‡★‡ Chapter Five ‡★‡

58 6 2
                                    


[ Rolene's Pov ]


Tinanggal ko muna ang aking mga muta sa gilid ng aking mga mata bago ako dumilat. Nag-unat ng matagal na may kasamang hikab. Papikit-pikit ng mata kong maganda. Parang nag-bubuyitiful eyes lang. Arte much. Nang maimulat ko ng tuluyan ang  aking mga mata bumungad sakin ang napakaamong mukha ni Nimrod. Napangiti ako sa magandang tanawin na nasa harapan ko.

Isang makisig na anghel na bumaba sa langit. Nakangiti ito sakin ng pagkatamis-tamis. Killer smile talaga. Naalala ko iyong comercial niya noon na napanood ko sa tv. Isa iyong toothpaste ad. Para akong tinamaan ng palaso ni Dodong. Sapol eh! Walang mintis! Tapos ang haba pa ng palaso. Tagos hanggang likod.

Ouch!

Sa tuwing nakikita ko ang poster na ito na binili ko pa sa bayan na may kasama pang discount dahil kuripot ako. Ang mahal kaya nito twenty pesos, buti nga binigay na sakin ni manong ng kinse. Sipa at tadyak ang ibibigay ko sa kanya kapag umangal pa si manong. Buti nga binili ko pa.

Nakatunganga pa rin ako sa kanya. Tulo laway sabay higop kapag malapit ng bumagsak. Hindi pa rin ako tumatayo sa kinahihigaan ko. Nakakatamad kaya. Tatayo na ang prinsesa ng biglang may naalala ako.

Dumilim agad ang paningin ko. Hinablot ko ang kumot na nakatabing pa sakin. Bumaba na ako sa kama, naglakad papunta sa harap ni Nimrod Chako!

Isang linggo na ang nakakalipas ng maudlot ang pagkikita ng boyfriend ko. Lecheflan!

“Kung inaakala mong tapos na ang lahat! Pwes! Hindi!” sigaw ko.

Hinablot ko ang poster na nakadikit lang sa ding-ding. Ginamitan ko lang iyon ng tape para dumikit. Isang hila ko lang natanggal kaagad. Pinagpupunit ko hanggang sa naging pulbos. Echos lang...

“Yan ang nababagay sa 'yo!” nakangiti at feeling accomplished na sinabi ko. Na may kasama pang pagpag sa kamay.

Nagkalat ang mga maliit na piraso ng papel sa sahig. Buti nga sa kanya! Tss. Kulang pa yan! Dapat sayo ibitin ng patiwarik at ipagahasa sa mga pating. Ipahabol sa mga asong ulol na nakahubot hubad! Labas ang abs. Hihihi

♪Kulog♪Kidlat♪ sound effect.

Bwuhahaha—

♪Tok! Tok! Tok!♪

May kumakatok sa pintuan. Kung sino man siyang panira ng revenge moment ko! Humanda siya. Malalaking hakbang ang ginawa ko para mabilis na makalapit sa may pintuan. Akala mo malaki ang bahay, eh three steps lang naman. Patuloy pa ring kumakatok kung sino mang tuko na iyon na adik kumatok. Abno yata. Walang pintuan yata ang bahay nila kaya ang feeler lang kumatok. Leche!

Aga-aga nambubulabog! Pisti. Binuksan ko na ang pintuan bago pa mabutas ang pintuan kong binili ko pa sa Madagascar. Wala na kasing puno dito sa pilipinas kaya doon na sila kumukuha. Polluted na ang utak ng mga tao. Kaya heto ang patunay katok ng katok pwede namang magsalita na lang.

*Clich*

Pagkabukas ko hindi kaagad ako nakaimik. Akala ko si Aling Kusing, may pagkaabnoy kasi iyon pero hindi pala. Isang lalaki na mukhang rapper. Alam niyo na kung ano ang mga style nila. So no need to explain. Tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa. Kung makatingin akala mo ang guwapo niya. Parang diring-diring sakin. Pagkatapos niya akong titigan mula ulo hanggang paa pumaling na ang ulo nito sa ibang direksyon.

“Mister ano ho bang kailangan niyo? Nakapagbayad na ako sa meralco noong martes pa, ah. Putulan again? Kung makakatok wagas.” pagtataray ko dito.

Hindi ito nagsalita. May iniabot sakin, tinanggap ko naman. Ito iyong sign board na inilagay ko noong umalis na ang magasawang nangungupahan sa katabi kong kuwarto. ‘Room for Rent’ ang nakasulat. Siyempre alam ko, ako ang nagsulat eh.

The Track of a Falling StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon