Chapter 39: Helen Ferrera

732 13 0
                                    

Jinx Caronel.

"Okay ka na ba talaga?"

Tinignan ko ang kakapasok lang na si kuya Daen. Nandito kami sa bahay niya dahil dito ako naisipang dalhin nila Charles matapos ang insidente sa Rudward ilang araw na ang nakararaan.

Napabuntong hininga ako nang maalala ko nanaman ang mga sinabi nila, especially Duke. Hanggang ngayon ay binabagabag pa rin ako ng mga sinabi niya. Narinig ko kina Charles at Nico ang dahilan kung bakit ganoon na lang ang galit sa akin ng mga estudyante sa Rudward. Pati na rin sina Duke at Neo.

Kalahati sa akin ang masaya dahil okay naman na daw si Jia pero kalahati ang hindi. Pilitin ko mang isawalang bahala ay hindi pa rin maalis sa isip ko ginawang pagdukot sa kaniya ni Victor. Hanggang ngayon kasi ay wala pa rin akong ideya kung bakit ganoon na lang ang interes niya sa magpinsan.

"Yeah."

Nakabenda na ang likod ko kahit pa madalas pa rin itong magdugo. Sabi ng doctor ay mas okay sana kung hindi muna ito babalutan pero nagpumilit ako. Ayokong palagi lang nakadapa sa kama at pinagsisilbihan. Tutal ay nakakagalaw naman na ako.

"Here. Pinakuha ko 'yan sa dorm mo. Baka kasi kailanganin mo."

Inaboy niya sa'kin ang laptop ko at mga folders na nakapatong sa ibabaw nito.

"Thanks."

Binuksan ko agad ang laptop ko at chineck.

"No prob. Anyway, ano na palang plano mo?"

Napakunot ang noo ko pero hindi ko siya binalingan.

"Plano saan?"

"Come on little sis. Hindi ako bingi para hindi marinig ang mga sinabi sa'yo ng dalawang butlers mo."

Tungkol pala sa Rudward.

Nagkibit balikat lang ako. Wala akong planong kahit ano.

Narinig ko ang paghinga nito ng malalim. Maya-maya pa ay tumayo na siya at nagpaalam na aalis na.

Nang makalabas ito ng kwarto ay saka lang ako tumunghay. Pinatay ko na ang laptop ko at chineck ang mga folder na kasama nito.

Puro profiles lang iyon ng ilan sa mga tauhan namin, mga targets, business partners ng Caronel Mafia, at kung ano-ano pa. Itatabi ko na sana ang mga iyon nang may makita akong papel na nakahiwalay sa mga ito.

"Clan of Tragedies." pagbigkas ko sa nakaimprenta sa papel.

Ngayon ko lang naalala ang tungkol dito. Ilang linggo na rin ang nakalipas magmula ng mahanap ni Nico ang informations tungkol dito.

Chineck ko kung may iba pang kasama ang papel na iyon at saka sinimulang basahin.

"Silvero Mafia also known as the Clan of Tragedies was founded four generations ago--the same year when the Underground Society has been established. The bloodline of Silveros originated in Europe. According to an interview, the Silvero's unstoppable expansion started during the time of Lord Ciarus Silvero III, the son of the mafia founder, Lord Ciarus Silvero II. Their organizaton was known for holding the title of having the largest company that produces upgraded heroin. They became the top supplier of heroin in Black Markets not only in Europe but also in the other countries in Asia. As the third Ciarus Silvero died, his first son, Lord Frigo Silvero, inherited the whole mafia. That is when they introduced their new product, the most advance and high-tech weaponries underground. The said products became the most purchased goods in the Black Market. That time became the apex of their career and as the time goes by, the whole organization became larger and lager. They had shares with a lot of companies worldwide and they established another independent businesses in the Asia. Survey says that the Silvero's wealth is boundless. No one knows what kind of wealth they have but everyone believes that they deserve to be the top ranking mafia clan in their generation. When the third generation comes into the scene--"

The Mafia's Lost Soul [Completed✓]Where stories live. Discover now