Reflection

141 8 0
                                    

Aria's POV

Kami ni Skye ang na assign para sa costumes.

And as usual, ito nanaman po ang nagdadalagang binata.

Saturday ngayon at nagdecide siyang ngayon namin kukunin ang mga costumes sa boutique ng mama niya.

Oo siya lang ng nagdecide nun. Kahapon bigla niya na lang sabing.

'Tomorrow lets meet sa school gate 9:00 sharp.'

Yan ang utos niya, di man lang ako tinanong kung available ako ngayon. Bigla bigla na lang may lakad na kami.

Minsan talaga nagtataka ako kung paano naging magkapatid si Skye at Shin.

Si Shin kasi nasobrahan sa pagiging gentleman samantalang si Skye naman parang wala sa vocabulary niya yun.

Paano ko nasabi?

Kanina kasi habang nasa byahe kami, lrt na lang ang sinakyan namin para walang traffic.

Pagpasok namin ng train, may isang bakanteng upuan at alam niyo ba ang ginawa niya?!

Inunahan ba naman akong umupo sa upuan na yun. Grabe di ba? As in ako yung nakatayo sa harap niya. Napaka gentleman lang talaga ng lalaking to.

Ang hirap kaya magbalance, kaya kada galaw ng train muntik muntikan na akong napapasubsob.

He just stares at me and smirks while he shakes his head.

Nakatitig lang ako sa kanya at pinapatay siya ng tingin.

Pagbaba namin ng lrt, naglakad pa kami hangang marating namin ang isang building.

Pagpasok namin napa nganga na lang ako. Wow ang ganda.

"Close your mouth. Baka mapasukan ng bangaw." He tease as he walk ahead of me.

I wrinkled my forehead. Pasalamat ka talaga at nasa pampubliko tayong lugar, kundi kanina pa kita nasakal.

Sumakay na kami ng elevator para makapunta sa top floor.

Di ko mapigilan na tumingin kay Skye, magkamukha nga talaga sila ni Shin.

Malamang identical twins nga eh.

Magkamukha sila, pero parang yung aura ni Skye mas serious. Samantalang yung kay Shin lively.

"Stop staring." He said out of the blue.

Napaiwas naman ako bigla ng tingin. Nakakahiya, nahuli niya ako.

"I'm not staring."

Alangan namang umamin ako, eh di parang ewan lang yun.

He just smirks.

Damn I hate when he does that.

Pag ginagawa niya kasi yun, feeling ko lagi siyang panalo at nilalait niya ako.

"Whatever you say." -Skye

"Totoo naman eh, baka ikaw yung nakatitig sa akin."

"Me? Impossible."

Grabe tong lalaking to maka impossible naman siya. Kahit di naman ako masyadong maganda, pleasing to the eyes naman.

"Pwes, paano mo naman malalaman na nakatitig ako sayo kung di mo ako tinitignan?" Banat ko sakanya, ano ka ngayon boy.

He simply says, "Reflection."

Napanganga na lang ako sa kanya, sh*t. Tsaka ko lang napansin na puro salamin pala tong elevator, kaya kita mo reflection mo.

Hot&Cold PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon