Go for the Booth

91 6 0
                                    

Skye's POV

"Why don't we do a cafe theme?" -Nadyne

"Marriage booth na lang." -Angelica

Yan ang subject ng usapan sa classroom ngayon.

Malapit na kasi ang foundation week at tradition na ang yearly competition ng booths ng bawat class every year level.

At dahil nasa last year na kami ng highschool at kami ang section B. Meaning ay "BEST" section, syempre di kami magpapatalo jan.

So ngayon andito kami sa classroom para magkaroon ng meeting kung anong booth ang gusto naming gawin.

At dahil si Gab ang president namin siya ang dapat naglilead sa buong klase.

Pero as usual, late nanaman siya. At dahil dun umiingay na ang classroom dahil sa excitement at boredom.

Bilang VP its my responsibilty to lead the class in the absence of the President.

Kaya pumunta na ako sa harap ng classroom.

"Ok class settle down." I said in a serious tone.

Nagsiayos naman sila ng upo at tumahimik kunti.

"We will start the meeting shortly. Let's just wait for Gab a little bit longer, think of the booth you want to suggest and we will discuas whats the best theme."

Naguusap na sila ng tahimik ng biglang umingay ulit.

At ang ingay na yun ay galing.

Kanino pa ba? Eh di sa magaling naming president.

"Good morning guys. Hehehe. Ang aaga niyo naman dumating." Sabi ni Gab habang hingal sa pagtakbo.

"Gab, ikaw kaya nag gm na 8:00 ang kitaan." -Noel

"Oo nga." -Tricia

"Hahaha. Pasensya naman, di ko naman akalain na seseryosohin niyo yung oras na sinabi ko. Pag nagtx ako ng ganun, dapat alam niyo na 1 hour late ako."

"Daya naman." -Lindley

"Oks lang yan. Dito naman na ako eh. Tapos atleast nakapagdalalan na kayo kung anong booth ang gusto niyo. Di ba?" -Gab

I just stared at her while she talks with the class cheerfully.

Kanina lang bagot na yung iba at naiinis na sa pagaantay.

Pero pagdating niya, parang biglang nawala ang boredom.

Yun siguro ang nagagawa ng presence niya. She can make everyone smile and like her in a second.

"Tapos kahit wala naman ako. Andito naman ang pinagkakatiwalaan kong VP eh. Di ba Skye?" Sabi niya pagkalapit niya sa akin.

I just look at her dumbfounded.

She is acting normal, na parang walang nangyari sa SC room.

Di ba yun naman ang gusto mo Skye, kalimutan ang mga nangyari.

"Tsk. Just start the meeting." I said trying to act normal.

"Yes sir, ito na nga po sisimulan na." She said saluting to me as she joke around.

"Allright guys, any suggestions para sa booth?" Tanong ni Gab sa buong klase.

"Cake booth, tapos tayo mismo magbake ng mga cakes." -Anna

"Nakakapagod naman yun, at mukhang di mag eenjoy lahat. Paano naman ang mga di alam magbake, eh di walang gagawin. Unfair yun, tayo lang ang pagod." She said straightforwardly.

"Jail booth na lang, tapos manghuli tayo ng kung sino sino at pagbayarin natin sila para makalaya sila." -Ernie

"Nice idea Ernie, pero lahat ayo manghuhuli ng tao. Eh di parang nahati naman yung klase sa grupo. Dapat yung booth natin maenjoy nating lahat ng sama sama tayo. The more the merrier ang motto natin for this event."

Kahit parang di seryoso yang si Gab, di mo pa rin mapapantayan yung dedication niya. Lalo na pag may goal siya. At yun nga ang gawin itong pinaka masayang taon namin sa highschool.

"Kissing booth na lang, tapos andun si Shin at Skye, para naman matupad ang dreams ng mga girls bago makagraduate." -Rusette

"Oo yun na lang." Sabi ng mga kaklase naming babae in chorus.

"Tapos lagyan na din natin ng marriage booth. Para diretsong kasal na ang peg." Gab said while considering it.

"Seryoso ka, pinagiisipan mo talagang tangapin yun?" I said reasoning out my opinion.

She smirks at me.

"Tingin mo Shin? Go for the booth na ba tayo?" Tanong ni Gab.

"Hahaha, wag niyo akong isali sa asaran niyo ni Skye. Maawa ka naman jan sa kakambal ko Gab. Namumula na sa hiya at pagpipigil ng inis oh." -Shin

"Sige na nga, baka atakihin pa sa puso to sa pagpipigil eh." Gab said jokingly.

The class laughs with her.

Ako naman nanlilisik na ang mga mata sa kanya.

"Balik na tayo sa topic. Para naman magkaroon ng new ideas, Aria tingin mo ano magandang booth." -Gab

"Huh? Bakit ako? Transferee lang ako. Kaya di ko alam." -Aria

"That's why. Kasi bago ka. Kailangan namin ng mga bagong ideas. Sige na, kahit isa lang." -Gab

"Ahh, ehh bakit di na lang haunted house?" -Aria

The class were silent for a moment at tumingin lahat sa kanya.

"Oh my God!" -Gab

"Bakit may nasabi ba akong mali. Wag na lang yung akin, isip na lang ng iba. Madami kasing gagastusin para sa costume." -Aria

"No, no, no. I mean your a genius. Grabe yan na ata ang pinaka magandang narinig ko. Guys, what do you think of a haunted house?" -Gab

"Go."

"Yes."

"Perfect."

Yan ang sabi ng klase at nagsisalita na silang lahat. Excited masyado.

"Pero paano ang costumes at pagaayos ng haunted house?" -Aria

"Don't worry. Mag aasign na lang ako ng leader sa mga kailangan gawin. Walang aangal sa mga sasabihin kong pangalan." -Gab

"Ok." The class shouts.

"Production and sound effects: Allexi & Keith

Materials and design manager: Xang & Iris

Costumes: Skye

Haunted house building: Shin

Overall: Me ^_^" Gab said feeling good about herself.

Wala namang umangal. Sabi niya kumuha daw ng mga members para tumulomg sayo.

Ako ang na-assign sa costumes. Di ko na kailangan ng tulong, dahil hihiram na lang ako kay mommy ng para dun.

Pero biglang sabi ni Gab.

"Sige tulong ka na lang kay Skye sa costumes." Gab said to Aria.

Seryoso siya?

Aangal pa sana ako ng biglang tinignan ako ni Gab na parang sinasabi. 'No buts.'

Ano pa nga ba? Eh di tulungan niya na lang ako magbitbit ng costumes.

♥ author's notes

▶ next chapter niyo na po malalaman kung sino yung nagbukas ng pinto sa gym. Wag masyadong excited, pinagiisipan ko pa nga kung sino eh. Hahaha.

Hot&Cold PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon