TDIA: 11

3K 108 19
                                    

ALLIAN's POV

"WHAT?!"

Napatalon ako sa gulat nang dumagundong ang boses ni Lance. Nandito kami sa office niya at kumpleto ang Council kaya ngayon ay kasalukuyan akong hindi makatingin kay Rinoa na matalim ang tingin na ibinibigay sa akin.

Hindi ko alam pero ramdam kong may kakaiba talaga sa kanya ngayon.

"Ikaw may kasalanan nito pres, ginalit mo si Aiden eh, at hindi sa University natin maglalaro si Allian dahil nag transfer na siya sa Klevor kaya mahigpit na prinotesta ng mga taga kabila iyon," paliwanag ni Leon.

Napahilot sa sintido si Lance. Ano ba kasing nangyayari? Tinaas ko ang kamay ko kaya naagaw ko ang atensyon ni Lance.

"Anong meron Lance? Sabi ko kasi sayo sa Klevor na ako papasok eh, bakit kasi—"

Napatahimik ako nang samaan niya ako ng tingin. Ano bang nangyayari rito kay Lance?

Kanina pa ‘to ha, naiinis na ‘ko dito.

"Fine I accept that, Kalil and Dos will guard her and protect her at all cost. Niño, Alas, Zeon and Kleyon you four need to win this game. Kailangang mapilayan ang grupo nila kagaya ng dati." sambit nila habang seryoso ang mukha, bumaling siya kay Rinoa. "Ikaw ang bahala sa mga patibong, kailangan niyong ipanalo ang laro at bumalik ng kumpleto. That’s the order o as your Student Council President and you can’t do anything about it but to obey me understood?"

Nakita ko ang pagtayo nilang lahat bago sabay-sabay na sumagot.

"Noted pres,"

Napapalakpak naman ako sa sobrang seryoso nila kaya napabaling ang atensyon sa'kin ng lahat.

Naglaho ang ngiti ko at natigil sa pagpalakpak.

"Ang galing niyo hehe... Cheer ko kayo ha?! Go! Council! Go!"

Kita ko ang pag-iling nung iba samantalang tuwang-tuwa naman si Niño at nakigaya pa sa ajin. Tumingin ako kay Lance na nakasimangot. Sinenyasan sila nito kaya agad silang lumabas ng office hanggang sa kami nalang dalawa ni Lance ang natira.

Lumapit siya sa’kin

"Listen to me angel, mamayang gabi na gaganapin ang Death game. Alam mo naman na hindi ordinaryong paaralan ‘to..."

Tumango ako at mas nakinig pa sa kanya.

"Ang Death game ay isang paligsahan ng magkabilang university. Axford University laban sa Klevor University kung saan ang napili nilang lugar sa taong ito ay sa likod ng Axford sa malawak na kagubatan." seryoso ang ekspresyon ni Lance habang nagpapaliwanag.

Kaya hindi naiwasang mapalunok sa kaba. Hindi ko inakalang ganoon pala ang Death game na pilit kong inaalam. Nakakatakot at hindi ko alam kung anong kahihinatnan ko sa larong iyon.

"Lahat ng estudyante ay obligadong dumalo maliban sa akin at sa presidente ng Klevor. So be safe alright? Wag mong hahayaang saktan ka nila, dahil hindi ako madadalawang isip na labagin ang batas."

Tumango naman ako kahit na nag-a-alinlangan pa.

"K-Kailangan ko bang patayin sila?"

Agad siyang umiling nang mariin sa akin

"No, dahil sa Klevor University ka naka-enroll ay doon ka maglalaro at ang mga estudyante rito ang kalaban mo pero makinig ka, hindi mo kailangang pumatay, hindi pwede. Wag mong bahiran ng dugo ang mga kamay mo Leannah, ang kailangan mo lang gawin ay maging ligtas at manatiling buhay hanggang sa matapos ang laro. Kalil and Dos will protect you okay? Hayaan mo silang gumalaw hindi mo kailangan lumaban para sa Klevor University." madiin niyang pahayag.

The Devil's Innocent Angel (Hellias Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon