TDIA: 7

3.2K 128 8
                                    


THIRD PERSON's POV


Hating gabi na at tulog na ang lahat ngunit alerto na naglilibot sa buong unibersidad ang Student Council kasama ang kanilang Presidente. Ngayon lang sila nagkaroon ng pagkakataon na makasama si Devin sa paglilibot na ito dahil madalas itong subsob sa mga gawain bilang isang presidente ng Council. May iba siyang pakay sa pagsama sa paglilibot sa gabing ito.

These past few days he followed what Leannah had told him. He was able to distance himself from her even if it breaks is heart, longing from her presence. Simula nang makita niya ang dalaga ay hindi na niya makontrol ang emosyon na lumabas sa kanya kapag may ibang taong humahawak o kumukuha ng atensyon nito.

Ang tagal niyang hinintay na muling makita ito, ngunit hindi niya inakalang ang matagal na niyang kinakatakutan ay dumating na. Ang mapagtanto na nagmamahal na pala siya na ka'y tagal niyang itinanggi sapagkat isa lang ito sa magiging kahinaan niya.

He wanted to stop his feelings for her but every time he will saw her gentle face, he immediately forgot everything. Kaya ngayon ay hindi na siya nakatiis sa mga araw na pag sunod niya sa kagustuhan nito. 

He wanted her wholeheartedly.

Kaya sa mga oras na ito ay namalayan na lang niya ang sarili na palihim na tinatahak ang daan patungo sa dormitoryo nito at nang makarating siya sa kwarto nito at nakitang mahimbing ang tulog ng dalaga ay muli na naman niyang naramdaman ang bilis ng kabog ng kanyang puso.

Umangat ang gilid ng labi niya nang mapansin ang tatak ng suot nitong pantulog. Spongebob.

Dahan-dahan siyang lumapit dito. Umupo siya kama at pinagmasdan ang dalaga, hinaplos niya ang pisngi nito at ang labi nitong bahagyang na nakaawang.

"Cute..." he mumbled under his breath.

Natigilan siya nang rumehistro na naman sa isipan niya ang katagang sinambit sa kanya ng dalaga isang linggo na ang nakararaan. The memory of Leannah's face seemed to be a very clear water in the river in the back of his head, the fear of her eyes staring at him as if it were indicating that his own presence would only bring danger to her innocent soul, and it hurt him.

Napapikit siya nang mariin dahil alam niyang siya ang dahilan kung bakit ito natatakot. Kaya dumistansya siya kagaya ng nais nito pero hindi niya mapapangakong bibitawan niya ang dalaga, hindi niya kakayanin na muling mawala ito.

"I'm sorry," he whispered, staring at her softly. "I just don't want to lose you like before..."

Ngunit napatigil siya sa susunod pang sasabihin nang mapansin ang pagbabago ng ekspresyon ng mukha ni Leannah. Nakakunot ang noo nito na tila nananaginip.

Umayos siya ng upo at seryosong tiningnan ang dalaga.

"Ate Yuna..." 

Hinuli niya ang kamay nito at pinisil. Nananaginip si Leannah at pamilyar kay Devin ang pangalan na binabanggit nito. Iyon 'yong pangalan na paulit-ulit na sinisigaw ni Leannah sa hospital noon nakaraan, at hindi niya itatangging pinaimbestigahan niya kung sino ito sa buhay ng dalaga.

Nalaman niyang kambal ito ni LeannaH na nawala labing isang taon na ang nakakalipas. It was a painful tragic to Leannah when it happens that cause her to have a trauma. At hanggang ngayon ay hindi pa rin natatagpuan ang kambal nito o ni isang ebidensya na patay na ito. Kaya inutusan niya ang kanyang tauhan na mag-imbestiga sa nangyaring aksidente noon.

The Devil's Innocent Angel (Hellias Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon