PROLOGUE

22 5 0
                                    

Sa isang malayong kagubatan ay may pagtitipong nagaganap. Mahalaga ang pagtitipong Ito sa kanila sapagkat sa wakas ay nag karoon na ng tagapagmana ang kanilang pinuno. Lahat sila ay nagagalak para sa kanilang pinuno. matagal na panahon din ang kanilang hinintay upang mangyari Ito. " Sa wakas meron ng hahalili sa ating pinuno " sabi ni Anthony na syang kanang kamay ni Noah ang kanilang alpha. Samantala hindi mapakali si Noah sa kanyang kinalalagyan paroon parito ang kanyang pag lalakad. Nasa loob ng isang Kubo ang kanyang asawa na si Kate. Lubos na nag aalala si Noah sa kalagayan ng kanyang mag ina. Kasama ng kanyang asawa ang manggagamot ng kanilang lipi si ginoong Zion. Habang nanganganak ang asawa ni Noah ay may lumapit sa kanyang tauhan. " Pinuno!! Pinuno!!! " Hinihingal na sambit ni Zack. Si Zack ang namumuno sa mga kawal ng kanilang lipi. " Ano yun Zack bakit ka humahangos?? May problema ba?? " Tanong ni Noah sa kanyang alagad. " May malaki tayong problema pinuno " sabi ni zack na habang hinahabol ang paghinga. " Anong problema? sabihin mo sakin. " Malumanay na tanong ni Noah sa kanyang alagad. " Pinuno papunta dito ang mga kalaban. Nalaman nila na ngayon magsisilang ang inyong asawa pinuno. Aataki sila ngayon din sa ating kuta " sunod sunod at walang hintong sabi ni zack . " Mga lapastangan pano nila nalaman yon!!! Zack mag madali ka lipunin ang lahat ng iyong kasapi at mag handa sa magaganap na pag lusob!!! " Utos ni Noah Kay Zack. Lumapit sa kanyang ang nakababatang kapatid na babae na si Darren. " Kuya ano meron parang tila nag mamadali si Zack? " Tanong sa kanya ng kanyang kapatid. " Darren gusto ko lipunin mo ang lahat ng kakababaihan at mga bata sa ating lahi at dalhin mo sila sa ligtas na lugar. May magaganap na pag lusob ngayon gabi hanggat maaari panatilihin mong ligtas ang ating lipi ng mga kababaihan ako na ang bahala sa mag ina ko dito. " Bilin ni Noah sa kanyang kapatid " ngunit kuya paano ka?? Hindi maganda ang lagay mo?? " Tinitigan lamang ni Noah ang kanyang kapatid. Hanggang sa marinig nya ang iyak ng kanyang anak. Pumasok sila sa kubo kung saan nag papahinga si Kate at ang kanyang anak na lalaki. " Binabati kita Noah. Sapagkat napakalusog ng iyong anak. Sumakto pa ang kanyang kaarawan sa pag litaw ng pulang buwan. Kinarga ni Noah ang kanyang anak at pinag masdang mabuti. Sa kanya isip marahil Ito na ang una at huling makikita ang kanyang anak. Hinalikan nya Ito sa nuo at binigyan ng basbas. Isang basbas na kinaugalian na ng kanilang lahi na tangi mga maharlika lang ang puede gumawa. " Kuya ano ginawa mo?? Hindi bat masyado pang maaga upang ibigay mo sa iyong anak ang basbas??? " Tinignan ni Daren ang kanyang kuya ng makita nya ang mata ng kapatid na biglang nag bago ang kulay ay doon nya natanto ang gusto nitong sabihin. " Hindi kuya hindi ka mamatay " napaiyak nalamang si Daren sa hindi pag sagot sa kanya ng kanyang kapatid. " Ginoong Zion sumama ka saking kapatid at dalhin nyo ang aking mag ina sa isang ligtas na lugar " sabi ni Noah sa manggagamot " bakit pinuno anong nangyayari?? " Tanong ng manggagamot sa kanya " sundin nyo nalang ang aking utos at wag ng mag tanong humayo na kayo at mag pakalayo layo na kayo dito hanggat hindi pa sila nakakarating dito " ngunit bago pa maka alis ang kanyang kapatid kasama ang manggagamot at ang kanyang mag ina ay dumating na ang kanilang mga kalaban. Nag sitakbuhan na mga kababaihan kasama ang mga bata at matatanda. Napuno ng sigawan ang buong paligid napapalibutan na din ng apoy ang kanilang kuta. " Kamusta aking kaibigan " sabi ni froilan Kay Noah " hindi mag kaibigan ang isang bampira at isang taong lobo froilan at alam kung alam mo yan!! " Unti until nag palit anyo si Noah upang lusubin si froilan. Kapwa mabilis ang dalawang nilalang " Daren tumakbo na kayo at mag madali!! " Sigaw ni Noah sa kanyang kapatid . Sinunod agad ni Daren ang bilin ng kanyang kapatid ngunit sa kanilang dadaan ay may humarang sa kanila. " Ginoong Zion iligtas mo ang aking pamangkin at si Kate dito. Ako na ang bahala sa mga Ito " ayaw man iwan ni ginoong Zion si Daren ay kinakailangan nyang iligtas si Kate at ang anak nito. " Ginoong Zion Hindi ko kayang iwan ang aking asawa at ang kapatid nyang lumalaban para satin lahat " na patigil si ginoong Zion sa pag takbo at nilingon si kate " iligtas mo ang aking anak, iligtas mo si vash evbrhen Emmanuel " sabay abot ng sanggol sa manggagamot " ngunit Kate " Hindi natapos ng manggagamot ang kanyang sasabihin dahil mabilis tumakbo pa balik si kate upang tulungan ang kanyang asawa. Nagulat si Noah ng makita ang kanyang asawa na bumalik habang tumatakbo Ito ay bigla nalang Ito sinakmal sa likod ng isa mga alagad ni froilan. " HAHAHA magaling Connor na pakahusay HAHAHA " napanuod ni Noah ang unting unting pag bagsak ng katawan ng kanyang asawa sa lupa hanggang sa bumagsak na ito ng tuluyan. " KATE!!!!!! " Sa labis na galit ni Noah ay nilusob nya ng buong lakas si froilan ngunit sa huli ay natalo din sya ni froilan " tsk tsk tsk sabi ko naman sayo noon Noah huwag kang humadlang saking mga Plano tungkol sa mga Tao hindi ba ayan tuloy naubos ang lahi mo. Hinahanap na nga mga tauhan ko ang iyong anak. Kikitilin ko din sya para mag sama sama na kayo ng buong lahi mo sa kabilang buhay HAHAHA " pinahanap nga ni froilan ang sanggol sa kanyang mga tauhan ngunit sila ay nabigo dahil Hindi nila Ito matagpuan. May ginamit na kung ano ang manggagamot upang hindi sila makita ng mga bampira. Nasaksihan lahat ng manggagamot ang buong pangyayari habang karga karga nya ang batang alpha. Ipinangako ng manggagamot na aalagaan nya Ito at palalakihin ng maayos. Umalis na ang mga bampira sa kadahilanang Hindi nila matagpuan ang sanggol. " Mga wala kayong kuwenta!!!! Isang sanggol lang Hindi nyo pa mahanap mga inutil!!!! " Bulyaw ni froilan sa mga alagad nya " panginoon maaari sa ngayon ay tinangay na ng isang mabangis na hayop kung San man sya iniwan ng kanyang ina " paliwanag ni Connor sa kanyang pinuno " sira ulo ka ba Connor San na punta ang iyong isip!!! Bobo!!! Isang batang alpha yon Connor kaya nyang mabuhay ng wala ang kanyang ina na walang tumutulong sa kanya!!! Wala akong mapapala sainyo kundi puro kapalpakan!!! Tara na at magsi alis na tayo dito " pag kaalis na pagkaalis ng grupo nina froilan ay don palang nawalan ng bisa ang ginamit ng manggagamot. Di nag tagal ay umalis na din sya sa kanilang kuta at nag pakalayo layo kasama ang batang alpha. Pinili mamuhay ng manggagamot sa Mundo ng mga Tao kasama ang munti at musmos na batang alpha. Paniwala nya Ito na tao sila upang maitago Ito sa mga humahanap sa kanila..

•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
Susunod••••

The Last Alpha(On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon