ten

301 29 8
                                        



Mark’s debut song “Borrowed Time” received a lot of recognition a month before the release of his first album. They all thought the album would be his stepping stone to fame. Hindi nila na in-expect na sisikat ang unang kanta na ginawa niya dahil halos lahat naman ng singer ay sumikat lang noong nakatagal na sa industriya ng musika.


Ang dahilan ng pagsikat nito? Madami ang naka-relate sa sakit ng bawat salitang nakapaloob sa kanta. Kung saan man hinugot ni Mark ang emosyon sa pagkanta at pagsulat, walang ideya ang lahat. Ang tanging alam nila ay handang-handa na sila sa nilalaman ng unang album na ilalapag niya sa madla.


Kung noong mga unang buwan niya sa industriya ay napansin niya ang pailan-ilang nag-follow sa account niya, ngayon ay bulag na lang ang hindi makakakita sa daan-daang taong sumusunod sa kanya sa mga pampublikong lugar. Hindi na siya makalabas ng bahay o ng kompanya nila nang walang suot na mask, shades at cap.


Ang kasikatan na pinagdadasal niya lang noon, heto at nasa harapan na niya ngayon. Ang kinaiba lang, ‘yung taong kasabay niyang nangarap, wala na sa tabi niya.
Hindi niya pa rin nakakausap si Donghyuck. Hindi dahil sa bawal pa o hindi pumapayag ang pamilya niya. Ito ay dahil ayaw ni Donghyuck na makita ni Mark kung ano na ang lagay niya.


Nagkausap na at nagkaunawaan si Johnny at Mark. May mga araw na bumibisita si Mark sa bahay nina Johnny para panoorin ang nakatatanda na makipag-facetime sa kapatid nito. Wala silang ibang ginagawa kung hindi ang pag-usapan si Mark. Walang ibang itinatanong si Donghyuck sa kapatid niya bukod sa pangungumusta lahat kundi ang kung ano mang progreso sa career ng boyfriend. Madalas ding magkwento si Donghyuck na pinakikinggan niya araw-araw ang kanta ni Mark at pinapanood ito sa mga show na lumalabas siya kahit ilang segundo lang.


Kada tawag ay pigil-pigil ni Mark ang ingay ng mga hikbi niya habang nakikinig sa magkapatid. Ang makita niya mula sa screen ng cellphone ni Johnny ang boyfriend niyang patuloy nang nangayayat at nawawalan ng sigla. Na kahit na malapad ang ngiti nito at kumikinang ang mga mata habang sinasabing proud na proud siya sa mga nararating ni Mark ay bakas pa rin ang hirap niya sa pagsasalita at paghinga.


Gustong-gusto ni Mark maagaw ang cellphone ni Johnny pero alam niyang hindi siya kayang kausapin ni Donghyuck ngayon. Na kahit sobra na ang pagkasabik nila sa isa’t isa ay pipiliin pa rin ni Donghyuck hindi magparamdam ng ilang linggo ‘wag lang niyang makausap si Mark.


Sinabihan naman siya ni Johnny noong nakaraan. Na alam niyang alam ng kapatid niya na lagi niyang nasa tabi si Mark tuwing magkausap sila. Na ang hiling na lang ni Donghyuck ay hindi makita ang mukha ni Mark na malungkot at naaawa sa kanya.


Dumating ang araw na nagrelease na siya ng album at mabilis na dumami ang listeners at views ng title track niya. Umasa si Mark na tatawag si Donghyuck sa kapatid dahil dito kaya agad siyang nagpunta sa bahay ng mga ito.


Naabutan niya na lang si Johnny na umiiyak habang yakap-yakap siya ni Ten.


Hindi si Donghyuck ang kausap nito kundi ang kaniang ina.


Doon pa lang ay sunod-sunod na ang pagpatak ng luha ni Mark. Na kahit hindi pa niya alam ang nangyayari ay parang gumuguho na ang mundo niya.


“Sige na naman, Hyuckie. Gusto kang makita ni Kuya,” halos hindi na maintindihan ng Mark ang sinasabi ng nakatatanda dahil sa pag-iyak nito.


“Bunso, si Kuya naman ‘to. Mahal na mahal ka pa rin naman ni Kuya kahit anong itsura mo. ‘Wag mo namang pahirapan si Kuya.”


Lumakas ang pag-iyak ni Donghyuck sa kabilang linya. Sumisigaw na ito at sinasabihan ang ina na patayin na ang tawag. Ramdam ni Mark ang lungkot, ang galit at ang inis sa tono ng boses nito.


“Anak, makakasama pa sa kapatid mo kung pipilitin natin. Nabigla lang siguro pero baka sa susunod na tawag namin ay makipag-usap na siya. Mag-ingat na lang kayo diyan ha?”


Ibinigay ni Johnny ang cellphone kay Ten at patuloy na lang na umiyak.


“Ten, anak, ikaw na muna ang bahala kay Johnny at Mark. Tatawag na lang ulit ako.”


Ilang araw matapos ang tawag na ‘yon, nalaman na lang ni Mark kay Jeno na kaya hindi na pumapayag si Donghyuck na magpakita sa facetime nila ni Johnny ay dahil tuluyan na siyang pinakalbo ng kanilang ina. Hindi na rin daw kasi nila kinakaya ang pag-iyak nito sa tuwing nakikitang nanlalagas ang buhok. Hindi naman nila inakalang mas malulungkot pala ito kapag tuluyan nang nawala ang buhok niya.


“I always loved playing with his hair. It’s me who always encourage him to try different colors for his hair. Maybe I should’ve not made him love his hair too much.”


When Jaemin and Jeno hugged him tight, even though he doesn’t like receiving one before, he thought he needed it that moment.

KABILANG BUHAY | markhyuckTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon