ISANG LINGGO na ang nakakalipas mula noong may humilang lalaki sa akin biglang nagtanong ng "Are you Blood?"
"Hellzell," biglang tawag sa akin ni Tita.
"O-Oh, T-Tita?" Bigla tuloy ang pagkalingon ko sakaniya at nagulat ako.
"Kanina ka pa tulala, anong nasa isip mo?" tanong niya at halata sa mata niya na gusto niyang malaman kung anong naiisip ko.
"I am just curious kung mayroon pa bang taong nag-e-exist na pula ang mata," sagot ko na ikinabigla niya.
Tumayo ako at nagpunta sa salamin. Hindi siya nakapagsalita kaya nagsalita ako ulit. "Diba Tita? Sa tingin mo, mayroon pa kayang gano'ng tao-"
Napatigil ako sa pagsasalita at talagang nagulat sa nakita ko sa salamin! Hindi ko alam kung namalikmata ako o ano dahil totoong nakita ko ang sarili kong naging kulay pula at bumalik ulit sa pagiging itim.
Pero hindi na ulit normal ang itim nito, naging mas purong itim na kung dati ay kulay brown...
Napaatras ako at natumba habang nanlalaki ang mga matang tumingin kay Tita na ngayon ay umaalalay sa akin.
"H-Hell! Anong nangyayari!?" saka palang sumigaw si Tita.
"T-Tita.." hindi ko masabi ang nakita ko at paniguradong hindi siya maniniwala sa sasabihin ko.
"H-Hellzell, ano bang nangyayari?!" inalog niya ako at tinignan sa mata.
Nakita ko ang reflection ko sa mata niya. Kitang kita ko ang pangangamba sa mga mata niya. Nakikita ko nang malinaw kahit hindi lumalapit ang sarili ko sakaniya! At ang mas nakakagulat doon ay nababasa ko ang lahat ng nasa isip niya!
Sa sandaling iyon ay sumakit nang sobra ang ulo ko dahilan para magdilim ang paningin ko.
Habang nakapikit ang mga mata ko ay alam kong may mga hindi pangkaraniwang taong nag-uusap sa paligid ko. Hindi ko alam kung malapit ba sila o malayo dahil batid kong may mga distansya sa paligid nila ngunit bakit lahat ay naririnig ko? Hindi ko rin alam kung bakit ako nakakarinig ng pag-uusap samantalang tulog ako.. posible bang gising pa rin ang diwa ko at tulog naman ang katawan ko?
"Sa palagay mo, isa rin ba siyang Blood?" tanong ng isang lalaki. (Boy 1)
"Hindi ba't isa lang siyang mortal? Hindi dapat natin pinapasok ang isang tahanang hindi naman atin.." sagot ng isa pang lalaki. (Boy 2)
"Nakita niya na ang mata ni Helldrion, at naitulak niya pa ito nang malakas para makatakas itong babaeng ito." Sagot ni Boy 1.
"Isa ring Blood si Helldrion. At hindi ko alam kung bakit kailangang ipakita niya ang mga mata niya sa babaeng ito," sagot ni Boy 3.
"Sa tingin ko kailangan natin 'tong sabihin sa Punong Hukom ng ating kampo," suhestiyon ni Boy 2.
"Oo, dapat talaga bago tayo maunahan ng kampo ni Helldrion sa babaeng ito.." -Boy 1.
Pagkatapos nun ay wala na akong narinig na maingay sa paligid ko.
'Sino itong mga lalaking pumasok sa kuwarto ko at sino iyong Helldrion na tinutukoy ng mga 'to?'
Naramdaman ko ang pagbukas ng pinto at dinilat ko ang mga mata ko. Masakit pa rin ang ulo ko at nang bumangon ako ay lalo itong sumakit.. lalo na nang makita ko si Tita. Nababasa ko ang isip niya.. Lahat ng nasa isip niya..
"Tita, tama na nga ang kakaisip sa pera.." mahinahong sabi ko at hinihilot ang ulo ko.
"P-Paano mo naman nalamang pera ang iniisip ko? Samantalang kalagayan mo ang dapat iniisip ko.." sabi niya at napaiwas ng tingin.
YOU ARE READING
VAMPIRO HIGH [Unedited]
VampireVampiro High. Isang ciudad kung saan may isang paaralan. Ang PINAKAKAKAIBANG CIUDAD na magpapawindang sayo kapag napasok mo.. At isang PAARALAN Kung malalaman mo ang misteryo sa loob nito, nanaisin mo pa kayang mag-aral at tumira dito? She's Elizabe...