‡★‡ Chapter Four ‡★‡

53 14 2
                                        

[Vivienne's Pov]


♪Why you gotta be so rude?

Don't you know I'm human too?

Why you gotta be so rude?

I'm gonna marry her anyway

Marry that girl—♪


1 Msg Received from Nimrod Panget

Galing kay Nimrod ang text. Nimrod Panget talaga ang nilagay kong pangalan sa Phonebook ko. Wala lang trip ko lang. Kaya walang kokontra. Tssk.  Pagnalaman ito ng mga fans niyang mga panget din sasabunutan at mumurahin ako ng mga iyon. Iba na talaga ang sikat.

Bago ko pa mabuksan ang  mensahe galing kay Nimrod bigla namang may tumawag.

♪Nice to meet you

Where you been?

I could show you incredible things

Magic, madness, heaven, sin

Saw you there and I thought oh my god—♪

Magkaiba ang ginagamit kong ringtone music sa text at tawag. Tinangnan ko ulit yung screen ng cellphon ko.

Si bakla pala yung tumatawag. Naka one month leave ako ngayon at heto ginagambala ako ng pisting baklang ito. Buntis ako ngayon sa third baby ko kaya kumuha ako ng leave.

Hindi ko na pinatapos kumanta si Taylor Swift dahil agad ko ring sinagot ang tawag. Ang weird naman, talagang sabay pa! One message at isang tawag. Kaya sinagot ko na. Baka emergency.

[ “—Hello” ] sagot sa kabilang linya.

[ “Miss Viviene! May problema po tayo! Si—si, si, si—” ]

[ “Wait, hindi kita maintindihan. Ayusin mo yang sinasabi mo. Okay, ulitin mo.” ]

Narinig ko mula sa kabilang linya ang paghugot nito ng malalim na hininga. Kung katabi ko baka mamatay na ko sa baho ng hininga nito.

Nagsalita ulit ito sa mahinahon na paraan.

[ “Si Nimrod po nawawala!” ] sabi nito sa mahinahon na paraan.

One.

Two.

Three.

Three seconds bago magsink-in sa utak ko ang sinabi nito.

[ “Anong nawawala? Pwede ba ipaliwanag mo ng mabuti.” ]

[ “Ganito po kasi ‘yun... Kalina lang po... Nagpaalam po siya sa mga staff na saglit lang daw siya at may pupuntahan. At pagkatapos lumipas na ang sampung minuto hindi pa po siya bumabalik!” ] paliwanag nito sakin.

[ “Ilang minuto na siyang nawawala?”] tanong ko dito.

[ “Thirty minutes na po siyang nawawala.”] sagot nito.

Tiningnan ko ang orasan na nakasabit sa may dingding. Malapit ng mag-alasingko. Four thirty ang start ‘nun. Kung ganun...

Biglang sumakit ang tiyan ko.

Hawak ko pa rin ang cellphone ko. Nasa kabilang linya pa rin ang kausap ko.

[ “Ms. Vivienne! Andyan pa po ba kayo? Ano na pong gagawin namin?” ]

Napahawak ako sa tiyan ko. Kahit na masama na ang pakiramdam ko sinagot ko pa rin ang nasa kabilang linya.

[ “Hintayin mo ang tawag ko.” ] sabi ko dito at pinatay ko na yung tumatawag— este yung cellphone ko.

“Ok Baby! Kalma ka lang d‘yan. Huwag muna ngayon, ok?” pakiusap ko sa baby ko habang hinihimas ko ang tiyan ko.

Inhale!

Exhale!

Inhale!

Exhale!

Paulit-ulit kong ginagawa iyon hanggang sa unti-unting nawawala ang sakit. Nang naalis ang kirot, agad na may naalala ako. Bago nga pala ito tumawag sakin nagtext nga pala sakin si Nimrod. Ano naman kayang nasa utak ng lalaking iyon.  Dali dali kong binuksan ang message na galing kay Nimrod.

         Babaeng buntis na malapit nang manganak. Sorry pero aalis muna ako. Ikaw na ang bahala. Maglalayag muna ako kung saan ako lang ang may alam. May iniwan akong sulat sa baklang mukhang bodyguard. Haha joke lang pinapatawa lang kita. Pero aminin mo totoo iyon. Relax! Chill ka lang. Mga isang taon lang naman ako mawawala. Babalik din ako kaagad. Mahaba na itong text ko! Alam mo naman na hi at hello lang ang kaya kong i-type kapag nagtetext ako. Hanggang dito na lang...

Nang mabasa ko na ang mensahe nito nabitiwan ko ang cellphone. Napatulala sa kawalan... Para akong estatwa. Pisting bata iyon! Hindi siya nawawala! Kundi naglayas! Teka! Yun nga palang concert! Bigla akong nagkahuwisyo. Kinuha ko ulit iyong cellphone at agad na tinawagan iyong tumawag sakin kalina. Ang baklang mukhang bodyguard.

[“Cancel the concert!”] 

[“Ha? Pero Miss Vivienne...”] maarteng sagot nito sakin.

[ “Sundin mo ako kung ayaw mong mabingot!” ]

[ “A—ah... Yes Madam masusunod!” ]

[“Tawagan mo ako kapag natapos mo na ang pinapagawa ko sa'yo! Naiintindihan mo!”]

[ “Yes, Madam!] pagkasabi nito sabay patay ng cellhone.

Pagkatapos ng pag-uusap namin bigla akong nakaramdam ng ngalay. Nakalimutan kong umupo. Bago ko gawin iyon biglang bumukas iyong pintuan. Agad na pumasok ang asawa ko ng makita ako nito.

“Oh, Honey! Nandito ka lang pala sa study room. Akala ko nasa kuwarto ka. Pinuntahan kita doon, eh. Wala ka naman. Tara na sa kusina, andun na sina Mara at George.” sabi nito sakin.

Ang tinutukoy nito na sina Mara at George ay ang dalawa naming anak. Panganay si Mara.

“Okay. Susunod na ako. Mauna kana.” nakangiting sabi ko dito. Kunyaring inaayos ang mga libro na nasa mesa na malapit sakin.

Ngumiti muna ito bago umalis. Ang aking asawa na si Nathan.

Nakahinga ako ng maluwag. Muntik na ako! Magagalit sakin iyon kapag nalaman niya ito. Bawal pa man din akong ma-stress sabi ng OB-GYN doctor ko.

Lumabas na ako ng study room at dumiretso na sa kusina. Lumabas ako with a big smile. Ayokong ipahalata sa kanila na may problema ako.

‡★‡★‡★‡

MissAniMay

Please Vote and Comment

Enjoy Reading!

The Track of a Falling StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon