TDIA: 8

3.2K 177 12
                                    

ALLIAN's POV

"What the fuck pres you kiss her?" ang hindi makapaniwalang tanong ni Kalil nang makabawi siya mula sa pagkagulat.

Samantang umangat ng tingin si Lance at hindi nakaligtas sa mga mata ko ang ngisi niya kay Kalil habang sapo ang kanyang baba. Tumingin siya sa'kin at naglaho ang ngising nakapaskil sa mukha niya nang makitang umiiyak ako.

"Hindi kita bati Lance! Mapagsamantala ka!" sigaw ko at nagtatakbong lumabas.

"H–Hey wait Leannah!" narinig ko pang nahihirapang sigaw niya.

Buti nga sa kanya!

Nakita ko ang pagtataka ni Alas nang makita ako at ng iba pa.

"Why are you crying Allian?" tanong sa akin ni Leon na nadaanan ko paglabas ko ng silid.

"H-Hindi na virgin 'yung labi ko." mangiyak-ngiyak kong saad habang nakahawak sa labi ko. "At kasalanan 'to ng presidente niyo!"

Narinig ko ang paghalakhak ni Kleyon samantalang umiling na lang si Alas nang ibalik niya ang tingin sa kanyang binabasang libro. Doon ko naman napansin na wala na pala rito si Zeon.

"Ah-uh." tanging naisagot lang ni Leon bago nilingon si Niño.

Nakita ko naman si Niño na bakas kaguluhan sa mukha habang nakatingin sa akin.

"Mapagsamantala ang presidente niyo kaya dapat na siyang paalisin sa posisyon niya!" bulalas ko bago muling nagpatuloy sa paglabas.

Tsaka ko lang namalayan ang sariling nasa garden na naman at hahakbang na sana papuntang bench ng may bigla akong mabangga na hindi ko pala napansin. Inangat ko ang tingin ko at nabigla nang makilalang si Aiden ito.

"I-Ikaw pala Aiden..." usal ko.

Akmang magsasalita sana siya nang matigilan sa nakikita. Tumalas ang tingin niya at nagulat ako nang bigla niyang punasan ang pisngi ko.

"Who made you cry Allian?" ang seryoso niya naman.

Bumalik na naman sa isipan ko 'yung ginawa ni Lance kaya napasimangot ako pero pinigilan ko na lang ang pagbabadya ng luha sa aking mga mata. Hinawakan ko ang labi ko at tumingin kay Aiden na napatingin na rin sa labi ko at napalunok.


Bigla ko tuloy naaalala si papa. Agad akong nakaramdam ng alarma nang may maalala.

"S-Si Lance kasi! Hindi na virgin 'yung lips ko kaya lagot ako nito kay papa kapag nalaman niya! Siguradong makakarating 'to sa kanya!"

Napansin ko naman ang pag-i-iba ng timpla ng mukha ni Aiden sa narinig mula sa akin.

"Who's that man Allian? Is he your boyfriend?" may nahihimigan akong pait sa boses niya sa paraan nf kanyang pagtatanong.

Anong boyfriend daw? Agad naman akong umiling iling sa kanya.

"Hindi ah! Bawal pa akong mag boyfriend! Bata pa ako Aiden!" nanlalaking matang tanong ko sa kanya.

Napangiti siya sa sinagot ko bago ginulo ang buhok ko kaya umatras ako kaonti.

"Goodgirl." bulong niya na narinig ko naman, naalala ko iyong sinabi ni Lance.

The Devil's Innocent Angel (Hellias Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon