Chapter 8: Be Safe

1.4K 32 0
                                    

Jinx Caronel.

Kinagabihan ay naghanda na ako para sa gagawin kong pagtakas. Mahigpit ang seguridad dito sa Rudward kaya sa tingin ko ay kakailanganin kong gamitin ang escaping skills ko para lang payapang makaalis dito.

Victor wants to see me at alam kong may mabigat siyang rason para doon. I wonder what it is.

Nang pumatak ang ika-sampu ng gabi ay inumpisahan ko na ang plano ko. I hacked the security system of Rudward at pansamantalang dinisable ang mga cameras para hindi ako mahuli sa pagtakas. Mayroon lang akong 5 minutes para makalabas ng walang sino man ang nakakakita kaya safirie exit ko napling dumaan at imbes na gumamit ng hagdan o elevator ay ginamit ko ang pipe na nakafix sa gilid ng girl's dormitories at doon nagslide pababa. Kung bakit may pipe doon? Hindi ko rin alam.

Nang lumapag na ako sa lupa ay luminga-linga muna ako sa paligid bago tumakbo sa madilim na part ng eskwelahan kung saan hindi hagip ng ilaw at mabilis na tinakbo mula doon ang back gate ng school na hindi na ginagamit dahil napuno na ng matatayog na puno ang likod nito.

Mataas ang pader at gate na nandito sa likurang bahagi ng Rudward at halatang mahirap akyatin pero dahil sanay na ako sa mga akyatan ay naging madali lang para sa akin ito. Kung may makakakita man sa akin dito ay tiyak na iisiping hindi ako normal na estudyante lang dahil sino ba namang simpleng freshman student, na babae, ang kayang akyatin ang dobleng taas ng isang tipikal na school gate?

Mabuti na lang talaga at walang nakakita sa...a-kin?

"Where are you going?"

Napahinto ako sa may bandang gitna ng gate at pinigil ang sarili kong lumingon. Mukhang mali ang akala kong payapa akong makakaalis sa lugar na ito. Tsk.

Sinubukan kong tumuloy sa pag-akyat pero napamura ako nang bumato sa likod ng ulo ko. Hindi ganoong kalakas ang pagtama nito sa akin at halatang maliit lang ang bato.

"Damn!"

"Miss saan ka ba pupunta? You see, students aren't allowed to go here."

Imbes na pansinin ang lalaking kanina pa umeepal sa tangkang pag-alis ko ay iginalaw ko ang kaliwang kamay ko at ikinapit sa kung ano mang bagay na maaari kong hawakan para makaakyat ako. Pero lubos kong pinagsisihan ang bagay na iyon nang maramdaman ko ang hapdi sa kamay ko at sumunod dito ang pagdaloy ng dugo pababa sa braso ko.

Dahil sa pagkabigla sa nangyari ay hindi ko na napigilan ang sarili kong mahulog dala ng pagkakabitaw sa kinakapitan ko.

Sabay kaming napamura ng lalaki dahil doon. Mariing ipinikit ko na lang ang mata ko at hinintay ang pagbagsak ko sa lupa pero imbes na matigas at bato-batong lapag ang pagbagsakan ko ay dalawang matitipunong braso ang sumalo at umalalay sa akin.

"Ang gaan mo naman, kumakain ka pa ba?"

Rinig kong bulong nito. Sobrang lapit nito sa akin kaya nakilala ko ang pamilyar na amoy nito gayunadin ang boses nito na hindi ko nakilala kanina.

Sa halos tatong linggo ko dito sa Rudward ay kilalang kilala ko na ang amoy nito dahil sa madalas na pagsasalubong namin sa hallway.

"Jinx." aniya.

Doon lang ako natauhan at nagkusa ng bumaba mula sa pagkakabuhat niya.

"Duke."

Nakatingin lang ito sa akin at mukhang naghihintay ng paliwanag ko.

"I have to go." maikling sabi ko pero mabilis ako nitong hinarangan at nagtanong ulit.

"What are you doing? Alam mo naman sigurong bawal lumabas 'di ba?"

The Mafia's Lost Soul [Completed✓]Where stories live. Discover now