TDIA: 3

4.9K 177 21
                                    

ALLIAN's POV


Maaga akong nagising ngayon at nakapagbihis na. Hindi ko kasi alam kung anong oras ang umpisa ng klase dahil sa nangyari kahapon. Sa cafeteria nalang ako magbe-breakfast. Wala akong gana magluto ngayon. 

Nakalabas na ako ng building at napansin na kakaunti palang ang estudyanteng nagpagala-gala.  Napapatingin sila sa akin sa hindi ko malamang dahilan. Nadaanan ko ang Gymnasium kaya naengganyo akong pumasok doon. 

"Wow!" mangha kong anas.

Malawak kasi ito at mahahalata mong pinaggastusan talaga. Napatingin ako sa isang pinto na may nakapaskil na 'POOL AREA' kaya tumungo ako doon. Ang lawak din! Ang ganda pala ng school na 'to. 

Napahinto ako sa paglilibot nang makaramdam ng gutom.

"Nagugutom na 'ko, mamaya ko na lilibutin 'tong School.." sambit ko sa sarili at sumulyap sa relo. 

8:45 AM

Isang oras na pala akong gumagala? Ang bilis naman, ang lawak kasi ng school na 'to. Hindi na ako magtataka kung palaging may naliligaw dito. Akmang haharap na ako sa pinto nang may maramdaman akong malamig at matulis na dumampi sa leeg ko. 

I suddenly froze. Naramdaman kong may tao sa likod ko at ramdam ko din na hindi ito basta-basta.

"Subukan mong gumalaw o sumigaw man lang, tatarak 'tong patalim sa leeg mo." mariin nitong bulong. 

Bumilis ang tibok ng puso ko sa narinig at napalunok ng ilang beses. Hindi ko maiwasang mapaiyak sa takot. Help me please...

Napatingin ako sa speaker dahil tumunog iyon at nabosesan ko ang isa sa mga council na nakasama ko sa infirmary kahapon, Niño ang tinawag sa kanya nung mga kasama niya. Ngunit hindi ko naintindihan ang sinabi niya dahil sa lakas ng tibok ng puso ko sa mga oras na ito.

Narinig ko ang paghalakhak ng lalaking nasa likod ko ngayon. Mas inilapit niya pa ang patalim sa leeg ko kaya tahimik akong napadaing nang maramdamang mejo bumaon iyon.

"Ano kaya magiging reaksiyon niya kapag nadatnan ka niyang walang buhay dito?" muli niyang bulong na mas lalong nakadagdag ng takot sa akin.

Pumikit ako at kahit na nanginginig ang labi ay pinilit kong ibuka ito.

"H-Help me... Mr. President..."

Hindi ko alam kung bakit ko iyon ang unang lumabas sa bibig ko. Siguro dahil sa takot ko sa mga oras na ito at wala na akong pakialam sa maaaring mangyari basta ay makaalis lang ako sa sitwasyon na ito.

Ganito ba talaga sa university na ito? Puro patayan? Ngunit bakit dito ako ipinasok nila Mama at Papa kung alam nila ang nangyayari sa paaralan na 'to? Nararamdaman kong may malalim silang dahilan pero sana naman ay hindi ko ikapahamak 'yon.

Narinig kong marahas na bumukas ang pinto kaya napabaling kami dito. 

Ang Presidente... Kasama niya ang council.

Madilim ang mukha niya at nang bumaba ang tingin niya sa leeg ko kung saan nakatutok ang patalim ay mas lalong dumilim pa ang kanyang mukha. Pero kahit na ganoon ay hindi ko maiwasang makaramdam ng ginhawa at pakiramdam ng kaligtasan.

Biglang humalakhak ang lalaking nasa likod ko.

"Akala ko saka kana darating kapag tinapos ko na ang buhay ng babaeng ito eh." nanunuya niyang saad at hinigpitan ang kapit sa akin.

"Tulungan mo ako..." bulong ko at napatingala.

"Heh, kung ako sayo bibitawan ko na ang magandang dilag na hawak mo." sambit ng isa sa mga council.

The Devil's Innocent Angel (Hellias Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon