Toper
"Magrehearse na nga lang kayo!" Sabay palo sakin ni Audrey.
Inabot niya sakin yung piece. Nagulat nalang ako nung mabasa ko yung title. Sinuggest ko 'to sa kanya noon eh. Kanta ko kasi sa kanya 'to sana. Pero ngayon ipapakanta niya sakin para sa kasal niya.
"Eto talaga?" Tanong ko sa kanya nang may pagtataka.
"Di ba ikaw nagsuggest niyan!" Sagot niya sakin. Ang dami dami namang kanta. Bakit ito pa?
"Wala man lang ba kayong theme song ni Dylan?" Tanong naman ni Sheena. Nahulaan niya siguro kung bakit ganun ang reaksyon ko.
"Meron naman." Meron naman pala eh.
"Eh bakit hindi yun? Dapat yung kantang memorable sa inyo! Gaga 'to!" Batok sa kanya ni Sheena.
"Eh maganda yan eh!" Pagmamaktol ni Audrey. Mag aasawa na't lahat lahat parang bata pa rin.
"Yung theme song niyo nalang!" Pagsusuggest ko.
"Wonderwall? Napakaluma naman." Nagreklamo pa 'to.
"Ang arte mo, besh. Wala na bang iba kung ayaw mo nun?" Porke di kumakanta si Dylan wala na siyang ibang alam na kanta. Nahiya lang magsabi 'tong si Audrey dahil baka luma.
"Because You Love Me." Nahihiya niyang sabi. Napafacepalm nalang si Sheena sa pagkastress sa mga kanta.
"Lumang tao ba yang si Dylan? Sa pagkakaalam ko halos magkakaedad lang tayo eh." Okay lang naman yun ah. Classics.
"Maganda naman yung mga kanta ah! Edi gawin nalang nating tunog modern. Ibahin yung rhythm." Pwede naman yun eh. May rock version nga ang My Heart Will Go On.
"Sa bagay. Pwede rin."
"Oh game na try niyo na!" Utos samin ni Audrey. Kung di ko lang 'to mahal eh.
***
"Hahahahahahaha! Babe, I love you. Pucha. Wala bang alam na modern na kanta yang si Dylan? Nakakastress!" Sinubukan namin kantahin yung Because You Love Me. Di naman namin matapos ni Sheena dahil tawa siya ng tawa.
Pinalo siya ni Audrey dahil pulang pula na yung mukha niya kakatawa sa mga kantang alam ni Dylan.
"Bakit! Ano bang kanta sayo ni Karl!" Mula sa pulang pula kakatawa, bigla na lang natameme si Sheena.
BINABASA MO ANG
Just Another Chance (Revised)
Novela JuvenilChance is the possibility that something will happen. Will Toper be able to get back the chances he wasted? Or being with Audrey will just remain out of reach because of his fear of taking risks? Chances are just chances until you make them happen.
