-LUCAS FLASHBACK-
"Do you have plans tomorrow? Come by my place after work. It's my birthday." ang sabi ni Peachy sa akin.
" Pero bakit ako?" ang sabi ko naman sa kanya.
" Malay mo, magustuhan kita." ang sabi niya sa akin bago umalis. Ako naman sa aking pagkatuwa dumiritso ako sa isang flower shop para bumili nang bulaklak para sa kanya. Nagkasalubong ang aming landas ni Vince noon kaya tinanong ko siya.
"Uyy, Vince diba nasa bakasyon ka?" tanong ko sa kanya.
"Ano... Kasi... Hindi pa ako umalis may iba pa akong inasikaso eh."
"Alam mo Vince, gusto kong mamuhay nang maayos."
"Mabuti naman! ako rin gusto ko naring mamuhay nang maayos pero kailan ko ang tulong mo Lucas."
"Sa susunod nalang kita tutulungan Vince may pupuntahan pa kasi ako."
"Sandali lang naman Lucas."
"Sa susunod nalang kasi may mahalagang lakad pa kasi ako Vince."
"Hindi naman tayo magtatagal Lucas kailan ko lang kasi ang tulong mo hindi ako makapasok pagwala ka."
"Pakiusap Lucas, sumama ka muna sa akin. Ito na ang huling kahilingan ko saiyo, hindi na ako mangingialam pa saiyo." tiningnan ko ang aking relo sa kamay.
"Sure kang hindi tayo magtatag doon ha?"
"Oo, promise!" lumakad na kami sa sinasabing pupuntahan namin ni Vince isa pala itong bahay. Binuksan ito ni Vince para bang siya ang may-ari nito.
"Kanino naman itong bahay na ito?" pagtataka kong tanong sa kanya.
"Huwag kang mag-alala. Halika pasok ka sa loob." pagkapasok namin laking gulat ko na diritsong pumunta si Vince sa may cabinet, kinalkal niya ito parang may hinahanap siya rito.
"Anong ginagawa mo Vince!?" hinawakan ko ang kanyang collar. Inalis naman niya ang kamay ko saka nagpatuloy sa kanyang hinahanap.
"It's okay. May hahanapin lang ako."
"Find what? Kaninong bahay ba talaga ito Vince! Sumagot ka!" galit na sigaw ko sa kanya.
"Sa dalagang may Flower Shop. Hindi porket may magulang siyang mababait mamumuhay na siya nang matiwasay. Hindi nga niya alam na nawawala ang kanyang susi sa bahay." sagot nito sa akin habang nagpapatuloy sa pagkalkal sa may cabinet at nakita na nga niya ang kanyang hinahanap ang dalawang atm at limpak-limpak na pera na nakalagay sa cabinet.
" Manghihiram lang ako sa kanya. Babayaran ko rin naman siya eh. "dagdag pa ni Vince sa akin. Inilibot ko ang aking paningin sa loob nang bahay may nakita akong larawan ng isang babae sa may mesa, pinuntahan ko ito. Laking gulat ko nang makita ko ang larawan ni Peachy roon. Tiningnan ko rin ang address sa may mesa saka kinuha ko ang binigay na address sa akin ni Peachy. Nanlaki ang aking mata nang makomperma ko na magkatugma ang address na ibinigay sa akin ni Peachy at ng address sa may mesa. Dali-dali kong hinila si Vince saka hinigpitan ang pagkakahawak ko sa kanya sa kanyang collar.
"Halika, lumabas na tayo ngayon din Vince!" hila ko sa kanya.
"Ano ba! Bitiwan mo ako Lucas!"
"Labas sabi! Kung gusto mo akong makita pa. Lalabas ka ngayon sa bahay na ito." galit na sigaw ko.
" Bakit? Naawa kaba sa kanya dahil nakikita mo siya araw-araw?" balik namang sigaw sa akin ni Vince.
"Hindi ko siya gusto Lucas! She smile too much and makes me feel too small."
"Hindi naman iyon made-depressed kung mawawalan siya ng pera Lucas." sinampal ko nang napakalakas ai Vince.
"Baliw ka ba! Sinampal mo ako!" kukunin ko na sana ang pera na nasa kamay ni Vince ngunit ayW niy itong ibigay.
"Wag kang lalapit sa akin! Kailangan ko ang pera na ito. Get out of my way!" Natigilan silang dalawa nang marinig nila mga yabag ni Peachy. Mas lalo silang natataranta ng marinig ang pag click ng pintuan, may duplicate key kasi Peachy na dala noon. Binigyan ako ng facemask ni Vince saka ito nagtago sa likod ng pintuan. Ako naman inilagay ko na ang facemask sa aking mukha at nagtago na rin.
Papasok na si Peachy sa loob ng bahay nang hilahin ito ni Vince sa likuran tinutukan niya ito ng kutsilyo sa may tiyan nito. Napasigaw naman si Peachy sa ginawa ni Vince. Nagpapalag si Peachy mula sa mahigpit na pagkakahawak sa kanya, hindi naman makatiis si Lucas sa nakita kaya lumabas siya sa kanyang pinagtataguan at lumapit kay Vince kinuha niya ang kutsilyo mula rito saka ito tinulak ni Vince sa sahig. Hindi pa rin nito binitawan si Peachy, patuloy pa ring kumakawala si Peachy mula kay Vince kaya nasampal niya ito sa matinding galit saka naitulak sa tabi ni Lucas. Hindi alam ni Vince na hawak-hawak ni Lucas sa may tiyan ang kutsilyo, kaya nung natumba si Peachy sa may tiyan ni Lucas na saksak ito.
Hindi makapaniwala si Lucas nang makita niya si Peachy sa kanyang tabi na hawak-hawak na ang tiyan nito na may saksak. Namimilipit na ito sa sakit, niyakap ko ito nang mahigpit na mahigpit habang umiiyak. Si Vince naman nakatayo lang at gulat na gulat sa kanyang nakita, napahilamos ito sa mukha.
-END OF FLASHBACK-
BINABASA MO ANG
Ghost Be With You ( COMPLETED)
Misteri / ThrillerLucas Santos wakes up at the hospital following an accident. Hindi na niya matandaan ang kanyang pangalan, pamilya at kung saan siya nakatira. Hanggang sa makilala niya si Peachy Manalo ang babaeng multo na manggugulo sa tahimik niyang pamumuhay.