Chapter 1: Best of Friends

88 4 10
                                        

Toper

"Would you date me for the last time?" Tanong ko sa kanya habang nagsusukat siya ng wedding gown.

"Anong last time? Maka-last time ka naman dyan parang hindi na tayo magkikita!" Sagot niya na parang di makapaniwala habang natatawang tinitignan ang sarili niya sa salamin.

"Eh... alam mo na. Hindi na rin naman tayo makakapagbonding kagaya noon. You'll be busy with your h-husband soon." Just the thought of her being with another man already tears me up. Paano pa ngayong habambuhay na siyang mapupunta sa iba?

"Bes... ano ka ba naman." Tumalikod siya sa salamin para tignan ako. Saka lumapit at hinawakan niya ng dalawang kamay niya ang magkabilang pisngi ko.

If we could just stay like this forever...

Yung kami lang. Para hindi na siya mapunta sa iba. Kung pwede lang talaga.

"Eto naman... di naman kita iiwan eh. Kahit naman mag-aasawa na ko, ikaw pa rin naman ang bestfriend ko." And will forever remain as your bestfriend.

Just your bestfriend.

"I know. Pero what I'm saying is that-" Pinalo niya ko sa braso at pinagtaasan ng kilay.

"You're acting like a baby! Para kang iiwan ng baby sitter mo ah. Di naman bata si Dylan na kailangang alagaan 'no. I will always find time for you."

But I want your time for me alone. Masama bang maging madamot?

Yung ipagdamot yung taong kahit kailan, hindi mo naman makukuha. Dahil nung may chance ka, di mo ginawa.

"Tapusin mo na nga lang yan. Namamalo ka pa, ang sakit kaya!" Kahit masakit, I will just savor this moment of us together.

Inikot ko siya pabalik sa harap ng salamin. I can't help but look at her, wishing that she's fitting that gown for me. For that special ceremony with me. Pero hindi eh, we will be together for that event pero it's not for us. Dahil para sa kanila yun ni Dylan. That damn lucky guy. Pasalamat na lang ako at mabait siya. And I trust him na hindi niya sasaktan si Audrey.

Sinukat na ni Audrey pati yung belo. Na akala mo naman dapat pang sukatin. Gusto ko sanang maniwala sa pamahiin na kapag sinukat ang wedding gown, hindi matutuloy ang kasal. Pero ayaw ko namang madisappoint siya. At isa pa, wala namang dahilan para hindi matuloy.

***

"Bes, paabot nga nung bag ko!" Sigaw niya sa loob ng fitting room. Kahit kailan talaga, hindi na nagbago 'to. Lagi na lang nagpapaabot ng kung anu-ano. Minsan kahit naliligo siya. Kung manyak lang ako, nabosohan ko na siya.

Kinatok ko na yung cubicle niya at nilapag yung bag sa sahig. Binuksan naman niya ng kaunti yung pinto, yung kasya lang yung kamay niya.

Just Another Chance (Revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon