IKA LIMANG KABANATA

5 0 0
                                    

Lumipas ang sandaling katahimikan sa loob ng sasakyan ay nag salita si evbrhen

" ama " sabi ng munting alpha Kay ginoong Zion

" ano yun anak? " Nilingon ni ginoong Zion si evbrhen

" ama gusto ko pong matutong ipag tanggol ang aking sarili gusto ko pong mag paturo kina Zeus ama. Para Di ako palagi pinagtatanggol ni sapphire ama gusto ko pong ipag malaki ang aking sarili na kaya ko pong lumaban kahit kanino  na kaya ko pong ipag tanggol ang kahit sino lalong lalo na si sapphire ama "

natuwa si Ginoong Zion sa sinabi ni evbrhen hindi na sya mahihirapan kumbinsihin Ito na mag sanay

" kung gayon pag kauwe natin ipapatawag ko sina Zeus upang sanayin ka. " Tugon ni ginoong Zion Kay Evbrhen

" siya nga pala ama may aktibidad po kami sa eskuwela gusto ko pong sumama ama " inabot ni evbrhen ang papel Kay ginoong Zion

" sige pero mamaya ko na to titignan pag kauwe natin sa mansion "

tahimik nilang tinahak ang daan pa tungong sa mansion. Masaya si evbrhen sapagkat akala nya ay Di sya papayagan ng kanyang ama sa kanyang kagustuhan. Lumipas ang mag damag ay Di pa rin natutuklasan ni ginoong Exodus ang misteryong nagaganap sa pag paslang sa mga biktima. Inaaral nyang mabuti ang mga ibedensya baka sakali ay may makita sya doon ngunit ilang araw at gabi na nya ito pinag aaralan. May kumatok sa kanyang pinto

" bukas yan " sabi ni ginoong Exodus sa kumatok

" papa kumain ka po muna " ngumiti si ginoong Exodus sa kanyang nag iisang anak na si sapphire

" susunod na lamang ako anak tatapusin ko lamang Ito " ang kanyang tugon

" sige po papa hihintay po kita " sinarado ni sapphire ang pinto ng opisina ng kanyang papa.

Nababahala si sapphire sapagkat labis na tinututukan ng kanyang papa ang mga krimeng na nangyayari sa mga nag daang mga araw dahilan kung bakit nakakalimutan nitong kumain. Nag aalala siya sa kanyang papa baka mag kasakit Ito. Hindi rin naman nag tagal lumabas na ang kanyang ama sa opisina nito

" pasensya na aking prinsesa at pinag hintay kita " pag hingi ng paumanhin ni ginoong Exodus sa kanyang anak

" ayos lang po papa ang mahalaga sakin ay makasama kita sa hapunan. Siya nga po pala papa gusto ko po sanang sumama sa aktibidad sa eskuwelahan po namin sana po payagan nyo po ako " ani ni sapphire sa kanyang papa

" anong klaseng aktibidad ba yan anak ko " tanong ni ginoong Exodus sa kanyang anak

" grupong pag lalakbay ho papa " na hinto sa pag subo ng pagkain si ginoong Exodus

" at saan naman gaganapin iyan ?? Sa labas ng eskuwela?? " Tanong ni ginoong Exodus sa kanyang anak

" opo papa sa may bundok po " tugon ni sapphire sa kanyang papa

" bundok?!!! Hindi Hindi ka sasama " tutol na ani ni ginoong Exodus

" papa sige na po kasama naman po namin ang aming mga guro madami naman po kami doon sige na papa payagan mo na ako sige na po " nag susumamong ani ni sapphire sa kanyang papa

" oh sya sige papayag ako ngunit sa isang kundisyon , gusto ko palagi kang sumunod sa iyong guro upang di ka mawalay sa ka grupo mo naiintidihan mo ba ako sapphire?? " Bilin ni ginoong Exodus Kay sapphire

" opo papa salamat po maraming salamat po " ani ni sapphire sabay yakap sa kanya.

Sa mantala sa mansion nina faxxon

" ano tong nabalitaan kong Ito faxxon na muntik ka ng mapaaway sa isang mortal ?? " Tanong ni Frishell sa kanyang anak

" at sino nag sabi sayo ng mga yan mama?? Si czarina ba? Napaka sombongera talaga ng babaeng yon kahit kailan " ani ni faxxon

" ayusin mo ang mga pananalita mo sakin faxxon ako ang iyong mama dapat ginagalang mo ako " saway ni Frishell sakanyang anak

" totoo naman mama napaka sombongera talaga ng anak ni Connor na yun kaya hinding hindi ko sya magugustuhan " padabog na umalis si faxxon sa kanilang sala.

Buong araw nya ay nasira simula ng makita nyang mag kasama si evbrhen at sapphire. Ano ba ang pede nyang gawin upang magustuhan sya ng babaeng kanyang gusto. Kahit ano ay gagawin nya magustuhan lamang sya nito. At sino man ang humadlang ay sisiguraduhin nyang mawawala ang mga Ito sa Mundo. Mortal man oh kapwa man nyang immortal. Dumating ang araw ng kanilang aktibidad labis na sasabik si evbrhen sapagkat Ito ang unang pagkakataon na makasama sya sa mga ganitong uri ng aktibidad sa eskuwelahan. Nilibot nya ang kanyang paningin upang hanapin ang bubuo sa kanyang araw at hindi naman sya nabigo. Nakita nyang kumakaway si sapphire habang tumatakbo Ito palapit sa kanya " evbrhen pinayagan ka din ng iyon ama " hinawakan ni sapphire ang dalawang kamay ni evbrhen at may kung ano syang naramdaman mula sa kanyang mga kamay patungo sa kanyang puso. Ito ang dahilan kung bakit bumilis ang tibok ng kanyang puso " akala ko wala akong makakasama buti nalang nandito ka " ngumiti si evbrhen Kay sapphire " oo naman bakit Hindi ako papayagan ni ama " napansin ni sapphire na nakahawak pa rin pala sya sa mga kamay ni evbrhen kaya unti unti nya itong binitawan at hindi maka tingin ng deretso sa mga mata ni evbrhen. Habang sa malayo nag ngingit ngit na naka masid si faxxon. Galit na galit si faxxon habang tinitignan nya si evbrhen na masayang kausap ni sapphire. Maya Maya lamang nag salita ang kanilang guro na papasok na sila sa sasakyan kaya humilera na sila unang umakyat si faxxon hinintay nya talagang dumaan si evbrhen. Pag ka daan ni evbrhen ay pinatid nya ito ang buong ka klase nila ay pinag tawanan si evbrhen tumayo si evbrhen at hinarap si faxxon " hindi talaga na bubuo ang araw mo ng hindi ka ng aapi ng iyong kapwa " mariing ani ni evbrhen Kay faxxon " syempre Hindi. At hindi rin ako makakapayag na masaya ang araw mo samantala ang sakin ay sirang sira " tugon ni faxxon sa kanya. Biglang nag salita ang kanilang guro " mag siupo na kayo sa inyong mga upuan at tayo ay tutungo na sa bundok " nag patuloy na lamang sa paglalakad si evbrhen hanggang sa maka upo na sya sa tabi ni sapphire " akala ko tutunganga ka nalang dun kanina " ani ni Sapphire sa kanya ngumiti na lamang si evbrhen Kay sapphire. Sa isip isip ni evbrhen kung noon hinahayaan nya lamang ang mga itong buyuin sya ngayon ay hindi na. Lalaban na sya ngayon sa pag kakataong Ito.

•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

The Last Alpha(On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon