Chapter 1 : The Bitter Start

833 21 2
                                    

Alas 11 na ng magising si Sam.

Napatingin sa orasan na nasa pader ng kanyang kwarto. "Hala! Late nako!" Dali-dali itong tumayo at muntik pang madulas habang inaabot ang kanyang twulya na nakasabit sa sampayan malapit sa kanyang kama.

Nagmamadali siyang bumaba, "Ma, bat' di mo naman ako ginising!"

"Aba, eh kanina pa kita ginigising ayaw mo naman bumagon. Hinayaan nalang kita", sabi ni Mrs. Andrade.

"Ma, dapat pag ganun ginigising mo pa din ako kahit ayoko baka naalimpungatan lang ako kapag ganun."

"Ay, ewan ko ba sayong bata ka. Ang hirap kasi sayo inaasa mo sakin lahat. Alam mo naman na tayong dalawa nalang. Parang wala ka pa ding pinagkakatandaan" Agad na napatigil si Mrs. Andrade. Marahil hindi niya napigil ang emosyon. Paulit-ulit padin na sumasagi sa isipan niya ang pag-iwan sa kanila ng kanyang asawa. Sumama si Mr. Andrade sa kabit nito matapos madiskubre ni Mrs. Andrade ang pangloloko na ginagawa ng kanyang asawa.

"Ma! Hanggang kelan mo ba dadamdamin ang pag-iwan satin ni papa. Tinutulungan naman kita dito sa bahay ah. Nagaaral naman akong mabuti para maging scholar. Ma, hindi man na katulad ng dati na may katuwang ka sa lahat ng bagay, andito naman ako para tumulong kahit papaano."

Niyakap ni Mrs. Andrade ang kanyang anak habang tumutulo ang luha sa kanyang mga mata. "Alam ko naman yon. Pasensya kana ha. Alam ko namang ginagawa mo yung makakaya mo. Masyado lang akong madaming iniisip."

Napaluha din si Sam. "Ma naman! Ang aga pa nagda-drama na tayo dito oh". Sabay silang napatawa. "Basta ma, hinding-hindi ako magpapauto sa mga lalaki na yan. Magagaling lang yan mangbola tapos iiwanan ka din naman. Makuha lang yung gusto nila. Tsaka yung love love? nakakalimutan tsaka lumilipas lang din yun. Kaya hindi talaga ako mai-inlove."

"Ay ay, nako. Nak, hindi naman lahat ng lalaki katulad ng papa mo. Dapat ma-inlove ka pa din. Masarap magmahal at mahalin, sa tamang tao nga lang dapat. Hindi katulad ko..."

"Ma, ayan nanaman. Basta ma kalimutan na natin yun si papa tsaka yung love na yun. Ang importante magkasama tayo. Nako maliligo na pala ako. Malalate nako ma."

"Ay, o sige na. Nako anong oras na pala!" Dali-daling inihanda ni Mrs. Andrade ang almusal ng anak. Agad namang naligo at nagbihis ng uniform si Sam.

Sa Manila nagaaral si Sam. Isang pribadong paaralang pangkolehiyo na sikat at kilala ng kahit sino. Bihira lang ang makapasok sa paaralang iyon dahil narin sa may kataasang matrikula at halos mga mayayaman na pamilya o may mga kaya lang ang nakakapasok roon. May kaya ang pamilya ni Sam. Kaso ng iwan nga sila ng kanyang papa ay ang mama nalang niya ang nagtatrabaho para sa kanila. Matagal na silang walang balita dito.

Matapos na makapagayos ay umalis na si Sam at dali-daling pumunta sa sakayan ng jeep. Kailangan pang lakarin para makarating doon. Hindi naman ganun kalayo pero kailangan niyang magmadali dahil late na siya. Sumakay na siya ng jeep hanggang sa makarating sa sakayan ng fx. Nang makarating doon ay agad naman siyang sumakay sa dumating na fx.

"Bayad po" nasa likurang bahagi ng sasakyan si Sam. Habang nagbabasa para sa lesson sa isang subject ay may sumakay na isang babae at lalaki. Mukang mag-gf at bf ang dalawa dahil todo alalay ang lalaki sa babae habang pasakay at kahit may katapat ito ay naglalambingan sila na parang walang nakasakay na ibang tao. Nakakunot naman ang noo ni Sam habang tinitingnan ang dalawa.

