Run after her

47 5 1
                                    

Shin's POV

On going pa rin ang school festivities, grabe ang saya pala manakot ng tao. Worth it lahat ng pinaghirapan namin kasi hindi nauubusan ng pila yung horror booth namin.

"Shin pwede ka na muna mag break kami naman papalit sa shift mo." Sabi sakin ni Greg.

"Oy, salamat dude. Tamang tama nagugutom na din ako." I said while I take my costume off.

Buti na lang si dacula yung akin. Madaling tangalin yung pangil di tulad nung sa mummy, ang daming nakapulupot na tissue.

Lumibot muna ako sa school, ang dami pa ring tao at lahat naman sila masaya. Job well done kay Skye kasi isa nanaman tong successful event.

Nung napadaan ako sa garden may narinig akong batang umiiyak na magisa.

Baka nawawala siya, pupuntahan ko na dapat siya. Ng bigla akong naunahan ng isang white lady.

As in isang white lady ang lumapit sa kanya. Mas lalo tuloy natakot yung bata at umiyak.

Pero nagulat ako ng biglang bigyan nung white lady ng isang cotton candy yung bata.

Yung bata naman biglang tumahan sa pag iyak at inabot yung pagkain.

Then I saw the white lady smiles at nagpakilala sa bata.

"Hi, ako nga pala si ate Aria. Ano pangalan mo??"

Yup si Aria nga yung white lady, naka costume pa kasi siya with full make up kaya ayun natatakot yung bata sa kanya.

Hindi nagsalita yung bata tapos tumakbo ulit sa likod ng swing para magtago.

"Uy, wag ka matakot di naman ko masamang tao eh." -Aria

I chuckled a bit upon seeing her pout like a child.

So I decided to help her out.

"Di ka nga masamang tao, nakakatakot ka naman. Ms. White Lady." I said as I walk towards them.

"Anong ginagawa mo dito?" -Aria

"I just passed by and saw you two." I kneel down so I'm in the same height with the kid. "Hello princess, I'm kuya Shin. Nice meeting you, what's your name??" Sabi ko dun sa bata.

She blinks and looks at me and says "Rylai"

"Wow, napagsalita mo siya. Kanina ko pa sinusubukan na kausapin siya. Kaya lang lagi siyang umiiyak kada nilalapitan ko."

I chuckled at that, is she really serious about that?

"Oh bakit ka tumatawa meron bang dumi sa mukha ko?" -Aria

Then Rylai laughs with me.

"Hahaha, walang dumi sa mukha mo. Ang problema yung buong mukha mo. Mukha kang white lady tapos may dugo dugo pa. Kahit sinong bata matatakot sayo."

She looks surprise and suddenly takes out a mirror from her purse.

Pagtingin niya sa salamin, bigla siyang napasigaw.

"Ahhh. Hala mukha nga talaga akong mumu. Di ko pala naalis." She said as she tries to wipe it off her face.

"Uyy, dahan dahan lang. Mamumula yang mukha mo pag ganyan yung pagalis mo." I said grabbing her hand softly to stop her from rubbing her face more.

She looked at our hands connected.

Ayun na sana yung moment na magkakatitigan kayo tapos bigla kayong makakaramdam ng thump sa puso niyo.

Yun ang nangyayari sa mga fairytales, at dahil totoong buhay to.

Ganito talaga ang nangyari.

Tinitigan niya yung kamay naming magkahawak tapos biglang pinaghiwalay ni Rylai yung kamay namin and said "No kuya! Don't touch the mumu."

Hot&Cold PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon