UNANG KABANATA

25 4 0
                                    

Lumapit si evbrhen sa kanyang ama at pinag masdan nya Ito maigi. Mula sa mga parte ng muka nito hanggang sa dulo ng paa. Nilingon ni Zion si evbrhen sya ay nag tataka sa inaasta nito.

" Anak bakit mo ko tinititigan? May kailangan ka ba sakin? " Tanong ni Zion sa munting bata

" wala naman ho ama. Ako'y nagtataka lamang hindi tayo mag katulad ng kulay ng mga mata maging ating buhok at kutis ay Di rin mag katulad siguro tama nga ang ibang mga bata ama. Na Hindi ako normal na tulad mo. Sa tuwing tinatanong nila sakin ang pangalan ng aking ina ay hindi ko sila masagot sapagkat hindi ko alam ang ngalan ng aking ina. Palagi akong binibuyo ng aking mga kaklase dahil sa kulay ng aking mga mata at buhok ama. Ang sakanila kasi ay tulad ng sainyo. Kulay tsokolate ang iyong mga mata at itim na itim ay iyong buhok ama. Samantala ang sakin ay kulay asul na mga mata at kulay ginto ang aking buhok. Palagi nila sinasabi sakin na hindi ako nababagay sa kanila dahil hindi ako normal ama. Walang gustong makipag kaibigan sakin ng dahil sa aking kalagayan, walang may gustong kumausap sakin. Ultimo ang aming mga guro ay tila nandidiri sakin. Wala naman ho akong malubhang sakit na nakakahawa ngunit ang mga tingin nila sakin ay tila daig ko pa ang may sakit sa balat ama. Bakit sila ganun sakin ama? Totoong anak nyo po ba ako?? " Ani ni evbrhen

Pinakinggan ng mabuti ni Zion ang mga hinaing ni evbrhen. Lubos syang nahahabag dito sapagkat sa nakabataang edad ay nakakaranas na sya ng mga ganitong problema.

" Anak ko, wag mong intindihin ang mga sinasabi nila sayo ang importante ay wala kang natatapakan na kahit sino, wag na wag mo silang papatulan sa kanilang pang bubuyo dahil hindi iyun mabuti. Ikaw nalang ang umunawa sa kanila anak ko. Dahil hindi nila alam na Mali ang kanilang ginagawa. "Ani niya rito

Niyakap ni Zion si evbrhen. Hindi pa handa ang batang alpha para sa katotohanan yan ang nasa isip ni Zion ng mga oras na yon. Saka na nya ito sasabihin kapag nasa wastong gulang na ito kung San lubos na nito mauunawaan ang lahat. Nag hahapunan sila sa hapag ng dumating na isang panauhin.

" Doctor Zion pasensya na sa abala " sabi ng panauhin.

Nanatili naka tayo ang panauhin ng ilahad nya ang kanyang kamay.

" Ako nga pala si Exodus Ferer " pag papakilala ng panauhin Kay Zion.

" Kinagagalak kong makilala ka Ginoong Ferer. Ito ang aking anak Evbrhen Vash Emmanuel ang kanyang ngalan " sabi ni Zion Kay Exodus.

" Napaka gandang pangalan " ani ni Exodus

tinitigan ni Exodus si evbrhen mula ulo hanggang paa

" ngunit hindi mo sya kamuka doctor Zion " ani Exodus Kay Zion

" nag mana sya sakanya ina, anong sadya ng pagparito mo dito sakin tahan Ginoong Ferer, halika maupo ka sabayan mo kami ng aking anak sa hapunan " ani niya rito

may pakiramdam si Zion na may sadya sakanya ang panauhin na ito.

" Maraming salamat sa pag anyaya doctor katatapos ko lang din mag hapunan at saka wag mo na akong tawagin Ginoong Ferer masyado ka namang pormal Exodus na lamang ang itawag mo sakin " ani Exodus sabay ngiti sakanya

" kung ganun ano ang iyong sadya sa pag parito? Exodus? " Tanong ni Zion sa ginoon

" gusto ko sana tayong dalawa lang ang magusap " ani Exodus sabay tingin Kay Evbrhen

" masyado kasing sensitibo ang sasabihin ko sayo doctor hanggat maaari ay ayaw kong marinig ito ng isang bata " dagdag na ani ni Exodus

nilingon ni Zion si evbrhen na tahimik na kumain. " Sige kung yan ang iyong gusto, Dalya " tinawag ni Zion ang kanyang katulong

The Last Alpha(On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon