Chapter 1: Rudward Academy

5.8K 80 5
                                    

Jinx Caronel.

"Get out of there, Jinx." dinig kong sabi ni Nico sa kabilang linya.

"Five more minutes," sagot ko pero umangal lang ito at inulit ang sinabi niya kanina.

"Get out of that f*cking place now!" gigil na sigaw niya. Napangisi ako dahil doon.

Imbes na pakinggan ang sinabi nito ay inis kong tinanggal ang earpiece na suot ko at hinulog ito sa isang baso ng alak na nasa bed side table. Istorbo!

"Parating na ang mga tauhan ko. Hindi ka na makakalabas dito!" mahina akong natawa sa tinuran ng lalaking kaharap ko. Nakaupo na lang ito sa sahig at halos hindi na makatayo dahil sa tindi ng pinsalang nakuha niya mula sa akin.

"No, jerk. Ikaw ang wala ng kawala ngayon," malamig ang boses na wika ko.

Nakita ko ang agarang pagrehistro ng takot sa mga mata niya at ang panginginig niya. Bahagya akong natigilan dahil doon pero inalis ko sa isipan ang nakita at itinututok na sa kaniya ng hawak kong baril.

Isang kalabit na lang, Jinx at matatapos na ang gabing ito.

"N-No. Please d-don't—"

BANG!

Pikit matang ipinutok ko ang baril. Hindi ko na hinayaang makapagsalita pa ito dahil baka sa oras na marinig ko ang pagmamakaawa nito ay baka magbago pa ang isip ko.

Naririnig ko na ang mga yabag na papalapit sa kwarto kung nasaan ako. Nalaman na nilang nandito ako kaya siguro pinapaalis na ako ni Nico kanina.

Palakas na nang palakas ang mga yabag kaya naman nagmadali na akong lumabas sa silid na iyon mula ang veranda. Hindi na ako nagtangka pang lumingon dahil baka hindi ko rin kayanin ang makikita ko.

Walang pang dalawang minuto ay nakababa na ako mula sa ikatlong palapag ng bahay at nagmamadaling umalis doon. Pagkalabas ko ay sinalubong agad ako ni Nico na alalang nakatingin sa akin. Tinignan ko lang ito at hindi na ipinahalata ang kung anong pait na nararamdaman ko. Dumiretso na lang ako sa van kung saan nandoon ang mga ginamit ng iba pang tauhan namin na connected sa hacking ng security system ng mansyon.

Naramdaman ko ang pagsunod sa akin ni Nico pero hindi na nito tinangka pang magsalita. Marahil ay napansin nitong wala ako sa mood kaya pinili na lang nitong manahimik.

Isa si Nico sa mga reapers na may mataas na posisyon sa mafia kaya ito rin ang madalas kong kasama sa mga misyon ko. Nico is the head chief of intel department of Caronel Mafia at kilala siya when it comes to hacking sa buong Underground Society.

"Let's go," wika ko. Agad namang pinaandar ng driver ang van at wala pang isang oras ay nakarating na kami sa Caronel Mansion.

Sinalubong kami ng mga armadong lalaki. Sa gate pa lang ay kitang kita na ang sandamakmak na tauhan na ng Caronel ang nakaposte sa bawat sulok ng mansion. Kada nadadaanan ko ay yumuyukod tanda ng paggalang sa akin pero hindi ko iyon pinansin at nagdire-diretso lang papasok.

Hindi ko alam pero sa kung anong dahilan ay hindi ko nakasanayang batiin sila pabalik. Pakiramdam ko kasi ay hindi naman kailangan.

"Good job, my princess!" bungad na bati sa akin ni daddy nang maabutan ko siyang nakaupo sa sala kasama ang ilan sa mga pinagkakatiwalaan niyang reapers. Ngiting ngiti ito habang pinapanood ang flash report tungkol sa pagkamatay ng isa sa sikat na business man sa bansa.

Nandoon din Charles, taimtim na nakatingin sa akin. Ganyan siya, sila ni Nico, sa tuwing uuwi ako galing sa isang misyon.

Just like Nico, isa ring malakas na reaper si Charles at pinagkakatiwalaan ni Victor. Si Charles ang head ng Caronel Reapers. Hindi nagkakalayo ang skills namin sa pakikipaglaban kaya hindi na kataka-taka kung siya na ang kasalukuyang leader ng mga tauhan namin.

The Mafia's Lost Soul [Completed✓]Where stories live. Discover now