IKA SIYAM NA KABANATA

0 0 0
                                    

Patuloy pa rin sa pag iimbistiga si Exodus, nais niyang malaman ang mga nangyari sa mga biktima nais niyang mahuli ang may kagagawan nun.

Buong mag hapon wala sa sarili si Exodus kakaisip sa mga bagay bagay. Hindi niya napansin na kanina pa siya tinitignan ni sapphire.

" Papa " tawag ni sapphire sa kanyang ama " papa! " Sa pangalawang pag tawag ng anak ay natauhan si Exodus

" May problema ka po ba? " Tanong sa kanya ng kanyang anak " wala anak ko masyado lamang ako maraming iniisip tungkol sa trabaho ko " ani niya " hanggang ngayon pa din po ba Hindi pa rin po na tatagpuan ang may gawa nun sa mga biktima papa? " Ani sapphire sakanya " wag mong isipin yun anak ko si papa na ang bahala doon. Kamusta ang naging pag lalakbay nyo ng buong klase? " Pag iiba niya ng usapan

Hindi man sumagot sa kanya ang kanyang anak ay halata naman sa mga mata nito na naging maganda ang pag lalakbay ng klase

" Papa may tanong lang ho ako wag po sana kayo magaglit " ani sapphire sa kanyang ama " ano yun anak ko ? " Nag dadalawang isip si sapphire kung sasabihin niya ba iyon sa ama o hindi dahil alam niya na magagalit ito

" Papa ilang taon po kayo noon nung niligawan mo si mama?? " Tanong ni sapphire " trese años kami noon ng mama ng niligawan ko siya anak ko, bakit may nanliligaw na ba sayo??? Sino yan?? " Sunod sunod na ani Exodus sa anak " papa, sabi naman po niya handa po siyang maghintay hanggang sa nasa tamang edad na kami saka niya po ako liligawan papa, kaya po wag kang magalit papa ah " ani ng kanyang anak

Laking gulat ni Exodus sa kanyang narinig alam niyang darating ang ganitong pangyayari ngunit hindi niya inaasahan na mapapaaga " sino yan anak banggitin mo ang kanyang ngalan ng sa gayong maka usap ko siya ng masinsinan  " ani Exodus

" Papa naman baka takutin mo lamang siya at baka hindi na siya tumuloy sa balak niyang panliligaw " ani sapphire sa kanyang ama naiwan naka bukas ang bibig nito na tila may nais pang sabihin. Maya Maya lamang ay nag salita muli ang kanyang ama

" Kung mabuti ang intensyon ng lalaking iyon sayo anak ko kahit anong gawin kong pananakot ay Di siya uurong " ani nito. Nakaramdam ng kaba si sapphire para kay Evbrhen lalo na't nakikita niya sa mga mata ng kanyang ama na seryoso ito.

" Si.... Si evbrhen ho papa " ani ng kanyang anak. Evbrhen? Hu ang lakas naman ng loob nito upang balak ligawan ang kanyang nag iisang anak ani niya sa kanyang isip.

" Si ang mga magulang nitong batang lalaki sapphire?? Mukang pamilyar sakin ang kanyang ngalan " ani niya sa kanyang anak

" Anak po siya ni ginoong Zion papa yung tanyag po na manggagamot " ani ng kanyang anak lumaki ang mga mata ni Exodus sa narinig. Hindi naman sa ayaw niya ang batang lalaki para sa anak naiisip niya lang na masyado pa silang bata para sa mga ganun bagay.

Napaupo si Exodus habang hinihilot ang kanyang sintido bigla ata sumakit ang kanyang ulo sa nalaman mula sa kanyang anak

" Papa ayos lang po ba kayo??? Mag pahinga po muna kaya kayo " ani ng kanyang anak sa nag aalalang tono

" Ayos lang ako anak ko... Bukas na bukas ay kakausapin ko si ginoong Zion at maging ang kanyang anak " ani Exodus

" Papa wag po baka takutin nyo lang si evbrhen niyan eh " inis na ani sa kanya ng kanyang anak

" Bakit ka ganyan makareak sa batang iyon sapphire wag mo sabihin sakin na gusto mo din ang batang iyon?!!! Masyado ka pang bata para mag ka nobyo!! " Galit na ani niya

" Eh di ko po sasabihin.. at saka papa hindi na po ako bata trese na po ako dalaga na nga po ako eh " pang dadahilan nito sa kanya

Nasapo na lamang ni Exodus ang kanyang nuo sa paraang pag sagot ng kanyang anak. Hindi talaga mapag kakaila na anak niya nga Ito. Sa lahat ba naman na pedeng manahin nito sakanya ay bakit ang pag giging pilosopo niya pa ang namana nito.

Kung buhay pa sana ang kanyang asawa ay baka matulungan siya nito sa lumalaki nilang anak.

Maya Maya lamang ay may kumatok sa kanilang pintuan agad namang pumunta sa pinto ang kanyang anak upang malaman kung sino iyon.

" Papa may nag hahanap po sa inyo.. " ani ni sapphire

" Sino anak ko?? " Tanong niya

Sino naman kaya ang dadalaw sa kanya ng ganitong oras?

" Ginoo ano po ang inyong pangalan? " Dinig niyang tanong ng kanyang anak sa panauhin

" Froilan ang aking pangalan munting binibi " ani nito sa kanyang anak

Nilapitan ni Exodus ang kanyang anak at tinignan kung sino ang hindi inaasan na bisita

" Sapphire umakyat ka na muna sa iyong kuwarto may kakausapin lamang ako " bilin niya sa kanyang anak na agad naman nitong sinunod.

" Kay gandang bata ng iyong anak ginoong Exodus " naka ngiting ani nito sa kanya

Inakay niya si froilan patungo sa silid tanggapan.

Biglang nanghina si froilan pag kapasok niya palang sa silid ng kanyang lingunin ang dingding ay nakita niya doon ang isang imahe ng krus ni Kristo.

Bigla napalingon sakanya si Exodus bakas sa muka nito ang pag tataka " ayos ka lang ba ginoong froilan gusto mo ba ng maiinum? " Ani nito sakanya..

" A-ayos l-lang ako Di rin ako mag tatagal " ani niya sa ginoo

Naliligo sa Sariling pawis si froilan kunti na lamang ay tuluyan na syang babagsak " narito ako upang sabihin sayo na ihinto na ang imbistigasyon tungkol sa mga biktima " ani niya

" Bakit? Hindi pa natatagpuan ang may gawa nun sakanila " sagot sa kanya ng ginoo

Matigas talaga ang ulo nito wala siyang ibang magagawa kung di gamitan ito ng kanyang kapangyarihan.

Naging kulay pula ang mga mata ni froilan at tinitigan niya si Exodus. Nag banggit siya ng mga katagang tanging ang mga kalahi niya lang ang nakakaalam.

Pag katapos niyang gawin iyon ay agad niyang nilisan ang tahanan ni Exodus dahil hindi niya na kayang mag tagal roon.

Nakita ni sapphire ang mga pangyayari nakita niya kung paano na hiptismo ang kanyang ama ng ginoong iyon. Agad na nilapitan ni sapphire ang ama at tinanong ito kung ayos lang.

Ngunit tila wala Ito sa Sariling ulirat. Biglang nakaramdam ng matinding takot ang batang babae para sa kanya ama. Sino kaya ang ginoo na iyon ano kaya ang ginawa nito sa aking ama ani sa isip ni sapphire...

•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

SORRY NGAYON LANG ULIT NAKA PAG UPDATE MEDYO BUSY KASI SA WORK

               ⚜️ G L A I Z A ⚜️

The Last Alpha(On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon