Itinuro naman ni Peachy ang isang Flower Shop na nakaharap sa Blue Pearl Minimart."Diyan ako nagtratrabaho sa Flowe Shop na iyan, ako rin ang may-ari."sinundan ko naman ito nang tingin.
"Araw-araw ba akong pumupunta diyan?"
" Once a week ka lang naman nagpupunta diyan para magdeliver ng gatas."
"Wala ka bang naalala? Wala kabang nararamdaman para sa akin?"
"Hindi mo ba talaga ako natatandaan?" ang sunod-sunod na tanong sa akin ni Peachy.
"Sabi mo diyan ka nag nagtratrabaho at ikaw rin ang may-ari ng Flower Shop na iyan." tiningnan ako ng masama ni Peachy.
"May nasabi ba akong mali?" sagot ko naman sa kanya ngunit wala man laman akong nakuhang sagot pa nito. Iniwanan na niya ako sa loob sinundan ko naman siya sa may parking area ng mga motor saka pinaandar na ito.
"Hindi ko naman kasalaman kong wala akong maaalala." ang sabi ko ulit kay Peachy habang nagbibiyahe kami sa daan.
"Hindi mo kasalanan, pero ang hindi mo subukang makaalala iyon ang kasalanan." sagot niya.
"Hindi ko naman sinasadya eh." wala na akong nakuhang sagot mula kay Peachy kaya nagpatuloy nalang ako sa pagmamaneho nang biglang :
"Hey! Watchout." sigaw ni Peachy sa akin muntik na kaming magkabungguan nung kotse, paano ba naman kasi bigla-bigka nalang lumiko sa dinadaanan namin. Buti nalang nakailag kaagad ako. Sa mga oras na iyon may mga eksenang pumasok sa aking isipan.
- LUCAS FLASHBACK-
Lakad takbo ang ginawa ko para makapunta sa bahay. Tila nagmamadali ako para maka rating sa bahay na iyon.
-END OF FLASHBACK-
Iyon lamang ang ipinakita sa aking isipan sa mga oras na iyon. Ang hindi alam ni Lucas na may isang lalaki palang naka manman sa kanya sa oras na iyon. Bumaba si Lucas sa kanyang motor saka naglakad-lakad sa lugar na iyon, dinala siya ng kanyang mga paa isang bahay kung saan may nakalagay na CRIME SCENE DO NOT ENTER.
"Anong lugar ito?" tanong ni Lucas kay Peachy.
"Bahay ko." sagot naman ni Peachy na tahimik na nakasunod sa akin.
Lumapit ako ng kunti sa may pintuan ng bahay saka binuksan ito. Hindi ako pumasok dahil nga may naka lagay na bawal pumasok, maabot lang kasi ng kamay ko ang pintuan kaya binuksan ko na. May nakita akong guhit ng isang tao na nakahiga gamit ang chalk saka nakita ko rin ang dugo at isang box ng cake kung saan naganap ang krimen sa loob ng bahay.
"I was here." ang sabi ko kay Peachy kasi may mga eksena na naman ang nagflash sa aking isipan. Tiningnan lang niya ako saka nagsalita.
"That day was may birthday."
"Bakit ka ba pumunta sa akin? Ano ba ang kailan mong tuklasin? Ano ang ginagawa ko rito?" tanong ko kay Peachy.
"Sa tingin ko ikaw ang nakakita sa akin na pinatay ako nung gabing iyon."
"Ano?"
"Ang sabi ko ikaw ang witness sa aking pagkamatay."
Napaupo ako sa gulat nang sabihin iyon sa akin ni Peachy. Ang mga kamay at paa ko ay nanginginig na rin.
"Don't be shock, nakita mo lang naman ako na pinatay."
"Sabihin mo nga sa akin ang buong detalye Peach." ang nanginginig kong sabi.
"Hindi ko rin alam, di ko matatandaan ang mga pangyayari. Ang tanging naalala ko lang ay iyong nandoon ka at ang iyong mukha ang unang nakita ko noong nagkaroon ako ng kunting malay tila ikaw ay gulat na gulat sa nangyari nang gabing iyon." paliwanag sa akin ni Peachy.
-LUCAS FLASHBACK-
Sa bahay ni Peachy nakita ko siyang sinaksak ng isang matangkad na lalaki naka mask at nakasumbrero ito. Hindi ko masyadong makita ang kanyang mga mata, matapos niya itong saksakin saka ito umalis kaagad. Naiwan si Peachy na nakahandusay sa sahig hawak-hawak ang kanyang tiyan na may saksak. Ako naman nakatayo lang sa gulat hindi ko magawang kumilos dahil sa malaking gulat na nangyari sa akin.
-END OF FLASHBACK-
Halos hindi ako makatayo sa mga oras na iyon. Saka nalang bumalik sa aking isipan ng sabihin ni Peachy ang salitang :
"Okay ka lang ba?"
Mula sa aking pagkakaupo tiningala ko siya saka sinabing :
"May ibang tao rito. Sa tingin ko siya ang pumatay sa iyo."
Makikita sa mukha ni Peachy ang pagkagulat niya mula sa kanyang narinig.
"Anong ginagawa mo rito? Hindi mo ba alam na bawal rito sa Crime Scene. Halika sumama ka sa akin sa presento." tinig iyon ng isang babaeng detective na papalapit sa akin.
-PRESENTO-
Kaagad naman akong tinanong nang nakaparaming mga katanungan.
"So, bakit ka nandoon sa lugar na iyon iho?" nagtatakang tanong sa akin ni detective.
"Kasi may mga naalala akong mga pangyayari sa aking isipa. Bigla-bigla nalang itong nagflash sa isip ko."
"May naalala ka? kaya ka nagpunta sa lugar na iyon?" taas kilay niyang tanong sa akin.
"Yes.While I was making a delivery I saw the site of my accident and was lead to that house."
" Ano ang nakita mo exactly?"
"May... may babaeng nakahiga sa sahig hawak-hawak ang kanyang tiyan na may saksak na kutsilyo."
BINABASA MO ANG
Ghost Be With You ( COMPLETED)
Mystery / ThrillerLucas Santos wakes up at the hospital following an accident. Hindi na niya matandaan ang kanyang pangalan, pamilya at kung saan siya nakatira. Hanggang sa makilala niya si Peachy Manalo ang babaeng multo na manggugulo sa tahimik niyang pamumuhay.