IKA LABING TATLONG KABANATA

3 0 0
                                    

Kaarawan na ni Evbrhen ang lahat ng mga tauhan ay naging abala sa pag hahanda.. iniluto lahat ng mga paboritong pag kain ni Evbrhen mula sa bulwagan hanggang sa hardin ay makikita ang magagarang dekorasyon...

Sumaktong walang pasok ang kaarawan ni Evbrhen kaya naman nasa mansion lang ang binatang Alpha. Nag hahanda para sa magaganap na okasyon hindi na sya makapag hintay pa na suotin ang kanyang pinasadyang damit mula sa isang magaling at mahusay na mananahi sa kanilang lugar..

" Maari bang pumasok anak ko? "

Tanong ni ginoong Zion Kay Evbrhen na naka tutok ang paningin sa damit na kanyang susuotin mamaya

Kulay abo ito at seda ang tela meron itong burda sa may bandang kuwelyo na hindi nya mawari kung ano...

" Ama !! "

Ani Evbrhen at niyakap ang ginoo

" Salamat ama maraming salamat po sobrang saya ko po ngayon araw ama "

Kitang kita sa mga mata ng binatang Alpha kung gaano to kasaya manang mana talaga ito Kay Noah.. ngunit hindi magawa ni Ginoong Zion na maging masaya para sa binatang Alpha sapagkat nag aalala ito para dito dahil ngayon gabi ang unang kabilugan ng buwan.

Ngayon gabi din lalabas ang totoong kakayahan ng binatilyo

" Ama bakit po? May problema po ba sa ospital? " Tanong ni Evbrhen sa Ginoo

" Wala naman anak, hindi lang talaga ako makapaniwala na ang bilis umusad ng mga taon parang kaylan lang isa ka palang munting sanggol ngayon ay isa ka ng ganap na binata " ani ng Ginoo

" Ama naman talagang lalaki po ako di po ako habang buhay na magiging bata "

Nag tawanan ang dalawa sa silid ni Evbrhen samantala di nila alam na may nag mamatyag sa kanila mula sa malayo...

" Nagagalak akong lumaki ka ng tama munting alpha " ani ng nilalang na nag mamatyag sa dalawa

" Salamat Zion tunay kang maaasahan " ani muli nito










Sumapit ang hapon nag sidatingan na ang mga panauhin handang handa ang lahat sa pag salubong sa mga bisita ng binata.

" Faxxon kinakabahan ako sa mangyayari " ani Czarina

" Wag kang kabahan walang mangyayari satin Czarina "

Sinalubong sina Faxxon ng mga tauhan nila Evbrhen at pinatuloy sa may bulwagan. Sumunod naman sa kanila si Sapphire na Panay ang linga sa mga dekorasyon.

" Ang ganda " ani Sapphire

" Paumanhin sa pag hihintay mga bisita ng akin anak maya Maya lang ay bababa na rin si Evbrhen sa kanyang silid sa ngayon ay magpakasaya muna kayo samin mga hinanda sana ay magustuhan nyo " ani ni Ginoong Zion

Tinignan nina Faxxon at Czarina ang mga hinanda hindi nila gusto ang amoy nun kaya naman nag usap sa isip ang dalawa

" Ayaw kong kumain ng nakakasulasok na pagkain nila Faxxon, pano nila naaatim kumain ng ganyan? " Ani ni Czarina

" Maski ako ayaw ko din pero kailangan natin gumaya sa ginagawa ni Sapphire " ani ni Faxxon

Sabay nilang nilingonan si Sapphire na masaganang kumukuha ng mga pagkain

" Hindi talaga ako makapaniwala na naatim nilang kumain ng pang tao " hirit pa ni Czarina saka kumuha ng mga pagkain

Maya Maya lang ay dumating na si Evbrhen  lahat ng imbitado ay lumingon sa kanyang gawi may halong pagkamangha ang tingin ng mga ito sa binata.

The Last Alpha(On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon