Chapter 2: Complicated

83 6 11
                                        

Toper

"Beshie! Bakit ganyan yung hiwa mo sa ham! Hindi tayo gagawa ng chowfan! Maliit masyado!" Nakaupo ako sa may bar habang pinapanood silang magkagulo dun sa lababo. Natatawa na lang ako sa kapalpakan ni Audrey sa kusina. Kawawang Dylan, puro take out ang kakainin.

"Di mo naman agad sinabi!" Reklamo naman ni Audrey habang naghihiwa ng bacon.

"Ay nako, magbake ka na nga lang! Ang laki naman masyado nitong hiwa mo sa bacon. Di naman tayo gagawa ng sandwich. Jusme. Naaawa ako kay Dylan." Natatawang sabi ni Sheena habang kinukuha kay Audrey yung kutsilyo at pinagpapatuloy ang paghihiwa.

"Grabe ka sakin besh ah. Marunong naman akong magsaing! Bumili nalang siya ng lutong ulam." Ngunguso ngusong sabi ni Audrey habang papalapit sa upuang katabi ko.

"Saing ka dyan. Baka lugaw." Pang aasar ko sa kanya kaya binatukan niya ko. Medyo masakit!

"Aray! Totoo naman eh. Tsaka noodles pala. Na hilaw." Sabay kaming natawa ni Sheena habang hinihimas ko yung binatukan ni Audrey.

"Ang hard niyo sakin. Bwiset kayo! Turuan niyo kasi ako!" Ang tagal ko na siyang tinuturuan magluto ang tamad naman. Takot pa sa mantika.

"Haynako besh. Okay ka na sana eh. Maganda, matalino, mabait. Kaso hindi ka pang housewife. Hindi ka marunong maglaba, maglinis, maghugas ng plato. Nako, gagawin mo bang houseband si Dylan?" Sakin okay lang maging houseband.

"Sige! Pagtulungan niyo pa ko. Bwiset kayo! Kukunin namin si manang!" Patampo niyang sabi habang kumukuha ng chocolates sa ref ni Sheena.

"Hoy! Wag mong papakin yan! Pang cookies yan! Kumuha ka ng bar dun kung kakainin mo lang!" Sigaw ni Sheena kay Audrey na may hawak na chocolate chips. Magkatabi lang naman sila pero nagsisigawan.

Tumayo ako at lumabas dun  sa sliding door papuntang garden habang busy yung dalawa sa pag aaway.

Hindi ko pa rin maiwasang isipin yung mga bagay na dapat noon ko pa ginawa. Halos isang linggo na lang. Mawawala na siya sakin nang tuluyan. Wala na kong karapatan sa kanya.

Kahit na sa simula palang wala naman na talaga.

Kung pwede ko lang ibalik lahat, gagawin ko. Kung pwede ko lang sanang baguhin lahat ng nangyari. Kahit ano pang kapalit.

"Huy! Ano yan music video?" Tapik sakin ni Sheena.

Natawa na lang ako. Alam naman niya eh. Kahit naman maloko yan si Sheena, alam ko namang naiintindihan niya rin ako. Alam din naman niya yung ganitong pakiramdam. Yung ganitong sakit.

"Yan ka na naman. Sabihin mo na kasi." Matagal ko ng tinanggap yung katotohanang hindi ko na masasabi pa kay Audrey ang lahat.

Just Another Chance (Revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon