eleven

287 26 3
                                    



Like the management expected after his debut song became a hit, his album gained sales that even older artists from their company didn’t make in just months.


Kasabay ng dami ng benta ng album niya ay ang pagdami rin ng mga taong nagtataka kung bakit ganoon na lang kasakit ang bawat kantang nilalaman ng album niya. It was indicated that he wrote all the songs that was on the album. Hindi nila maisip na sa edad ni Mark ay napakarami na ng hugot nito sa kanyang mga kanta.


Mark was not minding the huge fuss until someone started digging his past. People got to know that he had a band before. There are pictures and videos of their band circulated on the internet. And then some started stalking his bandmates’ social media accounts. That’s when people discovered about Donghyuck.


Pictures of Mark and Donghyuck from Johnny’s account, from Donghyuck’s own account and Mark’s old account started spreading. There were videos of them singing together with Mark playing guitar. There were pictures from their past anniversaries. There were pictures of when Mark first tried proposing to Donghyuck.


Everyone was in shock. They didn’t expect Mark to be in a stable relationship for years already. But digging those probably weren’t enough because they still digged informations until they found out about Donghyuck’s current condition.


That’s when Mark called them out for invading his personal life and intruding on his privacy. He was obviously mad and made all of his social accounts private. His families and friends did the same.


A lot of his fans looked for those people who digged his past and tried their best to report every account that talked recklessly about the issue. A day after that, they decided to reach out on Mark again  by telling him that they’re still by Mark’s side after knowing all of it.


Mark woke up to the news that his fans made a hashtag for him trending on first spot in the Philippines. There are videos of his fans singing Steven Chapman’s I Will Be Here. It gained too much attention that even people from outside the country symphatized with him.


“They’re all here for you, Mark. May mga taong naniniwala sa’yo, sa inyo. They don’t just tell you that they support you. They also tell you to be stronger,” Renjun said after watching one of the videos from Mark’s fans.


Mark can’t even cry anymore. Ubos na ubos na ata siya. Hindi na nga niya makasama si Donghyuck, ngayon naman ay kinakaawaan pa siya ng buong mundo. Na para bang isang pelikula ang buhay at relasyon nila ni Donghyuck. Mali man sa tingin ng iba, hindi nagugustuhan ni Mark ang lahat. Hindi niya gusto na parang ginagawa lang ng ibang tao na biro ang lahat ng pinagdadaanan niya.

Nasasakatan siya at nawawalan na ng pag-asa. Halos patayin na niya ang sarili sa walang tigilna pagtatrabaho pero iniisip pa rin ng mga taong ‘to na magbabago at mawawala lahat ng sakit na nararamdaman niya dahil lang sa isang kanta.


Oo, alam niyang umiikot sa musika ang buhay niya. Na sa lahat ng pagkakataon ay musika ang sandalan at kaligayahan niya. Pero noon ‘yon. Noon noong wala pa si Donghyuck sa buhay niya. Kasi ngayon, babalik lang ang dati niyang buhay kung babalik din si Donghyuck sa kanya.


Gusto niyang manumbat. Gusto niyang mag-amok. Galit na galit siya sa mundo. Pero wala rin naman siyang masisi. Hindi niya masisi ang itaas. Hindi niya masisi ang mga taong sinusubukan siyang pasayahin. Hindi niya masisi ang mga kaibigan at pamilya niyang ang hinangad lang naman ay ang kung anong mabuti para sa kanya. Hindi niya rin masisi si Donghyuck. Hindi niya kailanman kayang isisi ang lahat sa taong mahal niya. Dahil alam niyang pareho lang naman silang nahihirapan at nasasaktan.


Siguro sarili niya lang ang masisisi niya. Dahil duwag siya. Dahil mahina ang loob niya. Dahil hindi siya naging sapat. Hindi niya naibigay ang lahat noong mga panahong kaya niya pa. pakiramdam niya hindi niya naiparamdam kay Donghyuck ang isandaang porsyento ng pagmamahal niya. Pakiramdam niya ay nagkulang siya sa pagpapaalala dito kung ano niya siya kamahal. Kung gaano niya hindi makakaya kung mawawala ito sa kanya. Na para na rin siyang namatay kung tuluyang mawawala si Donghyuck sa kanya.


Sa totoo lang ay naghihintay na lang din si Mark kung kailan niya makakaya, kung kailan niya matatanggap. Matagal na siyang pinaalalahanan ni Donghyuck sa araw na ‘yon. Matagal na siyang inihahanda ni Donghyuck. Pero kahit ang ang paghihintay sa araw na matanggap na niya ay hindi niya mapanindigan. Alam niyang darating din ang arw na kakayanin niya pero hindi siya sigurado kung kailan. Maaring matanggap niya lang kapag siya na mismo ang nag-aagaw buhay. Kapag siya naman ang mang-iiwan sa lahat. Kapag siya naman ang aalis. Pero ngayon? Hindi niya kaya. Hindi niya kaya kung alam niyang napakatagal pa ang mga araw, mga buwan, mga taon na gugugulin niya na wala si Donghyuck sa tabi niya.

KABILANG BUHAY | markhyuckTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon