‡★‡ Chapter One ‡★‡

114 21 12
                                    

I'm your biggest fan, I'll follow you until you Love me-

- Excerpts from a song

++++++++++++++++++++++++++++++++

[ Rolene's Pov ]

Heto ako ngayon sa loob ng isang mall. Hindi para manood ng sine, kumain o mag-window shopping. Nandito ako para makita ang boyfriend ko.

Dali- dali akong sumakay ng escalator para makarating sa ikatlong palapag ng mall.

Pinaghandaan ko ang araw na 'to. Nagpaganda pa ako para sa kanya. Bumili ako ng bagong damit. Bagong sapatos. Pumili rin ako ng magagandang accesories na babagay sa kasuotan ko.

Daig ko pa ang aatend ng presendential meeting.

Nakasuot lang naman ako ng isang Light blue dress. May kwelyo 'yon, hanggang tuhod ang haba ng palda. Isang pares naman ng emerald earrings ang suot ko. At isang silver necklace. May dala rin akong blue pouch na bag na naglalaman ng kikay kit ko.

Sa tingin ko hindi naman ako baduy sa suot ko. Simple lang.

Sa tingin ko napaagap yata ako nang dating. Konti pa lang ang tao na nakikita ko sa venue na pagdadarausan ng isang mini concert ng paborito kong singer na si Nimrod Santana.

Nang malaman kong magkakaroon siya ng isang mini concert sa isang malapit lang na mall samin agad akong bumili ng ticket. Buti na lang may naipon akong pera. Nalaman kong isa itong charity event kung saan maraming matutulungan na mga batang may brain cancer. Ang pangalan ng foundation nila ay Brave Angel's. Alam kong mahirap lumaban sa sakit na brain cancer lalo na't mga bata pa sila. Bata pa lang may sakit na.

Ibinigay ko na ang ticket ko at naghanap na ako ng puwesto kung saan malapit. Kung saan tanaw na tanaw ko siya. Mga ilang minuto pa, marami na rin ang nagsidatingan. Halos kokonti na lang ang bakanteng upuan. Ang sabi, 4:30pm magsisimula. Tumingin ako sa aking relo, mag-aalasingko na.

Ganun naman talaga, late nang magsimula ang mga concert. Kailangang magtiis! Konting tiis na lang!

Maya-maya isinisigaw na ang pangalan ni Nimrod. Palakas nang palakas. Dahil sa sobrang excited ng mga tao hindi na nila napigilan iyon. Pati ako nakisali na rin.

"Nimrod! Nimrod! Nimrod!"

Ikinulong ko pa ang bibig ko para lalong lumakas ang mga sinasambit ko. Parang megaphone lang.

Hanggang sa may lumabas na isang lalaki na nagtitikwasan ang mga kamay. Isa itong bakla. Base sa suot rin nito kaya nalaman ko. Kulay pink ang suot. At naka-make-up pa.

Lumapit ito sa nakatayong stand microphone. At nagsalita.

"H-hello everyone! A-ahh Pasensya na.. Sorry pero hindi na po matutuloy ang mini concert ni Nimrod Santana. May naging problema lang po. Pe-"

Hindi na nito naituloy ang sasabihin dahil sa mga taong nagalit sa sinabi ng baklang pisti na ito!

Hindi na nito itinuloy ang sasabihin dahil pinagbabato na ito ng mga tao. Natamaan ito ng isang plastic bottle n walang laman sa ulo. Sapol! Buti nga sa kanya. Haha.

Sino ba naman ang matutuwa sa pinagsasabi ng buwakang pisti na baklang ito! 'Yong dugo ko pumanhik lahat sa utak ko! Parang gusto kong pumatay ng bakla! Itong nasa harapan ko ngayon!

Bakit hindi ako sinipot ng boyfriend ko. Boyfriend ko sa panaginip! Hay naku badtrip ang araw ko ngayon. Intrimitidang bakla iyon! Pagnakita ko 'yon babalatan ko yun ng buhay!

Dahil sa galit ko andito ako ngayon sa McDo, nagpapalamig ng ulo. Umorder ako ng tatlong Mcfloat. Agad kong ininom ng diretso sa straw ang softdrinks. Biglang gumuhit sa utak ko ang sakit, kaya napahawak ako sa ulo.

"Awww, ang sakit!" sabi ko habang napapailing.

Agad namang nawala ang sakit. Dahan-dahan kong Inubos ang lahat ang natitira pang inumin. Tumayo na ako at ngapasyang umuwi na lang.

"Badtrip!"

Imbes na sumakay nang jeep , naglakad na lang ako. Baka sakaling matanggal ang inis ko. Tutal kahit gabi na marami pa ring taong naglalakad. Marami akong kasabay. Hindi naman uso ang masasamang loob dito sa bayan namin.

Namalayan ko na lang na nasa park na pala ako. Dahil sa sobrang pagod ko naghanap kaagad ako ng mauupuan. Hinilot-hilot ang sumasakit na binti ko.

"Nakakapagod maglakad,"

Ginusto mo 'yan, eh! Sabi ng kabila kong utak.

"Argh! Kainis 'yong Nimrod na 'yon! Hindi ako sinipot!" mangiyak- ngiyak kong sinabi habang patuloy na minamasahe ang nangangalay na binti ko.

★‡★‡★‡★‡★

MissAniMay

Please vote and comment!

Enjoy Reading!

The Track of a Falling StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon