakatingin lang kami ni Sheena kay Audrey. Nag aantay na sabihin kung ano bang nangyari at ganyan ang mukha niya. Pero nung pumasok yung bisita, alam na namin kung bakit.

"Sheena..."

Para namang nawalan ng gana bigla si Sheena sa pagkain. Kung kanina para siyang construction worker sa bilis at gana niyang kumain, ngayon para siyang may sakit na kailangang subuan.

Tumayo na ko at hinila si Audrey papuntang living room. Pero nagpapigil siya, di pa daw kasi siya tapos kumain. Kinuha ko nalang yung plato niya tsaka kami lumabas ng dining area.

"Excuse us." Sabi ko nalang kasabay ng pag alis namin dun.

***

"Aray!" Pinapalo ako ni Audrey sa tuwing pinipigilan ko siya sa pagsilip sa kusina.

"Wag mo nga kasi akong pigilan! Nakikinig ako eh." Pano ba namang hindi ko siya pipigilan, eh halatang halatang nakikinig siya. Nakatungtong pa siya sa sofa habang nakasilip sa kusina. Sana dun nalang siya sa pinto tumayo.

"Bahala ka nga dyan." Bigla naman siyang umupo nalang sa tabi ko.

"Nakakangalay sa binti." Reklamo niya habang pinipindot pindot yung binti niya.

"Chismosa kasi." Papaluin niya sana ko pero nasangga ko.

"Di pa ba tayo uuwi? Hayaan nalang kaya muna natin silang mag usap?" Tanong ko kay Audrey.

"Sige. Aayusin ko lang yung gamit natin." Pumunta na siya sa kwarto ni Sheena para kunin yung mga gamit namin.

***

"Ano na kayang nangyari dun sa dalawa?" Tanong ni Audrey habang nagdadrive ako papunta sa kanila. Hindi na kami nakapagpaalam kay Sheena ng personal. Tinext nalang namin siya para sabihing uuwi na kami. Siguro kailangan din niya ng oras mag isa pagkatapos nung pag uusap nila.

"Ewan ko. Baka nag aaway." Parang magpapatayan yun lagi eh.

Natahimik nalang si Audrey. Hindi ko naman kasi alam ang buong kwento kung anong nangyari kina Karl at Sheena. Ang alam ko lang umalis si Karl week after naming mag Enchanted Kingdom. Tapos hindi na siya nagparamdam. Di rin malinaw kung sila pa ba ni Sheena o ano. Pero si Sheena na rin nagsabi na break na sila. Self-proclaimed. Pero ako, alam kong mahal ni Karl talaga si Sheena. At kahit na muhing muhi si Sheena kay Karl, may natitira pa rin yan sigurado. Siguro naman may dahilan si Karl, at baka kaya siya nagpakita para dun.

"San tayo pupunta bukas, Bes?" Tanong bigla ni Audrey. Akala ko tulog na 'to.

Just Another Chance (Revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon