Sugod sa ulan na nagpunta si Mark sa bahay nina Johnny. Kahit malalim na ang gabi ay walang pag-aalinlangan itong kumatok sa pintuan. Malakas ang mga sigaw at pag-iyak niya habang tumatawag sa pangalan ng kapatid ni Donghyuck.
Nang pagbuksan siya ng pintuan ng magkasintahan ay sinalubong agad niya ang mga ito ng yakap.
“Kuya, iuwi niyo na si Hyuckie. Ibalik niyo na siya dito.”
Nagmamadaling tumakbo si Ten patungong kusina para kumuha ng tubig habang inalalayan naman ni Johnny si Mark paupo sa couch.
“Ano na naman ba ‘to, Mark? Akala ko ba nagkaintindihan na tayo?”
Umiling lang si Mark bago hinablot ang kwelyo ni Johnny. Patuloy ang pagpatak ng luha niya sa mukha at dibdib ni Johnny. Natahimik na lang ito habang pinagmamasdan ang itsura ni Mark. Halos mawala na ang puti nito sa mata dahil sa pamumula.
“Nakausap ko siya kanina. Pumayag na siyang magpakasal, Kuya.”
Sabay na natigilan si Johnny at Ten sa narinig. Hindi nila alam kung ano ang mararamdman. Gulat ba, takot, pagtataka, pag-asa?
“Kuya, iuwi niyo na siya bago siya tuluyang magpahinga.”
Nang manghina ang mga tuhod ni Mark at tanggalin ang pagkakahawak sa kwelyo ni Johnny, ibinuhos na niya lahat ng sakit na pigil-pigil niya habang kausap si Hyuckie.
“Nagpaalam na siya sa’kin eh. Nagsabi na siya. Gusto na niyang magpahinga. Gusto na niyang umuwi.”
Kita ni Mark sa nanlalabo niyang mata ang biglaang pagbagsak ni Ten sa sahig at pagsapo nito sa kanyang bibig. Dinig din ni Mark ang pagpatak at pagkabasag ng basong kanina’y hawak nito. Sa tabi naman niya ay napasabunot si Johnny sa kanyang buhok at pagyuko.
“Iuwi na natin siya, Kuya. Gusto ko na siyang makita ulit.”
Malakas na sumigaw si Johnny at sinabayan ang mga hagulhol ni Mark. Parang naging asong ulol ito sa mga narinig. Maging siya ay hindi pa kaya, hindi pa tanggap. Nag-iisa niyang kapatid ang pinag-uusapan at alam maging ng nasa itaas kung gaano niya kamahal ang kapatid niya. Lahat ng sakripisyo at pag-aaruga niya kay Donghyuck. Halos ituring na niya itong sariling anak. Higit pa sa pagmamahal niya kahit kanino ang pagmamahal niya rito. Kasama niya ito simula pa lamang noong mga panahong hindi pa ito nakakalakad o nakakapagsalita. Ang hindi niya matanggap ay mauuna pa itong umalis sa kanya.
Lahat sila ay napatigil nang marinig nila ang pagtunog ng cellphone ni Johnny na nakapatong sa tabi ng kanilang tv. Nangangalos man ang tuhod ay tumayo si Ten sa pagkakasalampak nito sa sahig para kunin ang telepono. Nanginig ang kamay nito at mas malakas ang boses na umiyak habang nakatingin sa screen. Nag-aalinlangan niyang sinagot ang tawag at ni-loud speaker para marinig ng dalawa.
“Johnny, anak…”
Napahilamos si Johnny sa mukha nang marinig ang mahinang boses ng ama. Nagpapadyak na siya at iniliyad ang sarili sa kinauupuan. Si Mark naman ay tahimik na lang habang patuloy sa pagpatak ang luha.
“uuwi na kami d’yan, ‘nak. Iuuwi na namin si bunso. Nagpahinga na kapatid mo.”
Tanging pag-iyak na lang ang naisagot ni Ten bago patayin ng ama nina Johnny at Donghyuck ang tawag.
“Hindi na kami maikakasal, Kuya. Iniwan na niya ‘ko agad. Nangako siya sa’kin eh. Nangako siya.”
Hinila ni Johnny si Mark at niyakap ito ng mahigpit. ‘Yung yakap na gusto niyang gawin kay Donghyuck nang mga oras na ‘yon ay kay Mark na lang niya ibinigay. Damang-dama niya sa bawat salitang lumalabas sa bibig ni Mark na kaunti na lang at mawawala na ito sa sarili.
“Sabi niya pakakasalan niya ‘ko. Um-oo na siya. Sabi niya magkasama kaming tatanda. Sabi niya hindi niya ‘ko iiwan. Sabi niya hindi niya ‘ko pababayaan na mag-isa. Sabi niya babalikan niya ‘ko. Sinabi niyang lahat ‘yon. Pinanghahawakan ko lahat ng ‘yon.”
Pinanood ni Ten kung paanong ang mga taong dating sandalan nila ni Donghyuck tuwing nasasaktan at umiiyak ay siya ngayong humahanap ng saklolo sa isa’t isa. Na kung dati ay madalas ang pagpapalitan nito ng pambabara at pag-aamok, siya namang inihigpit ng yakap nila sa isa’t isa ngayon.
Ilang oras pa ang lumipas bago sumugod ang mga kaibigan nina Donghyuck kasa ang pinsan nilang si Jeno sa bahay nina Johnny. Kasunod ng mga ito ay si ang mga magulang ni Mark, ang kapatid niyang si Jaehyun kasama ang boyfriend nito at ang sumundo sa kanila na si Renjun. Nauna pala angmga itong pumunta sa bahay nina Mark at Donghyuck nang marinig ang balita mula sa mga magulang ni Jeno at magulang ni Mark. Naabutan na nilang walang tao sa bahay kaya’t inasahan na nilang makita ito sa bahay nina Johnny.
Noon pa man ay gusto na ni Donghyuck makitang magkakasama ang buo nilang pamilya sa iisang okasyon. Sabi pa nito ay mangyayari lang iyon sa araw ng kasal ni Mark. Kung saan naandoon ang mga magulang nilang dalawa, ang mga kapatid nila, ang mga kaibigan nila. Hanggang imahinasyon na lang pala ang lahat ng iyon.
Hanggang sa panaginip na lang.
BINABASA MO ANG
KABILANG BUHAY | markhyuck
FanfictionHaechan has always been Mark's muse. Song used: Kabilang Buhay by Bandang Lapis Listen to the song to appreciate this story more 💚 (contains major character death)