Chapter 17: Invaders of Hell

963 22 0
                                    

Third Person's.

Sunod-sunod na pagsabog ang gumulantang sa buong Rudward Academy sa kalagitnaan ng gabi. Bahagyang nayanig ang lupa dahil sa lakas ng impact ng pagsabog dahilan para magpanic ang mga estudyante.

Mabilis na nagsilabasan ang mga ito sa kani-kaniyang kwarto, hindi alintana kung nakapantulog pa ang mga ito. Mabuti na lamang at handa ang ilang school staffs upang lipunin ang mga estudyante at dalhin sa ligtas na lugar, sa labas ng Rudward.

Agad na kumilos ang mga tauhan ni Giovani Hivo, ang asawa ng dean, upang tignan ang nangyayari. Ngunit hindi pa man sila nakararating sa pinangyarihan ng pagsabog ay sinugod na sila ng isang batalyon ng mga hindi kilalang tao. Pare-pareho ang kasuotan ng mga ito na nagsasabing nagmula sila sa iisang grupo.

Napuno ng hiyawan ang malawak na field dahil sa tatlong magkakasunod na putok ng baril mula sa kalaban. Iyon ang naging hudyat upang magsimulang dumanak ang dugo sa paligid.

"Underground." mariing wika ni Duke nang abutan niya ang nangyayaring labanan sa pagitan ng Hivo mafia reapers at ng mga kalaban.

May isang sumugod sa kaniya pero mabilis niyang naiwasan ang akma sanang paghampas nito. Muling iwinasiwas ng kalaban ang baseball bat pero nasalo ito ni Duke at mahigpit na hinawakan. Nainis ang kalaban kaya hinila nit ang bat pero dahil nga mahigpit ang hawak ng binata ay hindi ito nagtagumpay.

Hinila ni Duke ang bat kasama ang kalaban at ng magdikit sila ay inundayan niya ito ng sipa sa tagiliran bago diretsong sinuntok sa mukha. Kasabay ng pagbagsak ng kalaban ay ang pagkuha ni Duke sa bat at ginamit ito bilang pansangga sa panibagong umatake sa kaniya. Tulad ng ginawa sa una ay sinuntok niya rin sa mukha ito dahilan para makaramdam ng hilo ang kalaban. Sinamantala niya naman ito para hatawin ng metal na bat ang kalaban sa parteng tuhod na siyang nagpaluhod dito.

"Nasaan si Jinx Caronel?! Ilabas niyo siya!"

"Anong kailangan niyo sa kaniya?" takang tanong ng binata.

"Papatayin namin siya!"

Sandaling natigilan si Duke dahil sa sinabi ng kalaban niya ngunit agad ding nakabawi. Hindi niya alam kung bakit ngunit nagkaroon siya ng pagnanasang patayin ang kaharap matapos malaman ang balak nito. Bigla na lang kumilos ng kusa ang katawan niya at nanatiling na kay Jinx ang isipan. Kailangan niyang protektahan ito. At gagawin niya ang lahat, maging ligtas lang ang babaeng nakapukaw ng interes niya.

Puro hampas sa tagiliran, tuhod at leeg ang ginagawa ni Duke sa mga nakakalaban niya. Sinisigurong hindi na makakatayo pang muli ang mga ito para hindi na ulit makdagdag sa kakalabanin nila. Lalo pa't nakikita niya na hindi lang iilan ang sumugod ngayon sa Rudward.

Kumpara noong unang beses na sinugod ito ay doble ang dami ng mga ito ngayon. Itinaon pang hatinggabi ito sumugod kaya naman hindi handa ang mga tao.

"Duke!"

Napalingon ang binata nang tawagin siya ni Neo. Kasama nito ang kakambal, pati na rin sina Jia, Nico, at Charles.

Napakunot ang noo niya nang mapansing may kulang.

"Where's Jinx?" tanong nito pagkaraang makalapit ang mga kaibigan.

"Wala siya sa dorm." saad ni Jia.

"We'll go find her." ani Nico na tagaktak na rin ang pawis ngunit mapapansing wala pa ito ni isang galos.

Nagdadalawang isip man ay tumango si Duke sa mga ito. Gustuhin man niyang siya na ang humanap sa dalaga ay alam niyang mas kailangan siya dito. Bilang lang din naman kasi ang marunong makipaglaban sa mga estudyante ng Rudward.

The Mafia's Lost Soul [Completed✓]Where stories live. Discover now