"Babe, wag mo kakalimutan yung date natin mamaya ah. After ng class mo susunduin kita sa room niyo", sabi ng lalaki sa gf nito na obvious naman habang tinititigan ito sa mata na halatang nagpapacute.

"Ay, babe may group study kami mamaya eh. Sa ibang araw nalang babe", sabi ng babae habang naka sad face at humihingi ng sorry.

Sabi naman ng lalaki " Ay sige, mas importante naman ata yun kesa sakin sige magisa nalang ako mamaya". Binitawan yung babae at halatang nagpapaawa at nalulungkot.

Sinuyo naman nung babae at kumapit sa braso at sinabi "Eto naman, nagtampo kagad, sige na nga matiis ba naman kita eh ang cute mo pag nagmamakaawa. Haha" habang sinusuyo ang lalaki. Natuwa naman yung lalaki at hinawakan yung kamay nung babae.

Habang nangyayari ang lahat ng iyon ay nagsasalita naman sa isip si Sam "Akala naman nila walang tao dito. Kung makapagharutan akala mo walang makakapanuod. Kala nila walang naiistorbo! Hay nako yung mga bata talaga ngayon. Imbis na pagaaral atupagin, puro pakikipagrelasyon. Eh mukang lolokohin lang naman nitong boy si girl. Wala namang itsura tong si girl eh. Baka pinagti-tripan lang nitong boy. Eto namang boy hindi naman cute, sabi nitong babae na to cute hindi naman!. Bala sila lokohin nalang nila yung isa't isa. Basta ako nagaaral at maa-achieve ko lahat dreams ko at hindi pa ko masasaktan."

Pagdating ni Sam sa school 5 minutes nalang bago mag-start ang first class niya. Kahit malapit ng ma-late si Sam mas pinipili parin nito na dumaan sa simbahan at magdasal. Pagluhod niya may magkasintahan na nakaupo at tila nagaaway at nagmamakaawa yung lalaki sa babae.

"Hanggang dito ba naman sa simbahan. Hindi nalang mag-break na at umuwi eh. Sa simbahan pa talaga ang ganap ah" Mahinang sambit nito. Pagtapos magdasal ay agad na itong umalis.

Samantala sa loob ng school, sa gitna ng quadrangle, may tila sweet na eksena sa isang palabas na binabati ng happy anniversary ng isang estudyante ang kanyang gf dala-dala ang bouquet of flowers at kanyang mga kaibigan na tumutugtog habang nagbibigay siya ng sweet messages. Napatigil si Sam sa paglalakad ng makita niya ang pinagkakaguluhan ng mga estudyante.

"Sam!", sigaw ng kanyang tatlong kaibigan na sina Alex, Celine, at Ross.

"Ay! Ano ba yan nagulat naman ako. Loko-loko talaga kayo eh. Bakit kayo nandito sa labas huwag niyong sabihing nakikinuod kayo? Hmmm" sabi ni Sam, na halatang kanina pa naiinis sa lahat ng mga nangyayari.

"Ahhmm, wala si Sir! At oo manunuod din kami kasi nakakakilig kaya! Hindi ka parin ba tinatablan?! Ano kaba bato? Bitterella ka nanaman eh" sabi ni Alex, sabay tawanan ng magkakaibigan.

"Ewan ko sayo. Basta alam mo naman ang motto ko, walang forever! Ang importante ngayon wala si Sir at hindi ako late. Alam mo kasi manloloko lang yang mga lalaki no. Pagtapos ng mga kilig na yan, iiwan ka din niyan" ayon kay Sam.

"Lalim ng hugot friend! Malalim kapa sa balon!", sabi ni Celine.

"Ehem! Grabe ka naman Sammy! Hindi naman lahat ng lalaki ganun pano naman ako", ayon kay Ross.

"Syempre, exempted ka! Eto naman, sa lahat ng sasabihin ko exempted ka lagi. Kaso wag mo nga kong tawaging Sammy ang baho eh hahaha. Basta magbe-break din yan. Walang forever." Tawanan naman ang magkakaibigan.

Maswerte si Sam at nakahanap siya ng mga totoong kaibigan at walang arte kahit na magaganda ang kanilang estado sa buhay. Bihira lang makahanap ng mga katulad nila sa isang sikat at kilalang paaralan. Sila ang nagbibigay ng kasiyahan kanya at nagiging karamay niya sa lahat ng bagay.

Baka May Forever?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon