KABANATA VI

4 3 0
                                    


Sa mga oras na iyon nilingon ko si Peachy sa aking tabi saka naman sinundan ito nang tingin ni Detective na parang na we-weirdohan sa akin. Di kasi nila makita si Peachy tanging ako lang ang nakakita sa kanya na kasalukuyang nakaupo sa aking tabi nakikinig sa amin.

"At iyong babae, nakita mo roon? May nakita kabang ibang naroon?" aniya ng babaeng Detective.

"Meron."

"Sa tingin mo, siya ang salarin?"

"Parang. Ang natatandaan ko kasi na hinahabol ako nang gabing iyon."

"Describe him."

"I don't know."

"Bakit ka napadpad sa bahay ni Peachy nang gabing iyon iho?" tanong ulit sa akin ng babae detective. Nilingon ko naman ulit si Peachy na tahimik paring nakikinig sa amin.

"Gaya nga nang sabi ko nagde-deliver ako sa oras na iyon."

"Anong delivery iyon?" tiningnan ko si detective saka lumunok nang laway.

"Hindi ko alam." ang mahinang sagot ko saka niyuko ang aking ulo. "

" Alam mo iho, mahirap magbigay nang isang statement na putol-putol. Tawagan mo na lamang ako kapag malinaw na ulit ang mga alaala mo saka natin ipagpapatuloy ang statement mo. "

" Sige ho."

Pagkatapos namin sa presento kaagad naman akong pumunta sa pinagtrabahoan ko. Agad akong pumasok sa loob saka tiningnan ang record sa pagdedeliver ko.

" Boss, parang may mali sa aking record of delivery. " aniya ko.

" Talaga? " sagot naman nito sa akin habang lumapit sa akin at tiningnan na rin ang aking record of delivery.

"Umalis ka nang maaga sa araw na ito Lucas." sagot ni Boss sa akin. Kaagad kaming nagkatinginan ni Peachy na may pagtataka sa aming mga mukha.


Umalis ako nang maaga sa araw na iyon? Ibig sabihin halfday lang ang naging trabaho ko. Ngunit saan naman ako nagpunta pagkatapos ng aking delivery?


Lumabas ako sa opisina na hindi man lang nagpapaalam kay Boss. Hanggang ngayon gulong-gulo parin ang aking isipan tungkol sa mga pagyayari sa aking paligid.

"Parang may mali eh. Bakit ako naroon sa bahay mo Peach? My memories aren't completely blank nor clear."

"Hayyys! It's driving me crazy." ginulo ko ang aking buhok hindi ko na alam kung ano ang aking gagawin.

"Huwag kang mag-alala hindi ka naman kasali sa pagpatay sa akin. Isa ka lang naman sa nakakita sa akin na pinatay sa gabing iyon Lucas." Tiningnan ko si Peachy na may pagtataka sa aking mukha.


"Alam mo kung bakit ako napadpad sa bahay mo?"

"Pwede bang sabihin mo nalang sa akin ang lahat-lahat? Parang awa mo na."


"Gusto mo ba talagang malaman?" seryosong tanong niya sa akin. Tumango naman ako bilang sagot.


"Kung ganun, may pakiusap ako saiyo."


" Ano iyon?"


"Basta sumunod ka lang sa akin."

Ghost Be With You ( COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon