KABANATA VII

3 3 0
                                    


Nakaupo na kami ngayon sa may damuhan malapit sa ilog. Gaya nang dati sinagip parin Peachy si Lucas mula sa pagkakalunod nito.

"Bakit hindi mo ako maalala? Kasi ikaw nakilala kita kaagad noong una. You're sorry now? You should be."

"This pretty girl save your life." nakikinig lamang ako sa mga sinabi ni Peachy saka ngumiti sa kanya.

" More, don't you know how to smile properly? aniya.

" Gayahin mo ako. " ipinakita sa akin ni Peachy kung paano ngumiti.

" Ganito oh. " ngumiti ito nang malapad. Muli akong ngumiti sa kanya.

" Give me a bigger smile. Ngumiti ka hanggang gusto mo huwag mong pigilan."

"Alam mo, kapag ngumingiti ka you look handsome." dagdag ni Peachy

"Gusto mong malaman kung papaano ka nakarating sa bahay ko diba? I invited you."

"Bakit ako?"

"Bakit ikaw? Kasi gusto kita."pag-aamin sa akin ni Peachy.

" Bakit hindi mo kaagad sinabi sa akin sa simula pa lang?"

" Kasi akala ko maaalala mo ako bago ko sayo sabihin." ang malungkot na sagot ni Peachy sa akin.

Gabi na nang kami ay nakauwi sa bahay, nagkailangan pa nga kami simula nang umamin sa akin si Peachy.

" Ehem...Ehem.. nauuhaw ako, kailan ko ng tubig." ang sabi ko kay Peachy saka pumuntay sa may refregirator. Binuksan ko na ito para kumuha ng tubig nang bigla sulpot ni Peachy sa may likuran ko.

"Let's have some beer." sabi nito sa akin kaya pinagbibigyan ko naman ito.

"Cheers!" sabay naming sabi habang nakaupo. Ilang sandali pa bumagsak na ni Peachy sa mesa lasing na kasi ito. Inilapit ko ang aking mukha sa muka niya para kompermahin ito, hinagayway ko pa nga ang kamay ko sa mukha niya ngunit nakatulog na ito sa kalasingan.

" Nalalasing rin pala ang multo." ang sabi ko kanya habang hindi parin inaalis ang aking mukha sa mukha niya. Bigla itong dumilat kaya naitulak ko ito sa gulat.

"You really think so?" bigla itong sabi sa akin.

"Do you want to date me?" this time si inilapit naman ni Peachy sa akin ang kanyang mukha at nagpapacute ito. Kaagad kong iniwas ang aking mukha.

"What's wrong? I'm not so bad at myself. Ikaw lang naman ang nakakakita sa akin eh. Ibig sabihin noon hindi ako magkakaroon ng isang affair." hindi ako makasagot kaya iniwan mo siya sa loob saka lumabas ng bahay.

"Saan ka pupunta?"

Calm down. Huwag kang magpapossessed sa multong iyon Lucas.

Kinaumagahan maaga akong nagising lumabas ako nang bahay para bumili ng agahan namin ni Peachy. Nang makita ko ang babaeng detective na nasa labas ng tarangkahan.

"Hi, magandang umaga iho." ang sabi nito sa akin.


"May kasama ka sa loob iho?" tanong ulit nito sa akin.


"Wala po. Bakit  po pala kayo narito?"

"Naparito ako kasi may mga ilan lamang akong katanungan sa iyo."


"Po?"


"Hindi ka nagdedeliver noong araw na iyon diba? Bagkus maaga kang umalis mula sa iyong trabaho." tiningnan niya ako nang napakaseryoso ng sabihin niya iyon.


"Nagsisimula pa lamang bumabalik ang aking memorya. Ayaw ko itong biglain detective."


"Magkasangkot ba kayong dalawa?"


"Hindi po. Naimbitahan lang po sa kanyang birthday."


"May naalala kabang malapit na kamag-anak mo? kaibigan? Bakit hindi mo makalimutan si Ms. Peachy Santos, gayong hindi naman kayo magkasintahang dalawa." hindi ako umimik at nanatiling tahimik lang ako sa oras na iyon.


"Hindi ba nakapagtataka? Well i hope your memories comeback completely." saka ito lumabas. Nagpalatuloy ako sa aking paglabas sa tarangkahan ng makita ko si Peachy na nakaupo sa ilalim ng punong kahoy. Pinagmasdan ko ang maamong mukha niya habang  inilipad ng hangin ang kanyang mahabang buhok. Nilapitan ko ito.


" Let's go." liningon niya ako na nakangiti.


"Ok. Bilisan mo baka mahuli ka sa iyong trabaho."


"Hindi ako papasok sa trabaho ngayon, tumawag na ako sa opisina kanina."


"Ha? Bakit may nangyari  ba? Kung ganoon saan naman tayo nito pupunta?"


"Wala naman. Mag date lang naman tayo." ang masayang sabi ko sa kanya.


"Date?"


"Oo."


"Yeheeey! Mag de-date kami." masayang saad nito.


Una kong dinala si Peachy sa sinehan, manonood kami nang Shake and Rattle. Pumila ako sa may bilihan ng ticket tapos sa may bilihan rin ng popcorn. Pumasok na kami sa loob at nahanap na rin namin ang upuan namin. Maya-maya pa may dumating na dalawang babae, iyong isang babae ilalagay na sana niya ang kanyang bag sa may tabi ko kaya pinigilan ko ito.


"Diba walang naka upo rito?" mataray na tanong sa akin.

"Ano kasi Miss may kasama ako."


"Kasama? Wala pa naman eh. Kukunin ko nalang ang aking bag  kung nandiyan na siya."muli naman niyang inilagay ang bag kaya sa ikalawang pagkakataon pinigilan ko ito.


" Hey, Miss! Nagbayad ka ba ng upuan para lang paupuin ang bag mo?" naiinis kong sagot sa kanya.


" Eh ikaw nagbayad kaba para sa upuang iyan? " balik namang sagot niya sa akin.


"Oo!" sagot ko saka ipinakita ang isang ticket para kay Peachy. Nagdadabog na kinuha naman nung babae ang kanyang bag. Saka naman sumingit itong si Peachy.


"Okay lang naman sa akin kong nakapatong ang kanyang bag."


"Sayo okay lang pero sa akin hindi." napalakas yata ang pagsagot ko kay Peachy kaya ang dalawang babae napalingon sa akin.

"Girl nagsasalita siyang mag-isa nababiw na yata ito."


"Oo nga eh." sangayon naman nung isang babae. Hinayaan ko nalang silang dalawa kung ano ang iisipin nila.


Ghost Be With You ( COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon