Prologue

7.6K 173 13
                                    

"Sa huli ng aking paghinga, ang aking tanging ikinakatakot ay hindi kana muling makita pa, Leannah..."

Napahigpit ang kapit ko sa isang bagay na mainit sa pakiramdam. Ngunit tanging kaligtasan lang ang aking nararamdaman. Pumikit ako at mas pinakinggan pa ang maliit na boses na tila bumubulong sa isipan ko.

"Kung sakali mang ito ang huli kong pagkakataon, kahit na ikamatay ko pa ililigtas at ililigtas kita. Hindi ako nagsisising minahal, minamahal at mahal na mahal kita, Leannah."

Naririnig ko siya... si Lance.

Pero ngunit bakit wala akong makita? Nasaan ako?

Pinilit kong imulat ang aking mata ngunit tila nasa isa akong napakadilim na kawalan. Hindi ko magawang makagalaw o makapag salita man lang. Anong nangyayari...

"Mama... hinihintay ka ni ama!"

Nanlaki ang mga mata ko nang biglang lumitaw sa aking harap ang bulto ng isa sa aking mga anak... si Lia Delliannah. Malawak ang kanyang ngiti sa akin. Kamukhang-kamukha siya ni Lance ngunit ang ugali ang pinagkaiba.

Pinilit kong ibuka ang bibig ngunit hindi ito sumusunod sa aking nais.

Ngumuso si Lia. "I don't wanna call him daddy 'cause it's common, so i called him ama! That's cool, my ama is so cool Mama!"

Natigilan ako. Napatitig ako sa mukha ni Lia. Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng takot, hindi para sa sarili ko na baka hindi na ako makaalis sa kinaroroonan ko.

Kundi ang takot ng isang ina na gigising nalang isang araw na hindi na niya makikita pa ang matamis at purong ngiti ng kanyang anak...

Ngunit ang ikinakatakutan ko... ay hindi ko inaasahang bubungad sa pagkagising ko.

"Ito na ang pinaka masakit na naramdaman ko ngayon Lance, sa dami ng sakit, ang sakit ngayon na nararamdaman ko ay tila hindi ko na kayang kayanin pa, tila nasa isa akong mahabang pagtulog at gumising ngunit isang bangungot ang aking paggising dahil bumungad sa akin ang balitang...  patay na ang isa sa mga prinsesa ko... ang isa sa mga anghel ko... si Lia."

"Kasabay ng pagmulat ng mga mata ko ay ang pagpikit ng mga mata at pagtulog ng habang buhay ng anak ko..."

The Devil's Innocent Angel (Hellias Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon