Ball Magic

102 6 0
                                    

Shin's POV

Nasa classroom kami ngayon at naguusap kung anong booth ang gagawin namin para sa foundation week.

Wala ako masyado sa wisyo dahil sa nanyari sa gym. Mga ilang araw na din ang nakakalipas, bumalik na ang lahat sa dati.

Wala naman talagang nag iba masyado. Pero ngayong mga panahong to, nahuhuli ko na lang ang sarili ko na natutulala sa kanya.

Kanino pa ba eh di kay Aria. Si coach kasi ang may kasalanan nito.

Naguguluhan na ba kayo? Sige mag flashback na tayo.

☆ Flashback

Ito yung nangyari ilang gabi na ang nakakalipas.

Then I heard a thump in my heart at saktong hahawakan ko na ang kamay niya ng biglang may nagbukas ng pinto ng gym.

"Oh andito pa pala kayo Shin at Aria?" -coach

Napalayo tuloy ako agad kay Aria.

Parang bata lang na nahuli na kumukuha na candy.

Caught in the act kayo.

Pero di naman kami mahuhuli. Dahil wala kaming ginagawa na kung ano man.

"Opo coach, nagaayos lang po kami ng gamit. Paalis na din po kami." Aria said casually.

Buti pa siya chill na chill samantalang ako pinagpapawisan na, di pa nakakatulong yung titig ni coach na parang may ibang pinahihiwatig.

"Ahh ganun ba, sige tama yan. At umuwi na kayong mga bata kayo, gumagabi na din." Coach said habang nakangisi.

Nanahimik na lang ako, hay siguradong malalaman to ng buong team. At tumpulan nanaman ako ng tukso sa locker room.

Nagayos na kami ng gamit ni Aria at inayos na namin yung mga bola at pinatay na ang ilaw sa gym.

"Sige po coach, alis na po kami." -Aria

"Shin ihatid mo na tong si Aria sa bahay nila, gabi na din at baka may mangyari sa inyo." Coach said giving a double meaning in every word he says.

Umalis na din kami, at naglakad papunta ng bahay nila.

Nakay Skye kasi yung susi ng kotse, kaya ito kami ngayon at naglalakad.

Tahimik lang kami, sh*t Shin magsalita ka. Parang ang torpe mo naman ngayon.

"Si papa mo pala nagturo sayo kung paano magshoot?"

"Ah oo, tinuruan niya ako nung bata pa ako. Gusto niya kasi dati ng lalaking anak, eh unfortunately only child ako, kaya ako na lang tinuruan niya." Aria said looking down.

"Parang ang cool naman niyang tatay."

She smiles a bit and said

"Eh ikaw? Bakit basketball?"

"Dahil siguro kay Dad."

"Daddy mo? Paano?"

"He is my role model, sobrang astig kasi niya. Dati siyang captain ng basketball team at siya din ang student council president nung highschool days pa niya."

"Cool din naman pala ng dad mo eh. So dahil dun, kaya ka natutong mag basketball?" -Aria

"Parang yun na nga, ganito kasi yun nung bata kasi ako, nakita ko yung picture nila mom at dad. Nakasuot siya ng jersey na pang basketball. Tapos nakwento sa akin ni mama, na dahil sa basketball nagkakilala sila ni dad. Dun nagsimula ang pagkahilig ko sa basketball."

"I see, kaya pala gusto mo magbasketball. Its because of true love?" -Aria

"Parang ganun na nga, alam ko corny pero ang tawag dun ng mga magulang ko ay ball magic."

"Ball magic?" She ask curiously.

"Oo, si mama kasi ang nagturo kay dad kung paano magbasketball."

"What? Talaga?"

"Yep, its their lovestory. Nakakatuwa nga kasi si mama lang ang nakatalo kay dad sa basketball. Sabi pa nga niya, he can never win against her."

"Wow! She is really incredible" She said na parang amaze na amazed sa mom ko.

Proud son naman ako. Mama ko ata yun.

"Kaya hangang paglaki ko, I wish for a lovestory na tulad ng sa mga magulang ko, kahit na corny sa ibang tao. I believe in ball magic."

"Di naman yun corny eh. Its actually sweet, all people have their own unique lovestory." She smiles at me genuinely.

I smile back at her.

Di namin napansin na, nakarating na pala kami sa bahay niya.

"Oh sige Shin pasok na ako. Ingat sa pag uwi huh. At thank you na din sa paghatid." She says as she opens the gate and walks in her house while waving bye at me.

"Bye."

I stayed there for a few minutes, letting me drift to this unknown feeling.

Sh*t as i whisper to myself.

I think I like her.

★ End of Flashback

Mabalik tayo sa classroom habang ako ay nakatulala, dumating na pala si Gab at nagsisimula na.

Napansin ko na lang nagkakagulo sila sa harapan, at si Skye namumula na sa inis.

Tapos biglang sumigaw si Gab sa akin.

"Tingin mo Shin? Go for the booth na ba tayo?" Tanong ni Gab.

"Hahaha, wag niyo akong isali sa asaran niyo ni Skye. Maawa ka naman jan sa kakambal ko Gab. Namumula na sa hiya at pagpipigil ng galit oh." I said.

Tapos nahagip ng mata ko si Aria.

She looks the same as usual, nakikinig lang siya at nakatingin kila Gab at Skye na nagbabangayan.

She looks the same, pero kung makatitig ka wagas naman.

Damn I admit it, she really looks beautiful.

Ngayon alam niyo na kung bakit wala ako sa wisyo.

Dahil lang naman sa babaeng nagpapatibok ng puso ko.

Si Aria.

♥ author's note

▶ ayan na po. Nagsimula na ang pag amin ni Shin sa sarili niya.

▶ dun naman sa story ng mga magulang nila Shin. Ang cute lang noh. Haha.

Hot&Cold PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon