Chapter 18: Cursed Lullaby

913 17 0
                                    

Jia Hughen.

Nakatingin lang ako sa babaeng mag-isang umubos sa halos kalahati ng bilang ng mga kalaban. Walang emosyon ang mukha nito na tila ba wala sa sarili. Patuloy lang ito sa pagwasiwas ng hawak na katana at hindi tinatantanan ang kalaban hangga't nakikita niya pa itong humihinga.

I never pictured Jinx as one hell of a scary woman just like chuckie or any other villains.

Ang nag-iisang babaeng kinulit ko para maging kaibigan ko.

Bestfriend.

Magkakasunod na mura ang narinig ko mula sa mga kasama ko nang makita nila ang pagtalsik ng ulo ng isang lalaki. Parang wala lang kay Jinx ang nangyari at nagpatuloy sa ginagawa.

Kinikilabutan ako pero wala akong pakielam. Siya pa rin si Jinx and that'll never change.

"Charles, pipigilan natin siya." Nico.

Napalingon ako sa mga kasama ko. Lahat sila ay pinapanood ang nangyayari hindi kalayuan sa amin.

"Nababaliw ka na ba? Nico suicide ang gusto mong mangyari!" naghe-hysterical na sabi ni Charles.

Umiling naman ang una ngunit nanatiling nakatingin sa pwesto ni Jinx.

"Mamamatay talaga tayo kung hindi pa natin siya pipigilan. Now, listen to me. Kami ni Charles ang pipigil kay Jinx, at kayo Duke and Neo, i-shutdown niyo ang lahat ng speakers--" pinutol ni Duke ang sinasabi ni Nico.

"Tutulong akong pigilan si Jinx and that's final."

Napailing na lang si Nico at hindi na kumontra pa.

"Fine. Jia and the twins, kayo na ang magkakasama. Better if hindi na ulit magagamit ang speakers para mapatugtog ang letcheng cursed lullaby na iyon."

Sa dami ng sinabi ni Nico ay isa lang ang tumatak sa isip ko. Ang cursed lullaby.

"Cursed lullaby?" takang tanong ni Nia. Kung ganoon ay hindi lang pala ako ang nacurious tungkol doon.

"I'll explain it later. For now--shit!--ayoko pang mamatay!"

Kumilos na kami ayon sa plano. Tinungo namin ang broadcasting building kung nasaan nandoon ang operating system para sa mga  speakers.

Hindi naman naging mahirap ang pagkilos namin dahil halos wala ng tao sa paligid. Natuon kasi ang atensyon ng mga kalaban kay Jinx.

"Ang terminator. Nandito siya hindi ba?"

"Dalhin mo ako sa terminator!"

"Hindi ka masasaktan kung ilalabas niyo ang babaeng nagngangalang Jinx Caronel."

"Nasaan ang demonyong iyon?! Ilabas niyo siya!"

Paulit-ulit na nagplay sa utak ko ang mga sinabi ng mga nakalaban ko kanina. Lahat sila ay hinahanap si Jinx. Hindi ko maintindihan kung bakit ngunit para bang galit na galit ang mga ito at handang ibuwis ang buhay nila, mapatay lang ang kaibigan ko.

Pagkarating sa broadcasting room ay ginawa na kaagad ni Nia ang pakay namin. Hinayaan na namin siya dahil siya ang pinaka expert pagdating sa ano mang may kinalaman sa computers. Mabilis na gumalaw ang mga daliri nito at nagtipa ng mga numero at letra na hindi ko na inabalang tignan dahil hindi ko naman maiintindihan. Maya-maya pa ay nakarinig kami ulit ng mga pagsabog. Agad akong napatingin kay Nia nang sumigaw ito.

"Take that motherfvckers!"

Napahalakhak ako ng marealize ang ginawa ng bitch na 'to.

"Niana Eskivel!"

The Mafia's Lost Soul [Completed✓]Where stories live. Discover now