Chapter 62: Epilogue

6.3K 260 79
                                    


Zypher's POV

"Good afternoon, Your Highness." Sabay sabay na sabi ng mga taong nadaanan ko at nagbow sa akin. Nginitian ko sila ng halos may pag-aalinlangan.

"Good afternoon." I said before started walking again. Hindi parin talaga ako sanay na tinatawag na ganun. Parang ang awkward sa pakiramdam. Hindi ko nagugustuhan ang pakiramdam ng ilang.

Habang naglalakad ay nakita ko na sa may di kalayuan ang bagong gate (na pininturahang gold at mas pinalakihan) ng Seandal Academy of Abilities. I smiled to myself. It felt so good to see it standing again on the middle of the city.

"Magandang araw po." Napatingin na naman ako sa gilid ng may marinig akong tinig. Isang grupo ng mga estudyante galing sa loob ng academy. I smiled at them.

"It's an honor to see you, Your Grace." Sabi ng nasa unahang babae at sabay silang nagbow sa akin. I honestly don't know what to say. Should I say thank you? Shocks! I'm so bad at this.

I gave them the warmest smile I could offer, in exchange for what they said. Crap! For the last couple of months, I still don't know how to do proper courtesies. I'm just so not used to it and giving warm and flashy reply and comments just isn't my thing. I mean, natutunan ko naman kong paano, pero ang awkward.

"Your Highness." Bago pa ako makalabas sa napaka awkward na sitwasyon kasama ang mga estudyante sa harap ko, may tumawag na naman sa akin galing sa likod. I mentally sighed. Oh boy.

"Still not applying the proper courtesies, Z?" Nailabas ko ang buntong hininga ng nakitang si Ate Gab ito. I felt the students walk away from us but said their greetings to Ate Gab before leaving. Ate Gab smiled at them, flashing her complete set of white teeth and that bright glint in her dark blue striking eyes. Naging maayos siya matapos ng laban. Agad siyang tinulungan ng mga natitirang healers at pinagpahinga. Ilang araw din siyang unconcious, and fortunately she woke up and became as strong as she was again. She then faced me. I frowned at her. Tumawa siya ng maliit sa naging ekspresyon ko.

"I know it would take time absorbing all of these." Kinabig niya ang braso ko at nagsimula kaming maglakad ulit. Napaharap ulit ako sa buong siyudad ng Seandal at nakitang masigla at magaan ang mood ng bawat taong nakikita namin na naglalakad. I sighed and thanked the heavens silently.

Matapos ang nangyaring paglalaban ng Darkholds laban sa amin ay sobrang daming destructions ang naiwan nito sa buong siyudad ng Seandal. Ang main force ng Darkolds ay nasa loob ng academy kasama namin noon pero may mga sundalo din pala galing sa labas. They set houses afire and kill those who do not yield. But the people of Seandal fought against them.

It felt so good to see them again this lively and light. Kung titingnan ay parang napakatagal na ng nangyaring paglalaban dahil sa ipinapakitang sigla ng mga tao, at sa improvement na makikita sa bawat establisyementong nakatayo sa buong siyudad.

"It took me three years to absorb all this. Authority, power and most especially the responsibility." Pagpapatuloy ni Ate sa sinasabi niya habang nakatingin sa harap gamit ang napaka asul niyang mga mata. It's nice to see her warm smiles again.

"Mabuti ka, madali ka namang nakakaadapt sa mga ganitong bagay." Komento ko sa sinabi niya. "And if you expect me to absorb these in less than three years, then you better ready yourself for my failure." Tumawa lang siya sa sinabi ko.

Nagputuloy kami sa paglalakad hanggang sa makapasok kami sa loob ng academy. Marami na namang mga estudyanteng nakatingin sa amin at bumabati. Afternoon dismissal na kasi kaya marami nang nasa labas. Si Ate Gab lang ang nagsasalita habang ako ay ngumingiti lang.

Umabot kami sa school grounds. Looking at this place feels bitter sweet. This place was where the battle took place. Where people of Seandal and Darkholds alike died in the battle. Some survived and some died bravely.

21st Century GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon