nine

277 29 4
                                    



It has been months already. Sinubukan man ni Mark na sumunod kay Donghyuck sa US kung saan nito ipinagpatuloy ang pagpapagamot, hindi naman niya maituloy. Nakapirma na siya sa kontrata ng talent agency kung saan siya pinag-audition ni Hyuckie noon. Kasama sa kontrata niya ang patuloy na pagdalo sa workshop na inihanda nila para kay Mark. Hindi rin siya maaring umalis basta ng bansa dahil may mga responsibilidad siyang kailangang gampanan sa kompanya nila.


He was told to write and compose songs. He even had a song written and sang by him released. Marami na rin ang nakakakita ng talento niya at nakakakilala sa kanya. He even saw that he gained some followers on social media.


Nakikibalita na lang siya kay Jeno na pinakamalapit na kamag-anak ni Donghyuck. Hindi rin naman kasi siya makapagtanong kay Johnny dahil hanggang ngayon ay masama pa rin ang loob nito sa nakatatanda. Kahit naman si Johnny ay hindi na rin sumubok na kausapin pa siya matapos ang pag-uusap nilang iyon sa telepono ni Ten.


Pareho nilang alam na hindi magugustuhan ni Donghyuck ang tampuhan nila pero alam din nilang mas lalala lang ang away nila kung pipilitin nilang ipaintindi sa isa’t isa ang sari-sariling dahilan.


Sa ngayon ay si Jaemin at Taeyong ang nagpapalitan sa pagluluto para kay Mark. Napansin kasi nila na puro take-out lang ang kinakain nito. Noong una ay hindi pa pumayag si Mark. Ayaw niya kasing ipagalaw ang mga gamit ni Donghyuck sa pagluluto. Sabi niya magagalit si Donghyuck kapag nalaman nitong ginagamit ni Jaemin ang green niyang ladle sa yellow niyang pot. It has to be color coordinating. Mark was really a pain in the ass. Kung hindi lang ito napagsabihan ng sariling ina noong isanama ni Taeyong para magluto, siguro ay hanggang ngayon hindi pa rin nakakapasok ng kusina nila si Jaemin.


“Anong ginagawa mo?” dinig ni Mark na tanong ni Jeno.


Nakaupo siya sa couch at nagsusulat na naman sa songwriting notebook niya habang hinihintay ang pagkaing niluluto ng kaibigan. Abala naman si Jaemin sa pagluluto habang ka-facetime si Jeno na sa pagkakaalam ni Mark ay on-break sa photoshoot.


“Ano pa, eh ‘di ipinagluluto ‘tong kaibigan mong mahirap pakainin,” sagot ni Jaemin at ngumiti sa direksyon kung saan niya ipinatong ang kanyang cellphone.


“Ako, ipagluluto mo rin ako?”


Bakas sa boses ni Jeno ang paglalambing. ‘Yung tono na naghahanap ng yakap at halik. Ganyan na ganyan din kasi ang tonong ginagamit niya kapag gusto niyang paborito niyang pagkain ang iluto ni Donghyuck para sa hapunan nila.


Hindi maituloy ni Mark ang dapat na isusulat na nanatili na lang sa pakikinig. Hindi man niya aminin ay halata naman ng lahat ang pagkainggit niya sa mga kaibigan na magkasama pa rin hanggang ngayon. Kung dati ay sukang-suka ang mga kaibigan nila sa mga harutan nila ni Donhyuck, ngayon naman ay siya itong halos magdasal sa lahat ng santong kilala niya para maibalik ‘yung dati nilang gawi.


“Oo na. Pag-uwi mo, handa na ang pagkain. Kailan ba kita ginutom, Jeno?”


Dinig na dinig ni Mark ang hagikhik ni Jeno sa kabilang linya.


“Sige na, matatapos na ang breaktime namin. Got to go, babe.”


Jaemin only hummed as he nod his head towards his phone, “I love you.”


“I… I love you too,” Jeno answered a little shy. Alam kasi nito na nakikinig si Mark sa usapan nila.


Natapos na rin nila ang pag-uusap kasabay ng paghango ni Jaemin sa niluto niya. Inihanda niya ang mga pagkain sa lamesa at inayos na rin ang mga pinggan at kubyertos. Dadating kasi si Renjun para sa schedule ni Mark. Their Chinese friend had been Mark’s acting manager since Mark trusts no one to handle his schedules and projects. Pinili niya na rin si Renjun dahil alam nito ang pinagdadaanan niya. He wants someone who understands his breakdowns. Someone who would not pressure him to do things just for people’s entertainment. Ayaw naman ni Mark na mag-hire ng bagong manager from an agency and then tell them that he can’t do this and that because his boyfriend’s currently fighting for his life out of country.


As if on cue, Renjun appeared suddenly on their living room. Heholds a plastic bag containing watermelon slices on a food tub. He passed by Mark and hit his head.


“Kumain ka na sa kusina. I want your stomach full before I tell you some good news,” sabi nito habang patuloy sa paglalakad papuntang kusina.


Mark laughed bitterly. Wala siyang tinatanggap na magandang balita bukod sa paggaling ng boyfriend niya. If that ain’t it, salamat na lang.


Sabay-sabay na kumain ang tatlo. Ang katahimikan na dating mayroon sa bahay nila ni Donghyuck simula nang araw na umalis siya papuntang US ay napalitan ng ingay at bangayan ng dalawa nilang kaibigan.


Nang matapos ang pagkain, ambang aalis na si Mark para magsulat ulit ng kanta nang pigilan siya ni Renjun.


“Sandali lang naman, Marcus, may sasabihin pa ‘ko ‘di ba?”


Pinanood lang ni Jaemin ang palitan ng mga ito ng tingin. Kita niya ang lungkot at may halong inis na mga mata ni Mark habang nakatinigin kay Renjun.


“Anong gusto mo? Magandang balita o mas magandang balita?” dinig ang kaunting pagkagalak ni Renjun.


“Hindi naman totoo ‘yang magagandang balita na ‘yan. Simula noong makatanggap ako ng sinasabi niyong good news, unti-unting nawala sa’kin ang taong mahal ko. Kung ano man ‘yan, hindi na lang.”


Napakagat sa kanyang labi si Renjun nang itaboy ni Mark ang kamay niyang nakahawak sa kamay nito. May namumuo na ring luha sa mga mata nito na hindi nakaligtas sa mapanuring tingin ng kanilang kasama.


“Pakinggan mo muna kaya ang sasabihin sa’yo? Ayan ka na naman eh.”


Hindi pinansin ni Mark ang sinabi ni Jaemin at padabog na umalis sa kusina. Agad namang niyakap ni Jaemin si Renjun nang nag-unahan ang luha nito sa pagpatak.


Nang humupa ang lungkot ni Renjun, magkasama nilang nilinis ang kusina nina Mark. Nagpaalam na rin si Jaemin na uuwi na dahil maya-maya’y uuwi na rin si Jeno.


Kahit anong pilit ni Renjun ay talagang hindi siya pinapansin ni Mark. Kaya nang maisipan niya nang umuwi, napagdesisyonan na niyang sabihin na lang kay Mark ang balita dahil alam niyang kahit itanggi ng nakatatanda ay tiyak na matutuwa ito.


“’Yung magandang balita, sabi ng management makakapag-release ka na daw ng sariling album in three months. Kung magiging hit, baka magkaroon ka ng chance na mag one-day thank you concert.”


Patuloy sa pagsusulat kaya ngumiti na lang ng mapait si Renjun nang buksan niya ang pintuan palabas ng bahay nina Mark.


“’Yung mas magandang balita, conscious na ulit si Hyuckie at pwede nang makausap.”


Kung nakita man ni Renjun ang mabilis na pagliwanag ng mukha ni Mark ang paghabol nito ng tingin sa kanya sa paglabas niya ng bahay, iniwan niya na lang ito nang mag-isa. Alam niya naman kasi kung gaano katagal nang hinihintay ni Mark na makarinig ng ganoong klaseng balita.

KABILANG BUHAY | markhyuckTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon