[ Nimrod's Pov ]
My name is Nimrod Santana. Isang dating lead guitarist pero ngayon isang sikat na singer na. Plus a songwriter, lahat nang isinulat kong kanta ay sumikat. Nagsimula ako sa isang banda. Ako ang kanilang Lead Guitarist, pero walang nangyari sa bandang kinabibilangan ko. Sa kalaunan nagkahiwa-hiwalay kami dahil wala na 'yong patutunguhan pa.
Dahil hilig ko ang pagtugtog ipinagpatuloy ko iyon. Hindi ako tumigil sa pagtupad ng mga pangarap ko sa buhay. Rumaraket sa kung saan-saan parang lang tumugtog. That's my life. And in the meantime nagsusulat din ako ng mga kanta n'ong mga panahon na iyon.
Hanggang isang araw hindi sumipot ang vocalist namin. Kaya napilitan akong ako kumanta ng araw na 'yon. Minsan kasi nagse-second voice ako kaya ako na lang ang isinalang nila. Hindi naman ako pumalpak at ipinagpasalamat ko 'yon. Dahil dun natuwa ang mga kabandmate ko.
Nang nasa backstage na kami, may lumapit sa aking babae. Nakaminis-skirt lang ito. Kulay pula iyon. Hapit na hapit iyon sa katawan nito. At ang cleavage nito ay nag-uumapaw. Parang puwit ng bata. Sa tingin ko makinis ang balat nito, maputi rin ang balat nito. At siyempre maganda.
Ang sabi niya maganda ang boses ko. Binigyan niya ako ng calling card.
"Maganda 'yong performance mo kalina. Actually naghahanap ako ng mga taong kagaya mo. Gusto kita!"
Nagulat ako sa sinabi n'ong babaeng sexy. Ginawa pa akong Callboy.
"Miss pasensya na, nagkakamali po kayo hin-"
"Ano bang iniisip mong bata ka? For your Info may asawa na ako!" sabi nito na parang proud pa sa sinabi.
Grabe ang trip nang babaeng 'to. Hindi ako makapaniwala na may asawa na ito.
"Naghahanap kami nang taong may talent sa pagkanta. Gusto kita para sa team ko. Ibang klase ka ring mag-isip noh?" paintindi nito sakin.
"Linawin niyo kasi Miss! May asawa na pala kayo ganyan pa ang pananamit niyo."
Binatukan ako nito. "Araay!"
"Ano'ng gusto mo! Magsuot ako ng duster! Hindi pa ako manang!"
"Ang sakit n'on, ah!" galit na sabi ko dito.
Hindi nito pinansin ang sinabi. Maya-maya may kinuha ito sa pouch nito. Isa iyong itim na card. At ibinigay ito sakin. Kinuha ko iyon pero hindi ko tiningnan.
"Calling card ko 'yan,"
"Alam ko!"
"Pilosopo kang bata ka! Wala kang galang sa mas-nakakatanda sa iyo!"
"Eh, di inamin niyo rin na matanda na kayo!"
Binatukan ulit ako nito gamit ang pouch niya.
"Araaayy! Ano ba! Nakakadalawa ka na, ha!"
Grabe ang sakit nun! May sira yata sa ulo ang babaeng 'to, eh!
Nagbelat ito sa akin na parang bata. Dahil doon lalo lang ako nainis. Pagkatapos n'on naging seryoso na iyong babaeng sexy na may asawa na pala. Na mahilig manakit.
"Isa akong talent manager. Iyong boss ko naghahanap nang mga bagong artist. Kailangan namin 'yon. Nagkataon naman kalina na napanuod kita. Sabi ko kalina sa'yo gusto kita di 'ba. So, tawagan mo na lang ako kung tatanggapin mo 'yong offer ko sa iyo. Binibigyan lang kita ng one week." sabi nito.
Pagkatapos n'on umalis na 'yong babae. Nagsalita pa ito bago tumalikod.
"Chow!" paalam nito sa kanya.
Saka ko lang tiningnan ang hawak kong card.
Vivienne Luz
Talent Manager
No. 09*********
Vivienne pala ang pangalan ng babaeng sexy na may asawa na at parang halimaw kung umasta. Ang sakit pang manapak. Adik na babae. Ano na kaya ang itsura ng asawa n'on. Tssk, kawawa naman. Parang si Manny Pacquio!
---
Huminto ako sa tapat nang isang utility room para magpalit ng damit. Dito ko pinili kasi kung sa men's room ako papasok baka may makakilala pa sakin dun. Tiniyak ko munang walang nakasunod sa kanya. Nakasuot ako ng shades ng sa ganun walang makakilala sakin. Nagsisigurado lang! Mahirap na!
Pinihit ko ang doorknob at agad na pumasok. Nagpalit ako ng damit at nagsuot ng Wig. Hindi naman iyon mahaba. Parang Harry Styles lang ang dating. Medyo kulot ang dulo. Kulay itim iyon. Sabay suot ng shades.
Nang matapos ko na ang ginawa kong transformation agad akong lumabas. Nang lalabas na ako nagulat ako sa babaeng nasa tapat ng pintuan. Nakatulala lang ito sakin na parang nagulat. Nakasuot ito na green na T-shirt, wari ko ay isa itong trabahador dito sa mall.
Baka namukhaan niya ako. Lagot na! Pero imbes na 'yong kinatatakutan ko ang mangyari, hindi naman pala.
Nagtaka 'yong babae. Hindi ko na hinintay na magsalita ito. Nagsimula na akong maglakad bago pa ako kausapin dahil wala naman akong maibibigay na dahilan dito.
Nang makaalis na ako sa harapan nung babae, 'yung pintig ng puso ko napakabilis! Hay! Grabe! Daig ko pa ang nagaadik na nahuli sa pag-gamit ng droga! Muntik na ako 'dun! Akala ko makikilala na niya ako. Nakahinga ako ng maluwag... Patuloy pa rin ako sa paglalakad.
Ngayon naman ang kailangan kong gawin ay umalis na dito. Kailangan kong makalabas ng mall. Tumingin ako sa relo na may tatak na G-Shock na kulay red. Alasinko na ng hapon. Magsisimula na ang program. Isang mini concert kung saan ako ang kakanta. Para iyon sa Brave's Angel Foundation. Pero heto ako ngayon. Nasa labas na ng mall.
Nakaplano na ang lahat. Wala akong iiwan na bakas para hindi nila ako masundan. Nag-iwan ako ng note sa kanila. Ang manager ko na ang bahala sa lahat.
I want my freedom! Ginusto ko nga ang ganitong buhay pero nasasakal na ako. Nakakasawa rin pala. Hindi ko alam, eh. Parang may kulang. At kailangan kong malaman iyon.
Ibang-iba na ako sa dati kong itsura. Kalina artista ang dating. Ngayon parang ewan lang. Tutal nasimulan ko na, itutuloy ko na ito. Kinakabahan at excited habang nagsisimulang maglakad palayo sa malaking gusali.
★‡★‡★‡★‡★
MissAniMay,
Please Vote and Comment...
Enjoy Reading!
![](https://img.wattpad.com/cover/28437695-288-k856699.jpg)
BINABASA MO ANG
The Track of a Falling Star
RomanceI'm your biggest fan, I'll follow you until you love me- Excerpt from a song ★‡★‡★‡★‡★