‡★‡ Chapter Three ‡★‡

44 13 0
                                    


[ Rolene's Pov ]

Nakapasok na ako sa loob ng apartment na tinutuluyan ko. Hanggang ngayon masakit pa rin ang binti ko sa paglalakad kalina. Hinang hina akong umupo sa upuan na malapit sakin. Ipinatong ko ang hawak kong maliit na bag sa ibabaw ng lamesa. Napansin kong nandun pa rin ang newspaper na binasa ko kalinang umaga. Naalala ko tuloy 'yung nabasa ko.

Taurus: Suswertehin ka ngayong araw na ito, bastat huwag lang uulan. Kapag umulan baka tamaring umalis ng bahay ang lalaking nakatakda sa iyo at magmamahal sayo ng tunay. Lucky Color 3, 14, 26, 1, 11. Lucky Color Blue.

“Sinungaling talaga!” inis na wika ko. “Suwerte! Ha! Baka malas! Hindi naman umulan, ah!”

I sigh.

Sayang! Hindi ko siya nakita. Nakakainis! Sayang ang ganda ko.

Pumasok na ako sa loob ng kwarto ko para makapagbihis na. Binuksan ko ang ilaw. Tumambad sakin ang mga kalat. Mga nagkalat na damit at bag sa ibabaw ng kama. Pati medyas na nakasampay sa bakal sa tabi ng kama.

Kailangan ko na sigurong maghire ng katulong. Etchoss lang! 'Yun ngang pinambili ko nang ticket galing pa sa alkansya ko. Katulong pa kaya! Ang hirap ng buhay ngayon. Kailangang magtipid.


Nagpalit na ako ng damit. Pambahay outpit na ulit. Parang si Cinderella lang. Ang kaibahan nga lang hindi ko nikita ang Prince Charming ko. At wala akong naiwan na sapatos. Midnight? Eh, alas-nuwebe pa lang, oh! Ang agap pa kaya. Tss!

Niligpit ko na lang ang mga kalat sa loob ng kuwarto ko. Pinagsama-sama ko lang sila at nilagay sa iisang basket. Bukas ko na lang iyon ilalagay sa kani-kanilang dapat paglagyan. Para masabi lang na malinis. Haha. Tamad lang ang peg!

Dahil malinis na ang ibabaw ng kama ko sumampa na ako dun. Inaantok na kasi ako. Pagod pa. Hindi na rin ako kumain dahil tinatamad ako. Hindi ko na pinatay ang ilaw dahil takot ako sa dilim. Baka mamaya may lumabas na...

Impakto!

Halimaw!

Alien? Hindi ako naniniwala dun.

Baka sa Aswang pa!

Bampira? Kung si Edward Cullen pa iyon ako na ang lalapit sa kanya. Kahit maubos pa ang dugo ko owkay lang! Hihihi.

Eh, Bampirang PANGET? Hahagisan ko pa ng bomba 'yun. Titiyakin kong maglalaho na siya ng tuluyan sa mundong ibabaw. Walang matitirang bakas!

Buwahahaha.

Hay. Naku! Erase! Erase! Erase! Kung ano-ano na pumapasok sa kukote ko. Naprapraning na yata ako.

Makatulog na nga! Nagtalukbong na ako ng kumot at ipinikit ko na ang aking mga mata.


“Pasaway kang  Nimrod ka!” sabi ko. Naalala ko naman ang nangyari kalina.


‡★‡★‡★‡

MissAniMay

Please Vote and Comment...

Enjoy Reading!

The Track of a Falling StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon