IKATLONG KABANATA

28 1 0
                                    

Napatayo si froilan sa pagdating ng kanyang anak. Tila Hindi maganda ang araw nito

" anak hijo anong problema? " Tanong ni froilan sa kanyang anak

" nakaka buwisit talaga yung evbrhen na yun papa!! " Sabi ni faxxon sa kanyang ama

" bakit anong ginawa sayo ng evbrhen na yon? " Tanong ulit ni froilan sa kanyang anak

" naiinis ako sa kanya, mas pinili syang makatabi ng bago naming ka klase Kaysa sakin!! " Nag wawala si faxxon sa sobrang galit Hindi nya matanggap na tinanggihan sya ng batang babae na kanilang bagong ka klase

" kung pede ko lang sya sakmalin at ubosin ang kanyang dugo ay ginawa ko na!!! " Patuloy sa pagwawala si faxxon samantala si froilan ay tinignan lamang ang kanyang anak.

" Maganda ba itong bago nyong ka klase?? " Tanong ni froilan sa kanyang anak

" maganda sya papa napaka ganda kaya di ako makapaniwala na mas pinili nyang makatabi ang lampang nilalang na iyon kaysa sakin!!! " Patuloy sa nyang sinasabi iyon habang nag wawala sya.

" Anong pangalan ng bago nyong ka klase anak?? Baka matulungan kita " ani froilan sa kanyang anak na ngayon ay huminto na sa pagwawala.

" Tutulungan nyo talaga ako papa?? " Tanong ni faxxon sa kanyang ama

" oo syempre anak kita tutulungan kita ngunit sa isang kundisyon.. " sa isip isip ni faxxon hindi talaga pumapayag ang kanyang ama sa isang usapan na wala itong kapalit

" ano po yun papa?? " Tanong ni faxxon sa kanyang ama

" sumama ka samin sa paghunting ng Tao kailangan makarami ka sapagkakataoong Ito faxxon " hamon ni froilan sa kanyang anak.

Ngumiti si faxxon sa kanyang ama

" yun lang ba papa kayang kaya kong gawin yan, ilan ba ang gusto mo at hihigitan ko yon " labis na natuwa si froilan sa sinabi ng kanyang anak walang duda na anak nya nga Ito

" magaling anak ko nag mana ka nga sakin HAHAHA " Maya Maya ay dumating ang asawa ni froilan na si frishell

" froilan ano na naman ba ang pinag sasabi mo sa ating anak? " Lumingon si froilan at niyakap nya ang kanyang asawa

" wala naman mahal ko sa tingin ko eh nag bibinata na itong anak natin. Meron syang natitipuhan sa kanyang ka klase "

tinignan ni Frishell ang kanyang anak

" isa ba itong mortal faxxon brixcz escolta? " Pag tataray na tanong ni Frishell Kay faxxon

" mama "

hindi na tuloy ni faxxon ang kanyang sasabihin ng mag salita muli ang kanyang ina

" ngayon palang ay tigilan mo na ang paghuhumaling sa mortal na iyan faxxon hindi sya nababagay sayo. Ang nababagay sa isang katulad mo ay iyong anak nk Connor si czarina. Ang mga mortal ay pag kain lamang natin yan ang palagi mong tatandaan. Kaya ayaw kong pumapasok sa eskuwelahan na iyon eh " paninirmon ni Frishell sakanyang anak. Umalis si frishell dahil sa iritasyong nararamdaman sa kanyang anak.

"Hayaan mo na ang iyong mama tutulungan kita anak na makuha ang babaeng gusto mo " ani froilan Kay faxxon

" salamat papa".

Lumipas ang mag damag at may mga bago na namang biktima. Napapaisip na si Exodus kung ano o sino ang gumagawa nito sa mga biktima, mas maraming namatay ngayon kaysa sa mga nakaraang gabi. Lagpas isang daan ang mga namatay ngayon, naawa si Exodus sa mga pamilya ng namatayan kasi hanggang ngayon ay Di parin sila nabibigyan ng hustisya.

" Ginoong Exodus " sabi ng isang pulis

" parehas pa din po ang mga resulta ginoong Exodus. Sa tingin po namin ay ahas po talaga ang may gawa nito sa mga biktima " tinignan ng matalim ni Exodus ang nagsalitang pulis

" sa tingin mo ba isang ahas na uubusin lamang ang dugo ng biktima?? " Galit nyang tanong sa pulis.

Hindi naka imik ang pulis sa kanyang tanong

" sa tingin ko ay may kung ano o kung sino ang gumagawa nito sa mga biktima Pero nakaka siguro akong Hindi ahas ang may gawa nito " hindi titigil si Exodus sa pag iimbistiga hanggang sa mabigyan nya ng hustisya ang mga pamilya ng namatayan.

" Pinuno " sabi ni Zeus sa kanya

" ano yon Zeus may balita ka na ba?? " Tanong ni ginoong Zion sa alagad nya.

" May mga bagong biktima na naman po ang mga grupo ni froilan, at mas marami po Ito ngayon pinuno ano po ang gagawin natin pinuno. Kailan na po natin kumilos pinuno. " Sabi ni Zeus sa kanya

" hindi pa handa si evbrhen Zeus masyado pa syang bata " ani ginoong Zion

" pero pinuno kailan sya magiging handa kapag nasakop na ng mga grupo ni froilan ang buong lugar?? " Tanong sa kanya ni Zeus

" pinuno hanggat maaari sana ay sanayin na natin sya ngayon palang ng saganun eh makalaban sya. Alam kong prinopretektahan mo sya pinuno Pero kailangan na kailangan sya ng ating lahi ng mga mortal pinuno "

napaisip si ginoong Zion may punto ang kanyang tauhan kaya nakapag disisyon na sya.

" Sige sasanayin natin sya ngunit hindi muna natin sasabihin sa kanya ang katotohanan " ani ni ginoong Zion Kay Zeus

" simula bukas pagkatapos nyang umuwe sa eskuwela ay sasanayin nyo sya sabihin mo Ito lahat sa kanila Zeus, hindi sya kakain hanggat hindi sya nag sasanay " bilin ni ginoong Zion Kay Zeus

" masusunod pinuno " sa isip isip ni ginoong Zion panahon na rin upang hubugin ang batang alpha nalalapit na din kasi ang kaarawan nito. Ilang buwan nalang ay kaarawan na ni evbrhen at pag dumating na ang araw na iyon mag sisimula na ang mga pagbabago na mararamdaman ni evbrhen. Tulad ng pag talas ng pandinig, pangamoy at pangdama, pag kakaroon ng kakaibang lakas at bilis sa pag takbo at pag babagong anyo tuwing bilog ang buwan. Napawi ang pagmuni muni ni ginoong Zion ng nakita nya si evbrhen

" ama kanina pa po kita hinahanap ama kumain na po tayo ng agahan " naka ngiting sabi ni evbrhen

" mukang maganda ang gising ng anak ko, anong meron? " Tanong ni ginoong Zion Kay Evbrhen

" wala ho ama Tara na po kumain na po tayo." ani ng batang alpha

" Masaya ka ba dahil makikita mo na naman ba ang iyong babaeng kaibigan? " Panunukso ni ginoong Zion sa batang alpha.

" H-hindi po A-ama " pinag mulahan ng muka si evbrhen sa panunukso sa kanya ni ginoong Zion.

" Mukang nag bibinata ka, natural lang na magkagusto sa ka edad mo evbrhen. Ngunit sana unahin ang pag aaral " pangaral ni ginoong Zion Kay Evbrhen

" opo ama Di ko po kakalimutan yan " ani evbrhen. Tumawa si ginoong Zion

" totoo nga gusto mo ng makita ang kaibigan mong babae hahaha " panunukso ni ginoong Zion

" ama naman wag nyo naman po ako tuksuhin " namumulang ani evbrhen.

Matapos nilang mag agahan ay agad na hinatid ni ginoong Zion si evbrhen sa eskuwela.

" Kailan mo sya sakin pormal na ipapakilala evbrhen " patuloy sa panunukso ni ginoong Zion sa nag bibinata na ngayon na si evbrhen

" ama!! Tumigil na po kayo Di na po ako natutuwa. " Naka busangot na ani evbrhen.

Tinawanan lamang ni ginoong Zion ang inasta ni evbrhen sa kanya. Maya Maya lamang ay may tumawag Kay Evbrhen. Lalong na pangisi si ginoong Zion. Tinignan lamang siya ng masama ni evbrhen na tila ay binabantaan syang wag mag salita.

" Evbrhen!!! " Sigaw malayo ni sapphire

" ayan na iyong kasintahan " ani ginoong Zion sabay tawa.

Inirapan lamang sya ni evbrhen bago Ito lumabas. Ngunit hindi naka takas Kay ginoong Zion ang mga ngiti ng nagbibinatang alpha. Napailing nalamang si ginoong Zion bago pinausad ang kanyang sasakyan.

♠♠♠♠♠♠♠♠♠♠♠♠♠♠♠♠♠♠♠♠♠♠♠♠♠♠♠♠♠♠

Susunod•••

The Last Alpha(On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon