TDIA: 10

2.8K 104 5
                                    

RINOA's POV

"Magbabayad kayong lahat." nagngingitngit kong bulong sa sarili, at dahil sa pagkamuhi ay walang habas kong pinagbabato ang kung anong bagay ang makita ko. 

Aleahnn come back to me please, I would do anything, I can do better too and if you want I'll kill that bastard for you. Heck, I can even kill myself just to be with you. 

Just... just come back mahal ko.

Nangako ka rin sa akin na ako lang, na kahit na anong taon pa ang lumipas ay ako lang at hindi magbabago ‘yon pero bakit nawala lang sayo ang paningin ko ng ilang segundo ay saka ko mapagtatanto na wala ka na rin sa bisig ko?

"Come back love, I missed you so much, I’m sorry, I’m so sorry love... please don’t leave me I love you, I love you..." I whispered to... nothing.

Dapat hindi ko na nalang siya iniwan noon! Dapat hindi na ako umalis! I can't loose her oh god please. Not her, not my Aleahnn, not my world, she's my world. I love her so much. 

It was emptiness without her, fuck, I’m not sane at all without her!

Paano nga ba napunta sa sitwasyong 'to ang lahat? Hindi ko alam. Basta‘t ang tangi ko lang sigurado ng mga oras na iyon ay may maipagmalaki sa pamilya niya at mismo sa kanya ngunit, hindi sumang-ayon sa akin ang panahon. 

Bigla kong naalala ang natirang kambal ng mahal ko. May isang ideya na nabuo sa utak ko na sigurado akong hindi magugustuhan ni Aleahnn, pero ano ba ang dapat kong gawin? 

“Hep hep! Wag kang magpapadala sa galit mo Rinoa, yes worst ang ginawa nila sayo pero dapat never kang gaganti dahil masama ‘yon okay?”

Napangiti ako ng marinig ang boses niya sa isipan ko at ang isa sa mga sinabi niyang tumatak sa isipan ko, hindi, lahat ng mga sinabi niya ay hanggang ngayon ay naalala ko pa. 

At habang inaalala ko siya ay natigilan ako nang may napagtanto.

Masyado pala akong nabulag sa galit na pati ang inosenteng kambal ni Aleahnn na si Allian ay nasisisi ko at natauhan ako sa pamamagitan ng mga alaala ko kasama siya. 

Kaya iwinaksi ko sa isipan ang ideya na pumasok sa isip ko. 

Baliw ako pero hindi ko magagawa iyon kay Allian, hinding-hindi.

"Tsk tsk, kaawa-awang Rinoa, hayaan mo at igaganti kita..." 

Napalingon ako sa nagsalita at nagulat nang makilala ko siya. Nakangisi siya sa akin na tila may binabalak, agad akong tumayo mula sa pagkakasalampak sa sahig. 

"Warren? P–Paano?—"

Agad akong bumagsak sa sahig nang makaramdam ng pagpalo sa aking likuran ng isang matigas na bagay. 

"Too bad, your timing was off and you hurt her so now’s the time, mabuti naman at nasunod lahat ng plano ko hmm... and this time makukuha ko na siya..."

ALLIAN's POV

Si Rinoa...

Siya ba iyong palaging ikinekwento noon ni Ate Aleahnn sa akin noong homeschooled ako... teka siya ba talaga ‘yong Rino na palaging sinasambit ni Ate noon?

Yung lalaking first love niya? 

Ngunit bakit hindi sa akin sinabi ni Rinoa? At ano ba talaga ang nangyari sa kanila noon? Mas nadagdagan ang mga katanungan ko dahil sa nalaman ko. 

"Sigurado ka ba riyan sa desisyon mo na ‘yan anak?" bakas ang kalungkutan sa boses ni mama nang itanong niya iyon sa akin. 

Mabagal lang akong tumango bago tumingin kay papa na seryoso ang tingin sa’kin. 

The Devil's Innocent Angel (Hellias Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon