twelve

322 30 7
                                    


A week before his than you concert. Hatinggabi at nagpapahinga na siya para magising ng maaga. He has stage stunts that needs to be perfected before the actual day. His concert was sold out almost immediately after they opened the site where fans can buy tickets.


He unwillingly woke up when the loud ringing of his phone broke out. He extended his arm and took his phone from the bedside table. When he answered the call with croaky voice, his eyes widen when he heard a soft giggle as a response.


“M-mahal?”


Agad na bumangon si Mark sa pagkakahiga. Hawak-hawak niya ng dalawang kamay ang cellphone habang hinihintay magsalita ang nasa kabilang linya.


Ito na naman ‘yung pakiramdam. ‘Yung pakiramdam niya noong araw na nakapasa siya sa ausition. Ganitong-ganito siya kaasang marinig ang boses ni Donghyuck pero boses naman ni Jeno ang narinig niya.


Pigil ang hininga niya habang naghihintay sa katahimikan. Ilang segundo pa ang lumipas nang marinig niya ang boses na matagal na niyang hinihintay.


“Mahal…”


Tears fell uncontrollably when he heard that voice call him again after a very long time. It’s almost a year. It’s almost a year since he last heard Donghyuck call him mahal. Pakiramdam ni Mark ay nawala lahat ng sakit na nararamdaman niya sa loob ng halos isang taong pagkakalayo sa taong mahal niya.


“Mahal, kamusta ka na? Okay ka na ba? May masakit pa ba? Hyuckie, love, mahal, miss na miss na kita.”


Habol ang hininga niyang pinaulanan ng tanong si Donghyuck. Siguro ay naririnig na sa labas ng bahay nila ang mga iyak niya, ang pagkasabik niya, ang pag-aalala. Gusto niyang lumipad papuntang US at yakapin ang kausap. Gusto niya itong titigan at panoorin. Kahit siguro hindi niya ito mahalikan o mahawakan. Gusto niya lang itong makita, marinig, maamoy. Gusto niyang maramdaman na nadyan lang siya sa tabi ni Mark. Na hindi na siya mawawala at aalis. Na hindi na niya iiwan si Mark nang mag-isa.


“Sorry, mahal ah? Sorry kung umalis ako. Sorry kung hindi kita kinausap agad. Sorry kung sobra kitang pinag-alala.”


Mark shushed him he can hear his boyfriend chasing his breath and he doesn’t like hearing him in pain and having a  hard time. He doesn’t want Donghyuck exhausted. He doesn’t want to drain his energy.


“Mahal, okay lang. Okay lang basta magpagaling ka. Magpagaling ka, ha?”


Donghyuck sobbed harder. Bawat patak ata ng luha ni Donghyuck ay dinodoble ng mata ni Mark. Para silang mga batang nag-agawan ng laruan hanggang sa nasira na at wala na silang pinag-aagawan. Pareho silang nanlulumo. Pareho silang nasaasaktan. Pareho nilang sinisisi ang mga sarili. Pareho nilang iniisip na sila ang dahilan kung bakit nalulungkot at nasasaktan ang isa’t isa.


Ilang minuto pa silang umiyak bago unti-unting tumahan si Donghyuck at nagsalitang muli.


“Mahal, kwentuhan mo naman ako kung ano ‘yung mga nakaligtaan ko.”


Napapikit si Mark na siyang naging dahilan para magpatakan ang mga bagong luha. Kung ano man ang kahantungan ng pag-uusap nilang ito, alam niyang hindi niya pa rin kaya.


“Narating ko na, mahal. May concert ako sa isang linggo, manonood ka ba?”


Humagikhik si Donghyuck at huminga ng malalim, “kakantahan mo ba ‘ko? Kung may kakantahin kang para sa’kin, panonoorin at pakikinggan kita.”


Napatingin si Mark sa dalawang gitarang nakasabit sa pader ng kwarto nila. Ang gitara niya na gamit niya simula pa noong nag-aaral siya hanggang sa pagsikat niya at ang gitarang iniregalo niya kay Donghyuck.


‘Ni hindi man lang niya naturuan si Donghyuck makatugtog ng isang buong kanta. Hindi niya man lang naranasang kumanta habang tumutugtog si Donghyuck para sa kanya. Ang dami pa pala talaga nilang hindi nagagawa. Ang dami pa nilang gustong gawin.


“Lahat naman ng kanta ko para sa ‘yo.”


Kung magkaharap lang sila ngayon ay inirapan na siya nito. Bihira lang magbitaw si Mark ng mga salitang dapat ay magpakilig kay Hyuckie. At sa lahat ng pagkakataong nagbibitaw si Mark ng mga ganoong salita, hindi kinakaya ng nakababata at pinipili na lang itinatago ang tuwa sa pagtataray.


“Wala ka bang kanta para sa kanila?” tahimik na tanong ni Donghyuck.


“Sinong sila?” balik tanong naman ni Mark.


“’Yung mga taong handang sumuporta sa ‘yo. Handang samahan ka kapag hindi ko na magagawa.”


Itanggi man ni Mark, alam na niya. Ito na ang araw na ‘yon. Ito na ‘yung araw na inihahanda siya ni Donghyuck sa pagdating. Ito na ‘yung araw na akala nila hindi na darating. ‘Yung araw na sabi ng mga doktor ay natagalan lang. Pero bakit parang ang bilis? Bakit nandito na agad sila sa dulo kung pakiramdam naman ni Mark ay wala pa silang nauumpisahan?


“I saw the tweets and posts, love. Mahal na mahal ka nila. They’ll be there for you when I leave. Tama pala ang naging desisyon ko. I was a bit hesitant to push you on the spotlight before. I was so scared that you’ll receive too much love. That you’ll end up not needing mine. But now, I realized, I was brave and clever to share you to the world.”


Mark can’t even talk. Hinayaan na lang niya si Donghyuck magsalita. Makikinig na lang siya. Makikinig siya hangga’t naririnig niya pa ang boses nito. Kung maari lang ay ‘wag na itong matapos sa pagsasalita.


“May magmamahal na sa’yo bukod sa’kin. May mag-aalala na sa ‘yo bukod sa’kin. May makikinig na sa mga kanta mo bukod sa’kin. May maniniwala na sa kakayahan mo bukod sa’kin. May magpapaalala na sa’yo kung gaano ka ka-espesyal bukod sa’kin. May mananatili na sa tabi mo para sa’kin.”


“Donghyuck…”


Natawa na lang si Hyuckie nang marinig ang garalgal na boses ni Mark. Huli na ‘to. Huling beses na niyang masasaktan si Mark. Sa huling beses na ‘to, ang gusto niya lang ay maramdaman ni Mark na mahl na mahal siya ni Donghyuck sa kabila ng lahat.


“’Wag ka nang umiyak, mahal. Malapit na akong umuwi. Kapag bumalik na ‘ko sa d’yan sa Pilipinas, hindi na ‘ko aalis ulit. Pangako, mahal.”


Kahit dinig naman ni Donghyuck ang hagulhol ni Mark, nagpanggap pa rin ang nakatatanda na hindi siya umiiyak. Ngumiti si Donghyuck sa kawalan. Kampante na siya. Isa na itong hakbang para kay Mark. Isang progreso. Nakakaya na niya unti-unti. Alam ni Donghyuck na alam na ni Mark. At alam din niyang hinahayaan na siya nitong bumitaw.


“Mahal na mahal kita, Donghyuck Lee. Pakasalan mo na ‘ko pag-uwi mo?”


Humigpit ang hawak ni Donghyuck sa cellphone, “Oo, Minhyung. Sorry kung nahuli ang sagot ko. I love you so much, mahal. Magpapakasal tayo.”


“Thank you, Hyuckie. Salamat sa lahat.”


Tumugon na lang si Donghyuck ng pagsang-ayon bago humikab.


“Sige na, mahal. Gusto ko nang magpahinga.”


Pikit-matang humiling si Mark sa itaas na sana tumigil ang oras sa sandaling ‘yon. Hindi niya pa kayang tapusin ang tawag. Hindi niya pa kayang tapusin ang lahat. Kahit na anong pagpapanggap niya ay mananatili pa rin siyang mahina. Pero kahit hindi niya kaya, kailangan na. pagod na pagod na si Donghyuck at mas hindi kaya ni Mark na patagalin pa ang paghihirap na ‘to. Kaya kung ito lang ang paraan para matapos na rin pati ang paghihirap nilang lahat, kung ito na ang napiling desisyon ni Donghyuck, ano pa bang magagawa niya?


“Sige, magpahinga ka na. Bumalik ka na dito, mahal.”

KABILANG BUHAY | markhyuckTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon