IKA ANIM NA KABANATA

5 0 0
                                    

Ilang sandali lamang ay nasa bundok na sila. Agad silang sinabihan ng kanilang guro na huwag masyadong lumayo dahil baka maligaw sila. Pag dating sa paanan ng bundok agad kinuha ni evbrhen ang mga bitbitin ni sapphire " ako na dito sa mga dala mo sapphire. Masyado itong mabigat at matarik pa ang aakyatin natin " ani ni evbrhen Kay sapphire " salamat evbrhen napaka maginoo mo talaga " sambit ni sapphire. Matarik at ma gubat ang paanan ng bundok, nasa likoran ni evbrhen si sapphire at tuwing madulas ang daan ay inaalalayan nya ito Ngunit ng lingonin muli ni evbrhen si sapphire dahil malapit na sila sa tuktok ay wala Ito sakanyang likoran. Agad nakaramdam ng takot si evbrhen, muli nyang nilibot ang kanyang paningin sa paligid ngunit ni anino ni sapphire ay Di nya makita. Tinawag ni evbrhen ang kanilang guro " Guro!!! Guro!!!! Si sapphire po nawawala!!! " Sigaw ni evbrhen sa kanilang guro " ha? Eh kanina lang eh nasa likoran mo lamang sya evbrhen.. panong nangyari na nawala si sapphire??? " Tanong ng kanilang guro. " Pag lingon ko wala na po sya sakin likoran " labis na nagaalala si evbrhen para kay sapphire. San kaya nagsuot ang munting binibi??

Sa kabilang Banda paikot ikot si sapphire sa kanyang nilalakaran
Di nya alam kung nasan na ba sya. Nawili kasi sya kakatingin sa mga bulaklak at mga paru-paro kaya di nya na Malayan na napalayo na pala sya sa kanyang pangkat. " Nasan na ba ako " mangiyak-iyak na wika ni sapphire.. sa sobrang kapaguran na nararamdaman ni sapphire ay umupo muna sya sa isang punong kahoy " Evbrhen tulong!!!! " Tuluyan na ng umiyak si sapphire sa kanyang kinauupuan. Hindi alam ng munting binibi ay may nag mamasid na pala sa kanyang isang mabangis na hayop.. unting unti lumabas ang mabangis na lobo sa kanyang tinataguan.. samantala maingay na umiiyak si sapphire sa kanyang kinauupuan...

Biglang sinugod ni faxxon si evbrhen sobrang galit nito ay naiangat na niya sa ere si evbrhen " kasalanan mo itong lahat evbrhen kasalanan mo!!!! Oras na may nangyari masama Kay sapphire malalagot ka sakin " hindi gumalaw si evbrhen. Aminado siya sa kanyang sarili na may kasalanan siya. Kung nabantayan nyang maigi si sapphire eh baka hindi Ito nawawala ngayon.. Maya Maya lamang ay nag sikilos na sila upang hanapin si sapphire. Labis na nag aalala ang nag bibinatang alpha..

Tumigil sa pag hikbi si sapphire ng maramdaman nyang may kung ano sa kanyang likoran ng kanyang ito'y lingonin ay laking gulat niya na isa itong mabangis na lobo... Nanlilisik ang mga mata nito at may matutulis na mga ngipin.. unti unti siyang nilapitan ng lobo.. meron din itong matatalim na mga kuko at tumutulo ang laway nito na tila gutom na gutom na...

Pilit kinakalma ni sapphire ang kanyang sarili upang maka isip siya ng kanyang gagawin..unting unti tumayo si sapphire ngunit dumuble ang kanyang kabang nararamdaman ng makita niyang hindi lang isang mabangis na lobo ang naka paligid sa kanya kung di mahigit benta pa o lagpas sa sobrang dami ay Di na niya mabilang pa..
Nag dasal na lamang si sapphire at mahinang sinambit ang ngalan ni evbrhen...

Lumitaw ang bilog na bilog at maliwanag na buwan.. habang pa tuloy sa pag hahanap si evbrhen ay bigla sumakit ang kanyang mga tenga.. sa sobrang sakit ng kanyang nararamdaman ay nag pagulong gulong siya sa maputik na lupa.. walang nakaka alam sa nangyayari Kay Evbrhen sapagkat ang lahat ay abala sa pag hahanap Kay sapphire.. " AHHHHHHH ARAAAAAAAAYYYYYY " ang daing ni evbrhen.. ng kaya na niya ang sakit sa kanyang mga tenga ay pinag patuloy na nya ang kanyang pag hahanap.. hindi na niya inalintana ang nangyari sa kanyang sarili ang tanging mahalaga lamang sa kanya ay matagpuan si sapphire ng ligtas...

Hindi mawari ni evbrhen kung bakit parang naaamoy niya at naririnig niya si sapphire " sapphire nasan ka??? "... Sapalagay ni evbrhen ay nasa panganib si sapphire sapagkat ang kanyang naririnig ay humihingi Ito ng tulong sa kanya.. sinundan ni evbrhen ang sapalagay niyang pinanggagalingan ng boses ni sapphire... At hindi siya na bigo...

" SAPPHIRE SAWAKAS NATAGPUAN DIN KITA!!! " Lalapit na sana si evbrhen Kay sapphire ng may narinig siyang mga atungal.. nilingon Ito ni evbrhen at nakita niyang mababangis na mga lobo ang mga iyon " wag kang mag alala  sapphire ililigtas kita.. " ani ni evbrhen " p-pano? Mababangis silang mga hayop evbrhen " wika ni sapphire. Hindi pinansin ni evbrhen si sapphire tinitigan ni evbrhen ang mga lobo at sa isang iglap lamang ay nag bago ang kulay ng mga mata ni evbrhen. Ang dating kulay asul na mga mata ay naging kulay pula.. " mag si layo kayo dito!!!! At kapag may ginawa kayo Kay sapphire sisiguraduhin kong walang makakaligtas sainyo kaya alis!!!!! " Ani ni evbrhen sa mga babanngis na lobo. Labis na ikinataka ni sapphire ang ginawa ni evbrhen. Kinausap nito ang mga lobo maiintindihan kaya ng mga lobong iyon ang winika ni evbrhen?? Ngunit labis na ikinagulat ni sapphire na sumunod ang mga Ito Kay Evbrhen na tila isa silang maamong aso na inutusang umalis ng kanilang amo...

Kumaripas ng takbo ang mga babanngis na lobo pag katapos sabihin ni evbrhen na magsialis kayo.. tinignan mabuti ni sapphire si evbrhen mula ulo hanggang paa.. labis syang nagtataka kung bakit ang bilis niyang napasunod ang mga Ito..

" Ayos ka lang sapphire?? Sinaktan ka ba ng mga yun? May mga sugat ka ba??? " Sunod sunod na tanong ni evbrhen Kay sapphire.. " pano mo nagawa yun?? " Imbes na sagutin ni sapphire ang mga katanungan ni evbrhen sa kanya ay tinanong niya si evbrhen.. " pano mo yun nagawa Evbrhen?? " Tanong ni sapphire Kay Evbrhen " ang alin sapphire??? " Naguguluhang sagot ni evbrhen " yun pano mo napasunod ang mga mababangis na lobo?? " Sa tanong ni sapphire sa kanya doon lang din niya napansin ang nangyari.. oo nga pano ko nga ba sila napasunod saking mga sinasabi.. ani sa isip niya " wag mong sabihin sakin Di mo alam kung pano?? " Tanong muli sa kanya ni sapphire " sa totoo lang sapphire hindi ko din alam ngayon ko lang napansin ng tinanong mo yan sakin.. ang mabuti pa pumunta na tayo sa tutok at baka nandun na din sila.. lahat kami ay nag hanap at nag alala sayo sapphire.. ano ba ang nangyari at bakit ka naligaw?? " Pag iiba sa usapan ni evbrhen. " Nawili kasi ako sa kaka tingin sa mga bulaklak at mga paru-paro kaya di ko na namalayan na naka layo na pala ko sainyo patawad kung na ipag alala ko kayo ng sobra.. " ani ni sapphire..  " ayos lang yun ang importante ay nahanap na kita at di ka napahamak " sabay na umakyat ng tuktok ang dalawa at sinalubong ng mga ka klase nila si sapphire dahil sa sobrang pag alala. Ganun pa man di pa rin maalis sa isipan ni evbrhen ang nangyari kanina sa pagitan niya at ng mga lobo...

•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

The Last Alpha(On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon